FLUORINE

10 0 0
                                    


Nagmamadali ako sa pagpasok sa gate ng School sa pag-aakalang late na ko. Ngunit pagkarating ko sa aming room ay rinig ko na ang mga maiingay kong kaklase kaya naman nabunutan ako ng tinik. Hudyat iyon na wala pa ang aming guro.

"May girlfriend na si Marcus tol." Balita ni Nathan sa iba pa nilang kaibigan. Kantyawan naman ang maririnig mo sa puwesto nila.

Dire-diretso lang akong pumasok at matamlay kong ibinaba ang aking bag at tahimik na naupo. "Beh may sakit ka ba?" Tanong ni Mish at sinapo pa ang aking noo.

Pilit ko siyang nginitian at umiling. "Wala."

"Ba't parang matamlay ka?"

"Tanong mo sa gf ni Marcus." Pabulong kong sagot.

"ha?"

"Ang sabi ko, absent ba si Ma'am?"

"Yun nga ang problema eh. hindi." Sagot niya at sabay kaming tumawa.

"Wala na ngang inspirasyon, hindi pa nakapag-review." Sagot ko. May quiz kasi kami ngayon at ang masama ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang mag-review.

Paano ba naman kasi late na ko nagising dahil nanaginip ako na naging kami raw ni Marcus, ayoko pang gumising dahil ayaw kong maputol ang panaginip na 'yun. Tapos, ganito lang ang madadatnan ko?Taksil ka, Marcus. Humanda ka sa panaginip ko paguuntugin ko kayo niyang gf mo.

"Sino ba 'yan, Marcus?" Mapang-asar na tanong ni James kaya't napalingon ako sa bahagi nila.

Nakita kong masayang nakangiti si Marcus sa kanyang cellphone habang tinutukso pa rin ng kanyang mga kaibigan. Napahawak ako sa aking dibdib sapagkat kumikirot iyon. Hindi ko maintindihan ang gano'ng pakiramdam. Last time na naramdaman ko iyon ay nang ni-reject ako ng crush ko no'ng grade 6 ako.

Gusto ko sanang makiusisa sa kanila kaso lang baka masabihan pa kong tsismosa at pakialamera, nando'n pa naman si Nathan. Lakas pa naman no'n mang-asar.

"Yie may ka-date na yan." Pang-aasar rin ni Shyna. Nakangiti namang umiling si Marcus.

"Patago lang 'yang nagkikita eh." Sagot ni James.

"Panis ka pala James eh. Tahimik lang 'yan pero mabangis." Sabi ni Nathan.

Nanatili lang ang paningin ko sa kanila at pinakinggang maigi ang kanilang kantyawan, buti na nga lang mga boses kargador ang mga iyon kaya't dinig ko sila. Ngunit habang tumatagal ay hindi ko na kinaya, hindi ko alam kung bakit unti-unting dumaloy ang patak ng luha sa aking mga mata.Hindi ko alam kung ba't ako nagkakaganito.

Masakit pala talaga, pakiramdam ko hindi ko lang siya gusto, kundi mahal ko na rin siya. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi ko siya mahal.

Yumuko ako upang hindi nila mapansin na naiiyak na ko.Ayokong usisain nila ako kaya't magpapanggap nalang akong tulog. Ihinto ko nalang 'tong luha ko, mamaya ko na ituloy pag-kauwi ko ng bahay. Nakakainis kasi siya hindi man lang niya ko hinintay na umamin. Paladesisyon siya masyado.

Paano ko pa kaya pipigilan itong nararamdaman ko gayong hulog na hulog na ako? Sana kung gaano ko kabilis na nagkagusto sa kanya ay gano'n rin kabilis mawala 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Mutual FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon