Memo 4

9 2 0
                                    

Dear Memo,


Ayos lang naman katabi yung gagong yun. Tahimik lang siya at feeling ko wala naman siyang balak guluhin ang buhay ko pero diba kakasulat ko lang dito nung nakaraang araw na ayoko sa tandem nila Jason at nung babaeng yon. Sadyang mapaglaro yata ang tadhana at laging pumupunta sa room namin yung gf niya. Well, nalaman ko na kanina yung name niya. Stephanie.


Sa tuwing pumupunta si Stephanie sa room para sunduin si Jason ay gusto kong batuhin sila ng tsinelas. Sobrang clingy kasi nung girl tapos nakapoker face lang si Jason. Minsan nga napapaisip ako na hindi sila eh pero sa tuwing naiisip ko yun, kinabukasan ay makikita ko nanaman ang kwelyo niyang may bakat na red lipstick.


Hay, putek naman yan! Bakit ko ba sila pinapakealaman. I don't care. Whatever! Kahit mag-ano pa sila sa iba't ibang sulok ng school basta siguraduhin lang nilang di ko makikita.


Btw, inaaya ako ni Ysa manuod ng basketball sa susunod na araw *o* Magkalaban daw kasi kami. BSA vs. BSBA. Papakita raw niya sa akin yung crushy niyang varsity player. Ang terey ng kaibigan ko. Hahaharot.


PS. Diba dapat yung guy yung sumusundo sa girl. Bakit baligtad sila Stephanie and Jason? Ugh! Whatever. I DON'T CARE.



*columnar




-Hazel J.

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon