"Pre, musta new year niyo?" rinig kong tanong ni James pagkapasok pa lamang sa loob ng room.Abala ang lahat sa pag-aayos sa mga upuan kaya walang pumansin sa kanya maski kanyang mga kaibigan ay walang pakialam.Nang matapos kami ay nagusap-usap muna ang lahat at nagkamustahan sa mga naganap sa selebrasyon ng pasko at bagong taon.
"Nakapag-paputok na ba ang lahat?" biro ni Nathan.
"Iyang bunganga mo paputukin ko eh." biro ni Shyna at nagtawanan naman ang lahat.
Palibhasa nasa isa kaming pabilog at talagang magkakaharap kaya naman dinig na dinig ko ang katuwaan nila tungkol sa bagong taon.
Kaharap ko si Marcus at paminsan-minsan ay sinisilip ko kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga gano'ng biruan. Maooffend ba siya, makikitawa o mananahimik nalang.
Nakita kong tumawa siya kaya naman tinigil ko na rin ang pagtingin sa kanya ngunit hindi ko maiwasan dahil gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya. Sa ganoong paraan kasi nang pagtingin ko sa kanya ay malalaman ko kung paano siya kumilos at ano ang magiging reaksyon niya.
Umupo ako ng maayos at inihanda ang kanina ko pang gustong itanong.
"Marcus kamusta naman ang pasko mo nang hindi ako kasama—?"
"Andiyan na si Sir!" Naputol ang sinasabi ng utak ko nang sumigaw si James.
"Epal naman toh." bulong ko sa sarili.
Bago ko pa itanong 'iyon ay nagsibalikan na sila sa kani-kaniya nilang puwesto. Wala na rin akong nagawa kundi makinig na lamang sa boring na discussion at mag-imagine na kunwari boyfriend ko si Marcus.
BINABASA MO ANG
Mutual Feelings
RomanceBeware! A sad story ahead. You may encounter heartbreaks, upsetting dialogues, unreciprocated feelings, and unforgettable memories. Please take care of your heart, as this leads to several heart attacks. In short, don't read this if you like someone...