Chapter 10 :">

53 1 0
                                    

CHAPTER 10

LORRAINE’S POV

“Gusto kita.”

Nagulantang ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. Hindi ko alam ang i-rereact. Seryoso ba siya? May gusto siya sa kin? Baka naman guni guni ko lang ‘to? AHHH! DI KO ALAM GAGAWIN KO!!

Sakto naman at kami na pala yung bababa. Habang naglalakad eh walang nagsasalita sa aming dalawa. Di ko nga alam kung saan kami pupunta eh.

“Uwi na tayo?” Yaya ko. Medyo gabi na din eh. Malapit na mag 9.

Tumango si Julian at sinundan ko na lang siya papunta sa sakayan. Sumakay kami ng jeep papuntang LRT. Buti at naabutan namin yung last ride sa lrt. Medyo maluwag na din kasi konti na lang tao at gabi na rin.

Hinatid ako ni Julian hanggang sa bahay namin. Wala talagang nagsasalita. Nakakabingi ang katahimikan.

“Julian, salamat ah. Wala akong nagastos ni singkong duling. Thank you sa araw na ‘to. Nag-enjoy ako, sobra.” Sabi ko sa kanya at ngumiti. Totoo namang nag-enjoy ako.

“Wala yun. Sige una na ko.” Sabi niya at tuluyan na siyang umalis. Buti at hindi niya na binalik yung topic kanina. Kasi kung binalik niya, wala rin akong masasabi.

Pagpasok ko ng Monday, ang sama ng tingin ni Mia sa ‘kin. Sorry na best, di ko lang talaga pwede sabihin sa ‘yo kung sino yung kasama ko at aasarin mo lang ako ng todo. Or not.

“Sino ba kasi yung kasama mo sa mall nung sabado?” Tanong niya sa ‘kin habang nilalagay ko yung bag ko sa upuan ko.

“Kaibigan ko nga.” Simpleng sagot ko.

“Sinong kaibigan?” Tanong niya. Err, sino nga ba? Siya lang naman kasi madalas kong kasama eh.

“A-anak nung kaibigan ni mommy.” Sabi ko na lang. Speaking of my mom, bumalik na nga pala silang China kahapon with my dad.

“Alam mo Raine, di ka magaling magsinungaling.” Sabi niya. Pano niya nalaman?

“Ehh, kaibigan nga yung kasama ko.” Sabi ko. Kaibigan ko naman si Julian ah?

“Nakita ka ni Tupe sa MOA. Kasama mo daw si Julian.” Sabi niya. Nakita kami? Bakit di man lang kami nilapitan?

“Weh? Totoo?” Sabi ko, ewan. Di ako makapaniwala eh.

“Oo nga. Tanong mo pa. Anyways, bakit kayo magkasama? Date? Ayiiee ikaw ha.” Sabi niya. See? Nagsisimula na siyang mang-asar.

“Whole package kasi ng regalo ni Julian yun. Nilibre niya ko sa lahat pati ice skating nung sabado.” Sabi ko.

“Pupunta ko sa inyo mamayang uwian, magkekwento ka sa ayaw at sa gusto mo.” Sabi niya at bumalik na sa upuan niya. HAAAAAAY!!

Okay lang naman magkwento ako kay Mia. Bestfriend ko naman yan. Kaso hindi ko alam kung ikekwento ko pati yung part na sinabi sa ‘kin ni Julian na may gusto siya sa ‘kin. Baka kasi trip lang ako ni Julian. Hay Raine, trip ba yun? Eh after nga niyang sabihin yun seryoso na siya hanggang umuwi kayo.

Umupo na ako sa upuan ko. Andito na din si Julian. Hala naiilang ako. Kasi naman! Bakit pa niya sinabi yon?

“Good Morning Raine.” Si Julian yun at nakangiti pa. Bakit parang wala lang sa kanya yung kahapon? Parang wala siyang sinabing nakakailang.

Friend Request [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon