Dear Memo,
Second Day pa lang.. at dahil nakikitaan ko ng pagka-kj ang bago kong papasukan, isang araw lang ang Frosh Day namin. Hmm, sabagay.. kaya nga Day diba Hazel? Ugh. Medyo T.... Kasabay kong pumasok si Ysa pero naghiwalay din kami agad dahil mas una yung building niya kesa sa akin. Para ko siyang nanay, kung ano-anong pinapaalala sa akin.
Pagkarating ko sa assigned room ay tahimik akong umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Tahimik pa ang lahat dahil siguro hindi pa kami magkakakilala ng husto. Dahil nabored ako sa paghihintay sa prof. nagsoundtrip muna ako. Taylor Swift songs :") Nagulat nga ako ng biglang may humatak sa earphones ko. May katabi na pala ako ng di ko namamalayan.
Putakteeee!! Siya yung guy na hinulaan ko kahapon. Kaklase ko yung naka-gray na vneck tshirt guy. Ka-course ko yung gagong 'to. Katabi ko pa. I can't believe it! Waaah!
Nasigawan ko tuloy siya ng di oras :(
"Ano ba?!" kunot noo akong tumingin sa kanya. Tinuro niya lang yung nasa harapan at bigla akong napatayo at yumuko sabay sabing 'sorry po maam'
Walanjo! Nandun na pala yung teacher namin. Buti na lang mabait yung teacher na yun. Buti na lang din at walang tumawa. Perks of being a stranger to each other. Pero putspaaa! Nakakahiya first impression nila sakin.
Dahan dahan nalang ako umupo at magsosorry sana dahil sinigawan ko siya, magte-thank you pa lang sana ako sa kanya dahil sinabihan niya ako na may teacher na kaso lang nakita ko ang red stain sa bandang kwelyo niya na mukhang lipstick. Biglang nag-init yung ulo ko at tinignan siya ng masama bago umirap. At yung gagong yun nakuha pang ngumiti sakin. Ugh! Sana di ko makita gf niya, ang init ng dugo ko sa couple na'to. Maghahalikan na lang kasi nang-iiwan pa ng ebidensya. Kairita.
Ps. Di bagay pangalan mo sayo huy! Angel Jason Clark. Psh. Boooo! Nilagyan mo pa ng Angel. Sana Jason na lang. Grrr.
*Journal and Ledger
-Hazel J.