Napipilan siya. Kababata niya si james, teenager palang sila ay nililigawan na siya nito.ilang beses na niyang sinabi dito na kaibigan lang tingin nito sa kanya subalit hindi parin ito tumitigil sa panunuyo. Hindi naman niya ito mataboy. Bukod sa kaibigan ito ng pamilya, ito rin ang kasama ng Daddy niya nang mapatay ito. Nagtamo ng tama ng bala si james sa balikat kaya may simpatya siya dito, mas maswerte lang ito sa daddy niya dahil na buhay pa ito.
"Do you want more brandy?"alok niya at tinignan ang baso nitong walang laman
Lumungkot ang mukha nito "kahit kailan, hindi moko sineryoso. Ano ba ang ayaw mo sa akin. Imee? I love you and i will do everything for you."
Ngumiti siya upang I-console ito. "There is nothing wrong with you, wala lang sa isip ko ang mga bagay na iyan ngayon."
And besides. James was also a politician. Wala itong ipinagkaiba kay Rodrigo na mataas din ang ambisyon ang kaibahan lang alam niyang matagal na siyang gusto ni james at mas kilala niya ito.
"Pero puwede naman akong dumalaw sa inyo, hindi ba?"
"Oo naman, lagi ka namang welcome sa bahay namin, after all, you are my friend" nakangiti niyang sabi para hindi bumigat ang loob nito.
"Kailan kaya magbabago ang pagtingin mo sa akin?."
Nagkibit-balikat lang siya at uminom ng champagne.dahil hindi niya alam kung masasagot niya ang tanong nito. Marami pa siyang problema, at ang pinakauna niyang dapat resolbahin ay si rodrigo. How could she get rid of him?
"I SWEAR, saakin siya nakatingin,"sabi ni Skyler isa sa mga nag-volunteer na sumali sa livelihood project na pinasimulan ng grupo nila Josefa. Nasa garden siya sa hacenda nila kung saan naka-set na ganapin ang meeting
Ang mga miyembro ay pawang anak ng mga maiimpluwnsiya sa mundo ng pulitika at negosyo sa ilocos, kasali pa rin siya doon dahil sila ng mama niya ang bumuo ng grupo, ipinagpapatuloy lang niya ang nasimulan nito.
"NO, sa akin" kontra ni Samantha, isa ring volunteer at anak ng isang sikat na businessman sa ilocos " dahil ako ang kausap niya why should he waste time looking at you? Ako na nga ang nasa harap niya,"
"Daddy mo ang kausap niya at hindi ikaw," kontra naman ni skyler
"Basta ako,isinayaw niya,"nang iinggit namang sabi ni Yna "so no argument about it, ako ang gusto niya."
"Isinayaw ka lang niya dahil ipinagduldulan ka ng Mama mo,"kantiyaw naman ni Samantha dito.
Umirap si Yna. "Whatever you say, he likes me!"
Kinalabit siya nito "imee,hindi ba ako ang gusto niya?""Sino?"tanong niya habang binabasa ang agenda ng meeting nila para sa araw na iyon. Hindi pa sila makapagsimula dahil hindi pa dumadating ang head ng grupo nila.ang anak ng governor na si Cath
"Si Rodrigo, ako gusto niy, diba?"
Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya. "I don't know hindi ko naman siya tinitignan noong party" talagang iniiwasan niyang tignan si Rod kapag nakikita kasi niya ito at kumukulo lang ang dugo niya.
"Taga-saang palaneta kaba, Imee? Ikaw lang yata ang immune sa charms niya," nakatirik ang mata na sabi ni Yna
Ngiti lang ang isinagot niya kahit nagngingitngit na siya.charm?kailan pa naging charming ang ang kumag na iyon? Nang magsabog yata ng charm sa mundo. Naghihilik pa siya, she was sure it was not charm. It was something else. But she didn't know what it was. Baka naman gayuma o may pagka-sorcerer ito
Ipinagpatuloy ulit ng tatlo ang pagpapatalbugan kung sino gusto ni Rodrigo, pero sa pagkakataong ito ay ni-retouch din ng mga ito ang make-up
siniko niya si Melissa,ang treasurer ng grupo. "Ano ba ang ipinunta ng mga iyan dito." mariin niyang bulong
"Para pag usapan si Rodrigo Duterte"
Nalukot ang mukha niya. "Hindi tayo Rodrigo Duterte fans club alam ba nila na livelohood program ang topic natin at hindi ang lalaing iyon"
Nagtataka siya kung bakit kasama ang tatlo. Malayo kasi sa bokabolaryo ng mga ito ang tumulong sa ibang tao, sa palagay nga niya ay lalagnatin ang mga ito kapag dumikit sa mga mahihirap
"Pabayaan mo na. Magdo-donate ng malaking halaga ang magulang nila"
"Aside from that, i doubt it kung may iba pa silang pakinabang saatin," she stated cynically
"Excuse me po, Señorita Imee may nagpadala po ng bulaklak sa inyo", anang ng katulong at inabot sa kanya ang isang bouquet ng stargazer
"Salamt po" excited niyang kinuha ang bulaklak puro roses ang natanggap niya dati, noon lang may nagpadala ng paboritong bulaklak niya
"Kanino nanggaling?" Tanong ni Melissa
Pati iba ay nakiusyoso."walang card"nanghihinayang na sabi ni Samantha. "Baka naman isa sa mga na-meet mo sa parties. Baka isang DOM kaya nagpapa+mysterious effect pa,"
"Huwag naman sana DOM,"kontra ni Melissa
"Kailan kaya ako dadalhan niyan ni Rod" nangangarap na sabi ni Yna
"In your dreams! Dahil ako ang pagdadalhan niya" ngingiti-ngiti sabi ni skyler "hanggang ilusyon lang kayo"
Tumayo siya sa kinauupoan bitbit ang bulaklak. "Ipapasok ko muna sa loob" nagpapantig ang tinga niya kapag pinaguusapn si Rod, nakakasira ng araw
"Hurry up! Cath is here" sabi ni Melissa nang pumasok sa gate ang itin na Ford Expedition,may kasunod pa iyong ibang sasakyan kung saan nandoon ang bodyguard ni Cath subalit ang ipinagtataka niya, walang sasakyang ford Expedition ang pamilya ni Cath. BMW ang madalas nitong gamit
"He's here!" Tili ng tatlong babae habang nakatingin sa sasakyan
"He?" nagtatakang niyang usal. Nasagot ang tanong niya ng bumaba ng sasakyan si Rod at inaalalayan pababa si Cath Nang aakusa niyang tinignan si Melissa "what the hell is he doing here?"
"Kinausap siya ni Cath noong party," kagat ang labing sagot ni Melissa "inimbitahan siya na maging consultant natin sa project. After all, kasama siya sa major sponsor natin , baka daw may ideas siya para mapaganda ang project natin "
"Oh,hell" galit niyang bulalas "bakit hinayaan ninyong magmagaling iyan? I bet. Kaya kasama ang mga babae ito dahil sa kanya."
"Huwag kang magalit. Imee" pakiusap nito
"Papasok muna ako, starat the meting without me, ihahanda ko ang mirenda," sabi niya at nagmamadaling pumasok ng bahay nang makitang papalapit si Rod. Binigyan niya ito ng matalim na tingin bago pumasok, hinhamon siya nito, pwes, hindi siya magpapatalo
____________________________________
Please Votes......
Comments.....
♥️♥️♥️