"Bilisan niyo naman magsilakad, pag kayo nasunog diyan, makikita niyo talaga si satanas." Babala ni Ma'am matapos makita kung gaano kabagal magsilakad ang lahat.
Nang sabihin ni Ma'am iyon ay agad na nagsilakad ng mabilis ang mga kaklase ko. Napansin ko pa si Lori na tila ba nagmamadali rin sa takot na mapagalitan. Natawa pa ko nang mauntog siya sa katabi niyang si Mish.
"Fire drill toh! Tila kayo naglalakad sa buwan eh noh."
Nang makaupo ang lahat ng pabilog ay agad na hinanap ng paningin ko si Lori. Napansin ko siyang tila may hinahanap rin.
"Bakit pa siya naghahanap ng iba eh nandito lang naman ako." Sabi ko sa sarili.
Bahagya pa siyang napapikit dahil sa araw na tumatama sa kanyang mukha. Pati ang kanyang mga labi ay kumikintab dahil sa natatamaan iyon ng sinag ng araw. Nang mapatingin siya sa gawi ko ay agad siyang yumuko.
Nang muli siyang tumingin sa gawi ko ay hindi ko napigilang mapangiti dahil sa sobrang ganda niyang tingnan habang natatamaan siya ng sikat ng araw. Kumikintab ang kanyang mukha at namumula-mula pa.
Minsan napapaisip ako kung anong pakiramdam na maging ako ang dahilan ng kanyang kasiyahan. Nakita kong bahagyang naniningkit ang kanyang mga mata habang tumatawa sa mga biro ng aming bagong guro sa accounting.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang tumatawa siya. Minsan ay mapapatingin rin siya sa gawi ko kaya't nilalabanan ko ang tingin niya. Matagal bago siya umiiwas kaya naman nagugustuhan ko iyon. Minsan hinihiling ko na sana matagal pa ang oras ng subject ng aming bagong guro sa accounting para naman sulit ang oras ng pagtitigan namin ni Lori.
Kung alam lang siguro ng bago naming guro ang iniisip ko baka mamaya palabasin niya na ko ng room dahil masyado kong pinagsasamantalahan ang pagtuturo niya.
Habang tinitignan ko siyang nagsusulat ng kung ano sa notebook niya, napaisip ako. Ano kayang pakiramdam na nasa'kin ang buo niyang atensiyon.
"Pre. Salo." Sigaw ni James sabay pasa sa'kin ng bola ngunit hindi ko 'yun nasalo sapagkat abala ako sa pag-usisa kay Lori.
Nakita kong gumulong ang bola papunta kay Lori na pinupulot ang kanyang colored pencil. Kukuhanin na sana ni James ang bola pero tumakbo ako para maunahan ko siyang pulutin iyon.
"Natamaan ka ba ng bola? Saan ang masakit? Ayos ka lang ba?Tatawag na ba ko ng Doctor?" Sunod-sunod kong tanong kahit alam ko namang hindi siya natamaan ng bola, gusto ko lang makausap siya at mapasa'kin ang kanyang atensyon.
Dahan-dahan siyang tumayo para magpantay ang aming paningin. Ang liit niya pero ang cute niyang tingnan habang nakatingala sa'kin. Para siyang bata na nanghihingi ng candy at ako naman tila manong na nang-uuto ng bata.
"Ah gumulong lang 'yung bola." Inosente niyang sabi. Siguro nahalata niya na gumagawa lang ako ng dahilan para makausap siya. Which is true.
"Sigurado ka?" Tanong ko. Napatingin naman ako sa mga kasama ko nang tawagin nila ako. Kahit kailan talaga mga paepal sila. "Oo, sandali!" Sigaw ko sa kanila.
Lumingon ako pabalik sa kanya upang tingnang muli ang kanyang kagandahan.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nginitian niya ako at tumango siya na para bang gusto niya na kong paalisin kaya naman bumalik na ko sa mga kasama ko.
"Psst tol, may secret ako." Sabi ko kay Nathan at inakbayan pa siya habang naghihilamos siya. Kakatapos lang kasi naming magbadminton kaya't pawis na pawis kami.
Tumingin naman siya sa'kin na parang nandidiri. "Tol, gusto ko si Mish. Sorry." Sabi niya at inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya.
"Siraulo."
Humawak siya sa kanyang bewang at tuluyang tumingin sa'kin. "Ano ba 'yun?"
"Wag mong ipagsasabi 'to kahit kanino lalo na kay James." Sabi ko at tumango naman siya.
"Bakit? Kaibigan naman natin si James ah. Kailangan alam niya rin 'to."
"Huwag gf niya si Shyna. Pag kinuwento ko sa kan'ya 'to ikwekwento niya rin 'yun kay Shy. Tila hindi mo naman ata kilala si Shy. Pag may nasagap 'yung chismis maski nasaang lupalop ka pa ng mundo, makakarating at makakarating sa'yo 'yung chismis." Sagot ko.
"Sabagay. Yung gawa-gawa ko ngang kuwento tungkol sa isa nating kaklase na binuntis ng aswang. Kinuwento niya sa Principal eh."
"Oo, kaya dapat tayo lang ang nakakaalam nito." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.
Nang makarating kami sa Classroom ay nakita kong abala ang lahat kaya naman tinuloy namin ang plano ni Nathan.
"Huh?! gagawin natin 'yan? eh hindi ka nga pinapansin no'n eh." Sigaw ni Nathan kaya't tinakpan ko ang bunganga niya.
"Basta sumunod ka nalang."
"Eh sino gagamitin nating babae para magselos siya?" Tanong niya.
"Ewan?Ate mo nalang."
"Sigurado ka?" Tanong niya.
"Bakit mo naman tinatanong?"
"Trenta anyos na ate ko eh, 'yung lola ko nalang kaya." Sabi niya.
"Siraulo ka ba? Baka sabihin nila na pangit ang taste ko."
"Hoy! Maganda kaya lola ko."
"Patingin nga ko mukha ng ate mo." Sabi ko at inabot niya naman ang cellphone niya sa'kin."Ok lang mukha naman siyang bata eh, ang mahalaga kasi rito ay makita nilang may ka-chat talaga ako."
"Ah, ok, ok." Sabi niya at tumango.
Dumating na ang araw kung saan namin gagawin ang plano. Naupo na ko sa may katabing upuan ni Lori nang bigla akong ayain nila James na maupo sa tabi nila para magreview sa entrance exam.
Sakto naman na dumating na si Lori kaya naman sumigaw na si Nathan. Ayun kasi ang plano. Sasabihin ni Nathan na may girlfriend ako, pero hindi iyon sa tabi nila James kundi sa may puwesto ni Lori lang.
Nabulabog tuloy ang tenga ng mga baliw na 'to kaya't nagsimula na nga nila akong usisain.Kung ano-ano nang tinatanong nila at mga nang-aasar pa. Pilit nalang akong ngumiti at kunwaring may tinitignan sa Cellphone ko para hindi na nila ako tanungin nang tanungin. Inangat ko ang tingin ko upang tignan kung ano ang reaksyon ni Lori ngunit nakikipagtawanan lang siya kay Mish.
"Yie may ka-date na yan." Pang-aasar pa ni Shyna. Nakangiti namang umiling si Marcus.
"Patago lang 'yang nagkikita eh." Sagot ni James.
"Panis ka pala James eh. Tahimik lang 'yan pero mabangis." Sabi ni Nathan.
Tinignan ko namang muli si Lori ngunit ngayon ay nakayuko na siya. Hindi man lang niya plinanong usisain kami.Tama nga si Nathan, wala namang pake si Lori sa'kin kaya naman ba't siya magseselos?
"Mahirap ba umamin sa taong gusto mo?" Tanong niya. Kung alam mo lang Lori kung paano ako nahirapan sa pagtatakang umamin sa'yo.
Tinignan ko siya sa kanyang mga mata bago ako tumango. "Oo, naman. Lalo na kung wala namang pinapakitang interes sa'yo 'yung taong gusto mo.It's a sign na kahit umamin ka wala ka pa ring mapapala."
Sa wakas! Nasabi ko na rin ang matagal ko nang gustong sabihin. Ang lakas ng loob kong sabihin iyon sapagkat 'yun ang tunay kong nararamdaman.
"Tama." Sagot naman niya at tumango-tango pa. "Kaya nga dapat ibinaban ang pag-amin." Sabi niya at tumawa.
Napalingon ako sa likod ko nang tawagin ako ni Nathan. "Pre, tara laro daw tayo ng ML."
Malungkot akong tumingin kay Lori bago ko sinagot si Nathan. "Ah sige." Sabi ko sabay tango. Aalis na sana ako ngunit tinignan ko siyang muli sa huling sandali. Napakaganda niya talaga.
"Goodluck sa studies mo, galingan mo Doc Lori." Gagamutin mo pa ang puso ko.
"I'm afraid that this feelings will never fade." sabi ko sa aking sarili bago ko siya talikuran.
BINABASA MO ANG
Mutual Feelings
RomansBeware! A sad story ahead. You may encounter heartbreaks, upsetting dialogues, unreciprocated feelings, and unforgettable memories. Please take care of your heart, as this leads to several heart attacks. In short, don't read this if you like someone...