Memo 6

12 2 0
                                    

Dear Memo,

       Ayos din pala na may ganto ako noh? May pinaglalabasan ako ng lahat ng hinanakit at kainisan na nangyayari sakin. Nacancel yung quiz namin sa accounting dahil nakaligtaan daw ni sir na may event nga pala ngayon. Yes naman. Hahaha

      

       Niyakap ko agad si Ysa pagkakita ko sa kanya sa school, tinanong ko kung bakit siya absent sabi niya masama lang daw pakiramdam niya. Pero pag pagmamasdan mo nga siya ng maigi mugto yung mata niya tapos parang di nakatulog kagabi. :(

      Kanina habang naglalakad kami papapunta sa court kung saan gaganapin yung laban may nakita kaming babaeng parang nawawala at hindi alam ang pupuntahan. Nakita ko yung sarili ko sa kanya kaya nilapitan namin. Sabi niya sa court din daw ang punta niya. Ka-course ko pala siya kaso ibang section nga lang. Sinama na namin  siya baka di niya mapanuod yung game eh tsaka mukha naman siyang mabait.

Jane?  Jane ang pangalan niya.

Ang astig.

PS. Wala akong magawa habang naghihintay sa bleachers kaya nagsulat na lang muna ako dito. I'm so excited!  Sino kaya mananalo sa basketball?

-Hazel J.

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon