"Hindi pwede 'yun, kailangan babae at lalaki ang magkapartner."
"Luh, eh andaming babae rito kaysa lalaki. Ano 'yun hahatiin katawan ng lalaki tas ipapartner sa girls." Ani Shyna na nagrereklamo sa tabi ko sa patakaran na gustong mangyari ng aming guro sa asignaturang physical education.
"Magkaldagan nalang tayo rito para masaya." biro ni Mish.
Sa huli napagdesisyunan ng aming guro na ang matitirang girls ay ipapartner nalang sa kapwa nila babae. Gayunpaman ay hindi pa rin matigil ang lahat sa bulungan sapagkat dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas simula magbagong-taon ay marami na agad pinapagawa sa School.
Nagsimula na ngang mamili ang boys ng kanilang partner. Pinili ni Nathan si Mish at si James naman kay Shyna. Hindi ko maiwasang mainggit sapagkat pinili sila ng kanilang mga crush samantalang ako ay walang pag-asa na mapili niya.
"Sir 'di raw makapili si Marcus." Biro ni Nathan.
Napaangat ako ng tingin kaya't nagkasalubong kami ng tingin.
"Mini Mini Mini mo pre." Biro ni James.
"Kung sino nalang may gustong maging partner siya." suhestiyon ni Mish.
"Ako nalang," taas kamay ng isa naming kaklase.
"Oy. Lori ikaw? wala pa diba." tapik sakin ni Shyna at tinuro pa. "Marcus si Lori nalang partner mo. Wala pa siyang partner eh."
Napaangat ako ng tingin para marinig ang kanyang sasabihin. Inihanda ko ang sarili upang marinig ang mga katagang. "Ok lang."
Ok lang? Aba?! Tila napilitan pa siya ah. Hoy! Marcus, ako na 'to. 'Wag kang choosy diyan, maraming naghahangad sa'kin. Buti nalang walang nauna sa'yong piliin ako kung hindi wala kang ka-partner ngayon diyan, kawawa ka.
"Oh, si Marcus na raw partner mo. kung hindi dahil sa'kin beh, wala ka na naman magiging partner niyan. Mawawalan ka na naman ng grades sa Performance Task." Ani ni Shyna.
BINABASA MO ANG
Mutual Feelings
RomanceBeware! A sad story ahead. You may encounter heartbreaks, upsetting dialogues, unreciprocated feelings, and unforgettable memories. Please take care of your heart, as this leads to several heart attacks. In short, don't read this if you like someone...