Ampalaya 2

85 6 0
                                    

                Sikat ako sa school. Pero hindi dahil mayaman ako,dahil hindi naman talaga kami mayaman. Kundi dahil ako ang class valedictorian at... at...

Ma... Ma... Mag... Maga.. maga.. MAGALING Ako. Oo na aaminin ko na. Hindi ako maganda. Cute lang.

Mahilig kasi akong magsuot ng eyeglasses. Malabo na kasi si paningin. Maayos naman ako sa sarili,pero sinasadya kong papangitin ang mga porma ko. Ayoko kasing may lumapit saking mga kalaban. Mga LALAKI. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila,ayoko lang kasing matulad kay papa. Ang tingin ko sa mga lalaki ay parang si mama. Gagawa ng kasalanan tapos lalayas,PERIOD.

4Th year high school palang ako. Pero sa tuwing dadaan ako sa hallway ng campus,PINAGKAKAGULUHAN ako. Hindi naman sa nagyayabang,pero that's  true. ALAM MO KUNG BAKIT?

"GUYS! Paparating na si AMPALAYA!"

"Hello,Miss Bitter Gourd! Nyahahaaaaa!!"

"Nyahahaaaaaaaahhh!!!!!"

"Bwahahahaaaaaaaahh!!"

Tama ang hinala niyo. Grabe,tuwang-tuwa sila sa apelyido ko. Masaya na sila kapag nasasabihan akong 'Ampalaya', Miss Pait' 'Natasha Ampalaya' at kung ano-ano pang mga walang kwenta nilang mga pauso sa pangalan ko. Napaka IMMATURE. CHILDISH. Pero wala akong pakialam. Ang totoo natutuwa nga rin ako kapag ginagawa nila yun sakin eh. Feeling FAMOUS ako. Okay na rin un. Mga kulubot ang mga utak. Parang Ampalaya. Nyeheh!


              ★★★★★★★★★★★★★★

" Bakit ba kasi naniwala ka pa sa kanya? Diba sabi ko sayo iiwan ka rin nun? Pasensya na kung sasabihin ko sayo 'to, ang TANGA mo. Hindi ka nakikinig sakin. Hindi mo ginagamit 'yang kokote mo! Puro puso na lang kasi 'yang parati mong inuuna! Kaya anong nangyari sayo ngayon? Wala. Nganga!"

"Oo,alam ko na nagpakatanga ako sa kanya. Pero ganon naman talaga ang pag-ibig diba? Hindi mo na magagawang gamitin ang ano mang talinong meron ka sa oras na tinamaan ka na ng pana ni kupido. Mawawala na ang lahat ng kaalaman mo. Kaming dalawa ni Miko? Siguro hindi lang talaga kami ang itinadhana para sa isa't-isa."

"Naku naman Grace! Tigil-tigilan mo nga ako sa mga 'TADHANA-TADHANA' na iyan! Pinaiinit mo ang ulo ko!" Hay naku 'tong bespren ko. Si Grace Natividad. Nasaktan na at lahat-lahat, nakakaumay parin ang lahat ng mga pinagsasasabi. Ewan ko ba! Hindi na siya natuto. Halos ibigay na nga niya pati bahay at lupa nila dun sa Miko na yun! Yung Miko na walang ginawa kundi ang MANGHUTHOT nang MANGHUTHOT sa kanya.

At ito namang TANGA kong kaibigan,konting PAGLALAMBING lang,bigay agad. Kaya ito namang si Miko,nang makuha ang pinakaaasam-asam niyang MAC BOOK AIR mula sa SUPPLIER niyang si Grace, hayun! Ambilis mawala nang parang bula. Galing mag magic!

"Ano ba kasing mali sa TADHANA,FATE, at FOREVER, Aber? Bakit ba kasi suklam na suklam ka sa mga salitang iyon?" Heto na naman yung mga tanong ni Grace. Para namang hindi niya alam kung bakit.

"Eh ano ba kasing meron dun sa Miko na yun para magpakaBOBA ka ha? Tingnan mo nga yang mata mo, magang-maga na dahil sa pag-iyak mo dyan sa lalaking iyan! Grace buhayin mo nga yang katawang lupa mo! Gumising ka sa paniniwala mo sa HAPPY ENDINGS at PERFECT LOVE STORIES dahil napakalayo ng agwat niyan sa REALITY! " buong puso kong pagsermon sa kanya. Kahit nandito man kami sa canteen ng school,nagrerecess,wala akong pakialam dahil gusto kong mamulat ang babaeng 'to sa katotohanan. Katotohanan na matagal ko nang itinanim sa puso't isip ko.

"Because i want to live a meaningful life. And a happy one. Yun lang Natasha,yun lang. Bakit hindi mo kasi kayang itanim sa utak mo na hindi pare-pareho ang tao. Hindi lahat kaya kang saktan,Natasha. Hindi lahat katulad ng nanay mo."

Natahimik ako sa sinabi niya. Maaaring tama siya. Pero sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ng papa ko,hindi ko maiwasang kamuhian ang mga taong katulad ni mama. Hindi ko maiwasang hindi magtiwala. Naiinis ako sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari 9 years ago. Hindi ko mapigilang hindi ipukpok ang ulo ko sa pader at isiping hindi lahat ng tao ay katulad ni mama. Pero natatakot ako. Natatakot akong maulit ang lahat..

FOREVER? Nakakain Ba Yun? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon