Chapter 2

88 4 2
                                    

CHAPTER 2

LORRAINE’S POV

Pauwi ako ngayon sa bahay namin. Katatapos lang ng klase at himala! Umuwi kaagad si besplen. Sorry siya ng sorry sa ‘kin kanina kasi hindi daw siya makakapunta sa bahay namin. Eh pabor nga sa ‘kin yun! Haha pero syempre joke lang yun. Lol.

Pagdating ko sa bahay, agad kung binuksan yung laptop ko at nag-fb. May message. Nung binuksan ko, yung Julian Oliver na naman na yun. Di ko na nga nirereplyan eh chat pa rin ng chat. Isang beses lang yan na-replyan. Nung unang chat niya sa ‘kin at si Mia yung naka-chat niya.  Pero nung binasa ko yung message niya, medyo nainis ako.

Julian Oliver Valdez: Eto parang hindi naging kaibigan. Nung una naman ni-replyan mo ko, tapos ngayon hindi ka na nagrereply. Anong nangyari?

WOW HA! FRIENDS PALA KAMI HINDI KO ALAM. Hindi niya kasi alam na hindi naman ako yung naka-chat niya nun. At paano ba nahagilap ng lalaking to ang facebook ko?

So nagreply na ako. First time!

Lorraine Tiu:  Bakit ako magrereply sa chat mo eh hindi naman tayo close? Hindi tayo magkaibigan at ni-hindi nga tayo magkakilala. Bigla-bigla ka na lang nang-aadd. FYI, hindi ako yung nag-confirm ng friend request mo. At hindi rin ako yung naka-chat mo nung una. Okay?!

Sorry masungit talaga ako sa hindi ko ka-close. Eh online pala si gago.

Julian Oliver Valdez: Grabe ka mag-salita! Friends kaya tayo! Friends sa facebook!

Napa-face palm na lang ako. Literal pala yung meaning niya ng ‘friends’, friends sa fb. Hindi ko na siya ni-replyan sa inis ko at nagbihis na lang ako.

Nakalipas ang mga ilang linggo, chat pa rin ng chat yung Julian Oliver na yun. Eh bumisita ulit si Mia kaya siya na naman yung nag-chat sa kanya.

“My heart’s a stereo

It beats for you, so listen close..”

Biglang nag-ring yung cellphone ni Mia.

“Hala si mommy!” Sinagot niya yung tawag.

“Hello ma?”

“Ahh. Cge po. Uuwi na ako.” Sabi niya at binaba yung phone niya.

“Raine, uwi na ako. Pinapauwi na ako ni mommy eh. See you na lang sa school bukas. Bye!” Sabi niya at tumango na lang ako.

*Beeeeeep!*

Julian Oliver Valdez: Haha! Ganon? Parang ang sungit naman pala ng bestfriend mo.

Aba! Magka-chat pa pala sila. Ma-replyan nga.

Lorraine Tiu: Oo nga eh, ganun talaga siya. Ayaw niya kasi sa mga FEELING CLOSE.

Julian Oliver Valdez: Ouch naman Mia! Natamaan ako eh! Haha. Pero kasi para sa ‘kin mas okay yun. Pakapalan na ng mukha para maging magkaibigan kayo nung isang tao. Yung bestfriend mo kasi, nagandahan ako sa kanya. May sinesearch kasi akong kakilala ko na sa fb eh lumabas din yung account niya, kaya ayun inadd ko. :))))

Na-speechless naman ako sa revelation niya! Nagandahan pala sa ‘kin? Hehehehe. Chos! Tsaka, hindi pa rin pala niya alam na hindi na si Mia yung ka-chat niya. At nagpakilala pala si Mia!

Lorraine Tiu: Ahhhh. Oo maganda talaga yung bestfriend ko. Dyosa yun eh!

Ok! Self-praise! Hahaha.

Julian Oliver Valdez: Haha! Dapat pala ikaw na lang inadd ko. Kesa dun sa bestfriend mong snob. Gusto ko pa naman maka-close yun.

Matutuwa na sana ko kasi sabi niya gusto niya ko maging ka-close. Pero snob daw ako eh! Well, medyo totoo naman. Tsaka, sige na makikipag-chat na ako sa kanya! Mukhang pursigido maging friend ako eh. Weeeeeell ganyan talaga.

Lorraine Tiu: Okay lang yun! Makikipag-chat din sa ‘yo yun. Time lang. Hahaha first time kasi nun na makikipag-friends sa di kilala personally.

Julian Oliver Valdez: Pilitin mo yung bestfriend mo ha! Feeling ko kasi mabait yun eh :D

Hihihihihihihihi. Baet ko daw oh.

Lorraine Tiu: O sige! Uy Julian, out na ako ha.

Tapos clinose ko na lang yung browser at nagsimula ng gumawa ng homeworks. Masipag na bata eh.

--

Nakakatuwa naman palang ka-chat yung Julian Oliver na yun eh. Natuwa pa nga siya kasi akala niya di ko na siya rereplyan forever. At nalaman niya rin na ako yung naka-chat niya noon dahil sinabi ni Mia. Hahahaha medyo natawa nga ako kasi gulat na gulat niya. Biglang nahiya at ilang araw ako hindi chinat. Eh hindi naman ako yung tipo ng tao na nagsisimula ng conversation pag walang mahalagang sasabihin.

Julian Oliver Valdez: Hi miss! :D

Lorraine Tiu: Hello mister! :D Tagal mong di nagparamdam ah!

Julian Oliver Valdez: Sorry naman ha. Hiyang hiya naman kasi talaga ako. Eh medyo okay na ko ngayon.

Lorraine Tiu: Sa ‘kin ka pa nahiya! Eh antagal na nating mag-friends sa fb. Hahaha.

Julian Oliver Valdez: Eh kahit na! Di pa kaya tayo magkakilala sa personal.

Sabagay. Pero okay lang naman kasi sa ‘kin. Kumportable na ko sa kanya. Tagal na naming magka-chat. 2 months? Oo, nakaka-two months na kaming magka-chat. Bilis ng panahon no?

Para ngang, nagiging crush ko na siya eh. Crush lang naman. Gusto ko kasi yung lalaking napapatawa ako. Sabi ko nga, crush lang naman. At alam kong hindi na hihigit pa doon kasi hindi naman kami magkakilala personally. At syempre hindi ko hahayaan ang sarili ko na ma-fall sa kanya. As if naman no!

-x-

Friend Request [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon