CARBON

9 0 0
                                    

"Groupings pala toh? Kala ko kasi chikahan lang." Ani ni shyna matapos kaming paupuin ng pabilog ng guro para pag-usapan ang tungkol sa groupings.

"Kinginang leader to nakatunganga lang." Ani ni Mish nang makitang tulala ang leader naming si James.

Lima kaming magkakagrupo. Si Marcus, James, Shyna, Mish at ako. Hindi namin alam ang gagawin at saan magsisimula  sapagkat hindi namin naintindihan ang instructions ng guro kanina sa harapan dahil mas inuna pa nilang magkuwentuhan kesa makinig. Ako naman ay abala sa pagtitig kay Marcus, buti na nga lang abala siya sa paglalaro ng ML.

Si Marcus ay tahimik lang sa tabi ko habang panayaang pagkalikot niya sa kanyang cellphone. Naaamoy ko pa ang pabango niya. Super bango niya kung hindi lang ako nakamask ay talagang makikita niya ang panlalaki ng mga ilong ko para lamang masinghot iyon. Bahagya pa kong umusog sa tabi  niya para maamoy ko kung ano bang klaseng pabango iyon.

"Uhm Lori." Tawag niya sakin kaya bahagya pa kong napaiktad sa gulat. Sana lamang hindi niya iyon napansin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pwede bang umusog ka ng kaunti. Mahuhulog na kasi ako rito eh." Nahihiya niyang paumanhin.

Nahihiya akong umusog. Hindi niya lang sinabi na halos wala na sa kalahati ng inuupuan niya ang sumasalo sa puwetan niya dahil nasakop ko na lahat ng espasyo noon.Kung sinabi niya pa na nasakin na lahat ng upuan ay talagang makakakita siya ng lupa na kumakain ng tao.

"Guys, suggest nga kayo ng gagawin." Ani ni Shyna.

"Luh paladesisyon ka?" Boltahe naman ni Mish.

"Guys ganto raw kasi gagawin. Gagawa tayo ng sarili nating bank statement." Ani ni James.

"Geh simulan niyo na at mangugulo nalang ako rito." Sagot ni Shyna.

Nang matapos kami sa paggawa ng bank statement ay inireport namin ito sa harapan. Tuwang tuwa naman ang guro namin sapagkat maganda ang naging presentasyon namin.

"Galing niyo guys." Ani ni Shyna saka nagthumbs up.

"Congrats!" Napatingin ako ng sabihin iyon ni Marcus. Bahagya pa kong napangiti dahil sa sobrang lambing ng kanyang boses.

Tila ako hinehele sa alapaap. Pati pagtawag niya sa pangalan ko ay para bang kinikiliti ako.Grabe ang lakas ng tama niya sa'kin.

Ano kaya iisipin ng nanay ko 'pag nalaman niya na ganito ako kalandi sa school?

Mutual FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon