"Shyna Denise Bartolome. May mataas na karangalan." Tawag ng emcee sa pangalan niya.
Kitang kita naman ang galak sa mukha ng lahat dahil kahit hindi nakapunta ang parents ni Shyna ay nando'n naman ang parents ng kanyang nobyong si James para sabitan siya ng medalya. Swerte nilang dalawa sapagkat pareho silang may karangalan.
"Nathaniel Lee. May karangalan."
"Oh ano kayo? Pogi na nga matalino pa." Pagmamayabang pa ni Nathan bago umakyat sa entablado.Kahit kailan talaga hindi niya na maaalis sa pagkatao niya ang salitang pogi tila ba bitbit niya na ang salitang iyon hanggang sa tumanda siya.
"Marcus Vale Manauag. May mataas na karangalan."
Napatingin naman ako sa puwesto niya nang marinig ko ang kanyang pangalan. Nag-fist bump muna sila ni Nathan bago siya umakyat ng entablado.Kasama niya ang kanyang lola para sabitan siya ng medalya.
Napangiti naman ako nang magmano muna siya sa kanyang lola bago siya sabitan nito ng medalya. Niyakap pa niya ito bago sila bumaba sa entablado.
"Glory Palomino.May karangalan." Masaya naman akong tumayo sa aking kinauupuan para tanggapin ang aking medalya.
"Bawi ako sa fifth Quarter." Dinig ko pang sabi ni Mish. Natawa naman ako nang sabihin niya iyon. Siraulo talaga eh.
Nakita ko naman agad ang aking tatay na naghihintay sa akin. Nang umakyat ako sa entablado ay masaya akong humarap sa mga taong pumapalakpak. Nagagalak ako sa suportang natanggap ko sa mga taong nakapalibot sa'kin at walang sawang pinagaan ang loob ko sa mga oras na gusto ko nang sumuko.
"Thank you." I mouthed before I go down.
Nang matapos ang Ceremony ay nagkaroon kami ng unting salo-salo ng mga kamag-aral ko. Kumanta, nagsaya, nag-inuman, bago nagkaroon ng paalamanan sa isa't isa.
"Babawi talaga ko sa third sem." Boltahe na naman ni Mish. Hinagod ko naman ang likod niya para kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Masama pa rin ang loob niya na hindi siya nakatanggap ng medalya, ang sabi ko naman sa kanya ay ayos lang 'yun atleast perfect attendance siya.
"Congrats guys! Shot pa kayo." Bati ng president namin at isa-isa kaming binigyan ng baso na may lamang gin.
Nang inumin ko ang isang baso ng gin ay nanuot iyon sa lalamunan ko. Napapikit pa ko dahil sa lasa no'n. Hindi ko akalain na kahit sa isang baso na iyon ay tila malalasing na ako.
Iniwan ko muna saglit ang mga kaklase ko upang magpahangin sa labas. Naabutan ko roon si Marcus na nakadungaw sa baba kaya't sinilip ko kung ano bang tinitignan niya roon.
Tinitignan niya ang guard habang pinapakain nito ang mga pusa. Nang mapansin niya ako ay humarap siya sa'kin.
"Congratulations nga pala." Nakangiti niyang sabi. Pakiramdam ko masaya siya na hindi niya na ko makikita.
Ngumiti naman ako pabalik. Akala niya ata madadala niya ko sa ngiti niya. No way, naka-move on na kaya ako.
"Congrats din, goodluck sa magiging journey mo."
"Thanks, ikaw din. Uhm... ano pala kukunin mong course sa college?" Tanong niya. Nagulat namam ako. Ngayon lang kasi siya nagtanong ng patungkol sa'kin.
"BS in psychology. Ikaw?"
"Still not sure." Sagot niya.
"Uhm...may tanong pala ako." Aamin na ko. Hindi naman na kami magkikita nito. Ito na ang time. Gulo ko talaga, kanina lang move-on na ko ngayon naman bigla kong naisipang umamin. Bahala na nga.
"Bakit?" Nakakunot-noo niyang tanong.
"Mahirap ba umamin sa taong gusto mo?" Tanong ko. This is it pancit.Gusto ko iyong tanungin para malaman ang sagot niya, kasi sa totoo lang ilang months ko 'tong pinaghandaan. Wala na kong pake kung maghiwalay sila ng gf niya basta masabi ko lang ito ngayon.
Tumingin siya sa mga mata ko kaya naman napalunok ako sa kaba. "Oo, naman. Lalo na kung wala namang pinapakitang interes sa'yo 'yung taong gusto mo.It's a sign na kahit umamin ka wala ka pa ring mapapala." Sagot niya.
I never expected na sa sagot niyang iyon ay nando'n na rin ang magiging sagot niya sa pag-amin ko. Sa huling pagkakataon ay muli na namang kumirot ang dibdib ko.Hindi na dapat ako nagtanong, nasaktan lang tuloy ako.
Pilit akong ngumiti. "Tama." Sagot ko at tumango-tango."Kaya nga dapat ibinaban ang pag-amin." Sabi ko pa at tumawang muli.
"Pre, tara laro daw tayo ng ML." Yaya sa kanya ni Nathan.
"Ah sige." Sabi niya at tumango. Aalis na sana siya ngunit tinignan niya kong muli. "Goodluck sa studies mo, galingan mo Doc Lori." Sabi niya at pumasok na sa loob.
"I love you... I really love you, Marcus."
The End.
BINABASA MO ANG
Mutual Feelings
RomanceBeware! A sad story ahead. You may encounter heartbreaks, upsetting dialogues, unreciprocated feelings, and unforgettable memories. Please take care of your heart, as this leads to several heart attacks. In short, don't read this if you like someone...