Chapter 1

134 4 1
                                    

CHAPTER 1

LORRAINE'S POV

“RAAAAAAAAINEE!!!!!”

Watdapak! Sino ba yun? Makasigaw wagas eh!!

Nung lumingon naman ako, yung besplen ko pala yung tumawag sa ‘kin. Ayun siya, palabas ng gate at tumatakbo.

“HAAAAAAAH! Naabutan din kita! Shemay bakit ka umalis kaagad?! Grabe tinakbo ko mula 3rd floor para lang maabutan ka!!” Aniya.

“Eh ano bang kailangan mo? Uuwi na kasi ako eh. Uwian naman na.” Sabi ko sa kanya.

Mukha naman nalungkot yung mukha. Ano na naman nagawa ko?

“Bakit di mo man lang sinasabi? O kaya naman di mo ko inaayang sabay umuwi? Naturingan mo pa naman akong besplen.” Sabi niya na depress na depress ang mukha.

Napabuntong hininga ako. Ang kulit niya!

“Para namang di ka na nasanay sa ‘kin? Eh hindi naman talaga ako nag-papaalam umuwi kasi pampatagal lang yun. ‘Di ba sabi ko nga sayo, pag wala na ako sa paligid, ibig sabihin naka-alis na ko.” Pag-eexplain ko sa kanya.

“Ehhhhhh.. Kahit na. Hay nako! Simula nga ngayon sabay na tayo umuwi! Tutal magkaklase naman tayo! Tara na!” Sabi niya at hinatak niya na ko at naglakad.

Ako nga pala si Kim Lorraine C. Tiu. Half-Chinese, half-filipino. Naturingan nga akong Chinese pero swear, ang alam ko lang eh ‘wo ai ni’ (I love you). Di pa naman ako nakakatapak sa China, parents ko lang since dun sila nagkakilala at dun sila nagtatrabaho ngayon. 15 years living sa mundong ibabaw. 3rd year high school sa isang pribadong paaralan, chinita (Chinese nga diba?), at……yun lang ata asset ko. Oh well, ganun talaga.

“Tambay muna ko sa bahay niyo ha?” Sabi sa ‘kin ng besplen kong si Mia.

Di ko pa pala siya napapakilala no? Wag na! haha joke.

Siya si Mia Isabelle R. Casto. Ang aking Besplen since birth. Yung mommy ko kasi kaibigan yung mommy niya, ayun. Kaya siguro nagkasundo kami. Anyways, I won’t give much details about her kasi hindi naman siya yung bida, supporting role lang siya. Lol.

“Lagi ka naman nasa bahay, what’s new?” Sabi ko.

“Ikaw na nga ‘tong sinasamahan para hindi puro yung katulong niyo yung kasama mo!”

Yung kasambahay lang nga yung lagi kong kasama sa bahay kasi nga nasa China yung both parents ko. Si Mia eh madalas bumisita yan kaya medyo hindi ako nalulungkot mag-isa.

Malapit lang naman yung school sa bahay namin kaya nakarating kami kaagad. Nauna pa ngang pumasok sa bahay ko tong si besplen. At home na at home!

“Manang Alicia! Andito na po kami!!!” Sigaw ni Mia. Si Manang Alicia yung kasambahay namin.

“O mga hija! Andito na pala kayo. Tamang tama at katatapos ko lang magluto ng meryenda. Umakyat muna kayo at dadalhin ko na lang sa taas yung palitaw.” Sabi ni Manang.

“Dabest ka talaga manang! Thank you po!” Sabi naman ni Mia. Grabe lang no? Tinuturing talaga ni manang na kapamilya si besplen, pero wala naman akong hinanakit about dun.

Umaakyat kami sa kwarto  at agad-agad binuksan ni Mia yung laptop ko.  Nakita kong tinype niya sa address bar.. ‘facebook.com’.

“Hindi na naman naka-log out yung fb mo?” Tanong niya.

“Bakit ko naman ilolog-out? Eh laptop ko naman yan at ako lang ang gumagamit niyan. Ay wait, ikaw din pala.” Sabi ko na medyo natawa.

“Hmp. Oy andami mo nang friend request! Magwa-100 na oh! Bakit ayaw mo i-accept?” Tanong ni Mia habang kinakalikot yung facebook ko.

“Eh puro mga kaklase at kaschoolmate lang naman natin yan eh. Katamad kaya.” Bored kong sabi habang nagpapalit ng uniform into pambahay.

“Ako na lang mag-aaccept tutal tinatamad ka.” Sabi niya at nakita kong inisa-isa niyang kinonfirm yung mga friend request ko.

*Knock Knock*

At biglang bumukas yung pinto at lumitaw si Manang Alicia.

“Mga hija, eto na ang meryenda niyo, palitaw at juice.” Nilapag ni manang yung pagkain sa study table ko at lumabas na siya.

“Uy may nag-add ulit sayo! Tignan ko ha?” Kahit naman di ako pumayag eh gagawin at gagawin pa rin ni Mia yung gusto niya. Haaaaay.

“Uy friend! Ang gwapo naman ng nag-add sayo! Tignan mo oh! Kaso, kilala mo ba to? Wala naman kasing mutual friends sa inyong dalawa eh.” Sabi ni Mia. Tumabi ako sa kanya habang hawak-hawak ko yung isang baso ng juice.

Julian Oliver Valdez. Yan ang bumungad sa ‘kin na pangalan na sinasabi ni besplen na gwapo daw. Sus, di naman.

“Pssh. Di naman masyadong gwapo. Wag mo na i-accept, di ko kilala yan. Mamaya masamang tao pala yan.” Sabi ko sabay inom ng juice.

Nakita ko naman na inaccept ni Mia yung friend request.

“Hoooyy! Bakit mo inaccept? Facebook mo?”

“Ehhh! Okay lang yan! There’s no harm in confirming!” Sabi niya. Ano daw?

“Anong there’s no harm in confirming pinagsasabi mo diyan! Baka mamaya mag-chat pa yan!” Sabi ko sa kanya na medyo naiinis.

*Beeep!* (Sound ng chat :D)

Julian Oliver Valdez: Hi!

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh!! Miaaaaa!!”

-x-

First chapter!! :)). Amateur pa lang naman ako sa pagsusulat kaya don't expect too much on this story. :)). Kumbaga, testing muna ang storyang ito. :D

Friend Request [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon