Memo2

17 3 0
                                    

Dear Memo,


First Day. Wala pang klase ngayon dahil first day pa lang naman. Pinagtipon tipon lang muna lahat ng mga bagong salta sa court. Narinig ko yung higher year na FroshDay ang tawag nila. Laking pasasalamat ko at ka-schoolmate ko si Ysa. Hindi ako mag-isa at loner na naghintay mag-start ang ceremony para sa mga freshmen. After ng ceremony, naglakad lakad muna kami at tumitingin na mga clubs na nakapalibot sa ground floor. Pinili ko yung may mga taong nakacosplay ang cutie kasi nila. Syempre ganun din si Ysa, gaya gaya eh. Hahaha jk.


Laging nasa tabi ko si Ysa simula pagkabata. Bestfriend since birth ika nga nila kasi never akong iniwan ni Ysa at ganun din naman ako sa kanya.


Kanina, ang dami kong nakikitang mga magkaibigan at magkakasintahan (wait. agad agad?) na naglalakad papunta sa kung saan saan. Naglilibot sila sa buong university at pumipili ng sasalihan nilang clubs. For sure pagtapos ng school year na'to isa sa kanila break na.


Yung naka vneck gray tshirt na guy na may kasamang sexy na babae. Next month break na yan. Kung saan saan kasi tumitingin yung guy, ni hindi man lang siya makuntento sa gf niya. I'm not being judgemental..Don't get me wrong. Nageenjoy talaga akong manghula ng future ng iba. Exciting. Hahaha


Ps. Kahit magbreak sila okay lang. It's the memory that counts. xD




-Hazel J.

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon