Dear memo,
Absent si Ysa Di ko alam kung bakit, kanina ko pa siya tinetext pero di siya nagrereply..
Kanina muntik na akong malate kasi naliligaw ako. Hindi talaga ako magaling sa pagtatanda ng mga lugar. Ang laki pa man din ng university na'to. Sa maniwala man ako at sa hindi, Jason helped me. Nagulat na lang ako ng may sumasabay na sa akin sa paglalakad. Kapag binibilisan ko, binibilisan niya rin. Kapag naman binibagalan ko para mauna siya, binabagalan niya rin. I just glared at him and I saw his blank look. Bigla niya akong hinatak pabalik sa dinaanan namin at kumaliwa.
Tatanggalin ko na sana yung pagkakahawak niya sa wrist ko dahil baka makita kami ng gf niya ng bigla siyang nagsalita.
"Mali dinadaanan mo. Magkaklase naman tayo kaya sumunod ka na lang" he said sabay tanggal ng pagkakahawak niya at nauna ng maglakad.
Sinundan ko lang siya ng tahimik hanggang sa makarating kami sa room namin. Buti na lang at wala pa ang prof namin. Umupo ako sa upuan ko at ganun din siya.
Nilingon ko siya at nakita kong naka-earphones na siya at nakapikit nun. Makinis, Matangos ilong medyo may pagkasingkit, nakita ko rin na medyo lumabas yung dimple niya. Tumingin muna ako sa kwelyo niya bago nagsalita. Infairness, malinis kwelyo niya ngayong araw.
"Thank you."
Ps. Sana di niya narinig yun.
* Long quiz in Accounting. Review.
-Hazel J.