TAPOS na ang graduation. Ngayon naghahanap kaming dalawa ni Grace ng school na mapapasukan sa college. Actually,tatlo lang talaga ang pinagpipilian namin; St. Benedict University,Gomez University, or Sta. Maria University.
Iyan ang tatlo sa pinamalalaking universities. At iyan daw ang mga school na babagay sa amin ni Grace. Alam niyo ba kung bakit?
dahil..
VALEDICTORIAN ako. At..
SALUTATORIAN si grace!
Ang galing niya diba? Noon akala ko balahura lang talaga si Grace sa pag-aaral. Pero tingnan mo naman ngayon! Yiee! I'm a proud bestfriend!
------
"So ano Grace? St. Benedict,Gomez, or Sta. Maria? "
"Ahmm... pwede bang yung or nalang? Hihi.. just kidding."
"Gaga ka talaga noh? Sige itanong natin kung pwede mag-aral sa or. Ano nga?" Shemay talaga tong kaibigan ko oo. Minsan talaga gusto ko nang magpatiwakal dahil sa mga sinasabi niyang kung ano-ano!
"Sige,dahil ikaw ang Valedictorian,ikaw ang magdecide kung saan tayo mag-aaral okay? Ganon lang kasimple! So ano, St. Benedict,Gomez, or Sta. Maria? "
"Grace,ang gusto ko kasi kapag pumili ako,sang-ayon ka dapat. Malay mo pumili ako tapos hindi mo pala type. E di magkakagulo lang diba?"
"Ano ka ba naman Natasha. Kahit ano naman diyan okay lang sakin eh. Basta lang kasama kita solve na kahit ano. Kaya sige na wag mo na akong alalahanin. Diba pangarap mo 'to? Yung makapasok sa isa sa mga pinakamalalaking eskwelahan sa Pilipinas ? Pwes ito na yun. Pipili ka na lang."
"Hay naku Grace ang drama mo talaga! Sige na nga!"
"So,anong napili mo?"
★★★★★★★★★★★★★★★
"So students,i am so glad that you picked Gomez University as your school in college. I am Mrs. Burgos as your Adviser in Accounting Course. Since it is the very first day of school year 2015-2016,we will be having our orientation. You'll just go in front of the class then present yourselves. Is that clear?"
"Yes Ma'am."
Hayyyyy! Eto na naman! Ipapakilala ko na naman ang sarili ko tapos pagtatawanan nila ako! Parang naiimagine ko na ang mga mangyayari....
"Hello everyone. I am Natasha Bitter Gourd- - -"
"BWAHAHAHAHAHAHHAHAHASHAHAHHAHA!!!!!!!!!!!"
"NYAHHHAHHAHAHAHASHAHASHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!"
AKO: Iyak much. :'(
-----------
Hindi,hindi! Hindi pwede!
Kailangan kong lakasan ang loob ko.
Hindi ko dapat ikahiya ang surname ko!
"Next. Kiko Bissera. Kiko,please go in front."
Letter B na! Malapit nang tawagin ang apelyido ko! Grabe kinakabahan ako- - - - Oh my...
"A pleasant morning to everyone. I am Kiko Bissera. I graduated high school at Beverly Hills University in U.S. I came back here in the Philippines because i am very excited to meet and embrace my loving fam'ly again. That's all i got,thank you."
Ang gwapo niya- - - teka,bakit ko ba to sinasabi?
Pero ang gwapo niya talaga- - - wait,Natasha no! Kalaban siya!
"Thank you Mr. Bissera. Next. Oh.. she has a unique name. May i call on Ms. Natasha Bitter Gourd?"
Shocks! ako na pala!
tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pumunta sa harapan- - -OUCH!
"Sorry miss."
"Anak ng teteng- - -" ay! Si pogi pala 'tong nakabangga ko. Buti na lang gwapo ka kundi--- sandali,bakit ang sama ng tingin niya sakin?
"Miss Bitter Gourd. Please go in front."
Bahala na nga. Siguro nagalit lang yung lalaki kasi nabunggo ko siya.
"Hi everyone! I am Natasha Bitter Gourd.."
kinakabahan ako. Lalo na ngayong wala sa tabi ko si Grace. Marketing kasi ang course na pinili niya.
"I graduated as a Valedictorian at San Dionishio High School. I picked this school as my school in college because i dreamt about this. Since i were young i am seeing myself walking in this school's campus. Waving my hands and greeting my batch mates a pleasant day. So,this is it! I am here in front of all of you. Sharing my dream that came true. Thank you."
Nagulat ako nang pumalakpak ang lahat. Grabe! Hindi nila ako pinagtawanan dahil sa apelyido ko!
"Very well said Ms. Bitter Gourd. Please take your seat. Next,Nadine Bustamante..."
Bumalik na ako sa kinauupuan ko. Grabe. Grace,sana nandito ka ngayon!
Sa wakas natapos na rin ang orientation. Naipaliwanag na rin ang lahat ng dapat ipaliwanag. Ngayon naman isasaayos ang seats namin alphabetically ordered.
"Okay,we will start with the persons who has a surname that starts with letter A. We will make the boys and girls alternated,okay? Okay,Alvarez..occupy the first seat... Alejo...second seat please...Argon..."
Sa lahat ng first day of school,ngayon lang ako kinabahan ng todo-todo. Siguro iba lang talaga ang pakiramdam kapag kolehiyo ka na.
Unti-unti kong natandaan ang mga pangalan ng mga bagong kaklase. Nandito pala yung kambal ni Shane Alejo. Si Sheena. Sa pagkakaalam ko hindi ngongo si Sheena. Pero sa pagkakaalam ko rin,nagpakatanga din siya ng maaga.
Huwag kayo maingay pero,
Nabuntis kasi siya nung first year high school. Kaya ayun. Natigil sa pag-aaral. Pero buti nalang may kaya sila sa buhay kaya nakahabol. Naku,kasalanan naman niya ang lahat. Hindi siya naging AWARE sa mga KALABAN. Hay,kung ako lang ang naging kaibigan niyan,malamang nabingi na iyan sa kakasermon ko.
O eto namang isa. Si Nathaniel Argon. Astig ng pangalan ah! Pero parang hindi yata kasing astig ng personality niya.
Mahiyain si kuya.
Sayang naman.
"Next. Bissera. Please occupy the seventh seat. Next,Bitter Gourd. Please occupy the eighth seat."
Naku naman. Katabi ko pala si pogi- - - este si Kalaban.
Na pogi.
"Hay,grabe ang init talaga noh?"
narinig kong nagsalita si KNP. short term for Kalaban Na Pogi. Pero kunwari hindi ko siya narinig.
"Ang init talaga sa Pilipinas! Sa U.S hindi naman ganito."
sambit pa ulit ni KNP. Pero nagtengang-kawali Ulit ako.
"Hayy.. kundi lang talaga kita namiss.."
Nagsalita pa ulit si KNP. Pero- -
teka- -
ako? - -
ano daw?
"Miss na miss na kita."
huh?!!
Napapikit ako.
Tapos dumilat ulit.
Naduduwal at unti-unti akong tumingin kay KNP.
"I miss you."
ahhhhhhh...
hindi pala ako...
Yung picture pala nung mommy niya yata. Nagsasalita pala siya ng mag-isa. Ahhhhh..
#Umasa si Gagang Natasha.
--------------
Author's Note:
hayyyyyy.. hindi ko malaman kung ano ba itong update na to.. pasensya na ngayon lang ulit nakapag-update.
BINABASA MO ANG
FOREVER? Nakakain Ba Yun? (on-going)
Short StorySi Natasha Bitter Gourd. Taong walang katamis-tamis sa katawan. Pangalan pa lang niya mahihilatsa mo na kung ano ang pananaw niya sa pag-ibig. BITTER siya, AMPALAYA, period. Hindi siya naniniwala sa destiny, sa fate at sa salitang FOREVER. At dahil...