AMPALAYA 7

21 1 0
                                    

"Natasha may problema ba? Inasar ka ba nila kanina sa apelyido mo?"

"Ah,hindi. Masama lang kasi ang pakiramdam ko. Naambunan kasi ako kanina nung umulan. Pero mawawala rin 'to maya-maya."

"Ganon ba? Magpahinga ka kaya muna sa clinic? Tutal 1 hour pa naman bago magsimula yung next schedule mo diba? Baka lumala pa iyan,lalo ka pang di makapasok."

"Hindi na Grace. Okay lang talaga promise."

Oo,totoo masama talaga ang pakiramdam ko. Pero may isa pa akong nararamdaman eh. Parang ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko. Hindi ko maintindihan.

"Ang init talaga grabe noh?"

"KNP?"

"Ha? Anong KNP Natasha?"

Ay mali. Si Grace pala yung nagsalita. Ano bang nangyayari sa akin? Parang mali eh!

"Anong KNP Natasha? Teacher mo?"

Naku pano ba ito. "Ahm.. hindi Grace. Kaklase ko kanina. Nakabunggo ko kasi kanina kaya naalala ko lang."

"Naku Natasha anong palusot iyan? Sige na,sabihin mo na. Sinong KNP? Ikaw pa naman kung ano-ano ang binabansag mo sa taong nasa paligid mo."

"Uhm.. a-ang totoo niyan.. ano kasi.. uhm.. pano ba.. uhm.." hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Nakagat ko tuloy yung kuko ko sa hintuturo.

"Kalaban ba 'to? Natasha,aminin mo nga sa akin,na-inlove ka 'no?"

"Huh? Ako? Hindi no! Crush lang." Oops! Nadulas ako! Oo na! Aaminin ko na. Kahit medyo naduduwal pa rin ako. Crush ko si KNP.

"OMG Natasha!!! Dalaga ka na sa wakas!!!!!"

Grabe naman,napatalon si Grace sa sinabi ko. Nagtinginan tuloy yung mga tao sa paligid namin. Ganon ba talaga ako ka-bitter na kapag nagka-crush eh lulundag sa tuwa ang lahat?

"Uy ano ka ba Grace wag ka ngang tumalon-talon diyan! Tumigil ka nga!"

Lintik! Nakakahiya! Pinagsisigawan ni Grace na may crush ako! Shocks! Pano kapag nalaman 'to ni KNP!

"Sabihin mo nga sa akin Natasha,anong ibig-sabihin ng KNP? anong full name niya? Pang mayaman ba?"

Grabe talaga. Excited na excited si Grace sa bawat salitang sasabihin ko! Daig pa si mama- - - uhm.. nevermind.

"Uhm.. KNP means 'Kalaban Na Pogi'..tapos,sa pagkakaalam ko.. Kiko Bissera yata ang pangalan niya.."

pabulong ko lang na sinabi ang mga salitang iyon. Mahirap na baka anak pala siya ng gangster.

"Bissera? Parang familiar sakin yung surname na yun. Sa pagkakaalam ko negosyante ang mga bissera. Sila ang nagmamay-ari ng Uncle Tom's Company na siyang main manufacturer ng mga can goods at instant noodles sa bansa. Diba nung nakaraan lang nabalita sa t.v na sumakabilang buhay na si Tom Bissera? Yung founder ng kompanyang iyon? Grabe nga eh."

"Ah so,ibig-sabihin,baka future tagapagmana si KNP? Naku ayoko na."

"Anong ayaw mo na? Ano ka ba naman Natasha. Mayaman man yan o hindi,walang pakialam yung parents niya kung nagmamahalan man kayo."

"Anong 'nagmamahalan' ka dyan? Mangilabot ka nga sa mga sinasabi mo Grace! Crush lang 'to 'no! mawawala rin 'to agad. Ang kailangan ko lang gawin ay makahanap ng masamang ugali sa lalaking yan para mawala na tong feelings na 'to."

