"Bye, pa!" hinalikan ko si papa sa pisngi at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
"Sige na nak. Mag-iingat ka ha." sambit ni papa habang iniaabot niya sakin yung bag ko. "Bakit parang napakasaya mo ngayon?"
Naku, napansin pa ni papa. "Wala lang pa. Ang saya kasi ng buhay diba?" ngiti ko sa kanya.
"hmmm." tinitigan ako ni papa mula ulo hanggang paa.
"Ano ba yon pa?" natatawang sabi ko.
"Kakaiba ka talaga ngayon nak, ang sigla ng dating mo."
napatingin tuloy ako sa sarili ko. "huh? anong kakaiba sakin ngayon?"
"Hay nako shasha. O sya sige na nga umalis kana at baka ma-late ka pa sa klase mo." sambit niya at inalalayan na ako palabas ng pinto ng bahay.
"Nako papa ayan ka na naman sa mga kutob kutob mo ah." inirapan ko siya. "sige na alis nako." niyakap ko siya muli pagkatapos ay umalis na.
------------------
"Oh, bakit ganyan ka makatingin sakin Grace?" pagtataka ko dahil kanina pa titig na titig sakin tong lukresyang to. Iniharang ko yung bag ko sa mukha ko.
"Teka sandali wag mong takpan!" kinuha niya yung bag at nilagay sa gilid ng bench na kinauupuan namin. Bumalik muli siya sa pagkakatitig sakin.
Umiwas ako ng tingin. "Malulusaw na ako."
"hmmm." sambit ni Grace. "May nase-sense akong kakaiba sayo ngayong araw."
Napatingin ako sa kanya. "Pati ba naman ikaw Grace?" tumalikod ako. "Wala nga kase!"
Hinawakan niya ako sa balikat at pilit akong pinaharap sa kanya. "Hoy Natasha Ampalaya umamin ka nga sakin," dahan dahan akong tumingin sa kanya, kabado. "May something noh?"
Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko at humarap. Suko na ako. "Grace masyado bang obvious?"
"Ayun sinasabi ko na nga ba." Napangisi ito.
"Bati na kami." Kinakabahan kong sambit
"Ayun naman pala kaya pala napakasaya mo ngayon." satisfied na sabi ni Grace. Umusog pa siya ng konti papalapit sakin at inakbayan ako. "So ano?"
Nagtaka ako. "Ano?"
Lalo pa siyang sumiksik sakin sabay bulong,
"Bumuka na ba ang bulaklak?"
"ANO?!" Sigaw ko ngunit agad tinakpan ni Grace ang bibig ko gamit ang kamay niya. Magsasalita pa sana siya ngunit di na niya mapigilang matawa. Napasandal siya at nabitiwan ang bibig ko. Nagulat ako sa sinabi niya ngunit maya-maya'y napatawa narin ako at sabay kaming tumatawa na parang mga baliw.
BINABASA MO ANG
FOREVER? Nakakain Ba Yun? (on-going)
Historia CortaSi Natasha Bitter Gourd. Taong walang katamis-tamis sa katawan. Pangalan pa lang niya mahihilatsa mo na kung ano ang pananaw niya sa pag-ibig. BITTER siya, AMPALAYA, period. Hindi siya naniniwala sa destiny, sa fate at sa salitang FOREVER. At dahil...