"Natasha naman,ngayon mo na nga to naramdaman tapos pipigilan mo pa? Malay mo ito na si Mr. Right - - -"

"Ops! Wag mo nang ituloy! Nasusuka ako! Basta ayoko na."

"hayyyyyyyyyy.. so anong plano mo?

★★★★★★★★★★★★★★★

Anong kayang gagawin ko para mawala tong mali kong feelings?

Mabuti nalang katabi ko itong KNP na ito. Madali kong makikila yung ugali niya.

"Ahm.. hello! Ako nga pala si Natasha. Ikaw?" Inabot ko yung kamay ko para makipag shake hands. Tapos sinamahan ko na rin ng pekeng ngiti.

Tumingin at ngumti rin sa akin si KNP. "I'm Kiko. I have no nickname. So just call me Kiko."

"Ah okay. So,What's your status in life Kiko? Balita ko,magagaling na Business Men ang mga Bissera ah."

Napangiti si KNP. Siguro sa way ko ng pakikipag-usap."Ang totoo ayokong sumunod sa yapak ng elders. I want to be a singer. Bata pa lang ako yun na talaga ang pangarap ko. Ewan ko ba,nasanay na kaming sumusunod sa yapak ng bawat isa. Pero ako,im gonna make a difference."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang galing lang kasi hindi siya papayag na makisunod lang na parang aso. Gusto niya siya talaga ang mamalakad ng sarili niyang buhay. Gusto niyang- - - teka,bakit ako sumasang-ayon sa mokong na 'to?

ugh! Kailangan kong ilabas ang tunay niyang ugali!

"uhm.. diba sabi nila,masama daw ang sumuway sa parents? Bakit mo ginagawa? E diba pagsuway ang hindi pagsunod sa gusto nila?"

"yeah that's true. Pero kung titingnan mo ang side ko,e diba masama rin namang diktahan ang isang tao lalo na kung labag sa loob niya?"

ah magaling to magpaliwanag. "May point ka nga naman. Pero,hindi ba sila nagalit sayo nung sinabi mo sa kanila na ayaw mong maging tulad nila? Sure ako na there's quarrel between you and them." Konti na lang makukulitan na siya sa akin!

Tumawa si KNP. Tapos hindi na siya sumagot. Aba bastos rin pala to eh no! Kinakausap pa eh.

But that's okay. Ngayon alam ko na ang bad side niya. Hindi siya marunong tumapos ng usapan, BWAHAHAHAHAHA!!

★★★★★★★★★★★★★★★

"DAHIL LANG DUN HINDI MO NA SIYA CRUSH? "

"Grabe naman Grace ang lakas ng bunganga mo. Oo dahil dun di ko na siya crush. Hindi kasi siya marunong tumapos ng usapan. Kaya ayoko na sa kanya. Diba ang galing ko?"

"Natasha naman! Sayang kaya! Gwapo naman siya,walang braces,hindi kasing buhok ni Jose Rizal at hindi rin siya baduy! So ano pang ayaw mo?"

"Kasi nga kalaban siya! Alam mo naman yun Grace diba? Kalaban kalaban kalaban! Ano,paulit-ulit na lang?"

"Hay Naku! Paano ka magkakaroon ng masayang pamilya niyan kung ganyan ka? Gusto mo bang tumandang dalaga ka na lang? Natasha isip-isip din pag may time!"

"Darating din ako dyan. Hindi lang ngayon kasi ayoko pang malampa tulad ng tatay ko."

"Kung ganon kailan pa? Kapag uugod-ugod ka na? Hay ang mabuti pa,sumama ka sa akin sa linggo. Pupunta tayo sa beach.Saktong-sakto 'to para sa iyo."

"Ha? Bakit naman? Anong gagawin natin dun?"

"Aba'y malamang magsi-swimming! Ano ka ba naman Natasha."

"Oh tapos?"

"e di mag e-enjoy!"

"Oh tapos?"

"magsasaya!"

"oh tapos?"

"tapos lulunurin kita, ang kulit mo!"

FOREVER? Nakakain Ba Yun? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon