Chapter 6

85 1 2
                                    

CHAPTER 6

LORRAINE’S POV

Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko yung tingin ni Julian habang kumakanta siya. Parang nang-aakit yung mata niya eh. Pero hindi ako naakit ah! Grabe, hindi ako makatulog. Nakakainis! Papasok na naman akong bangag bukas.

….

Eto ng sinasabi ko eh. Laki na naman ng eyebags ko! Hmm, medyo hindi naman halata kasi malaki naman talaga eyebags ko! Haha makaligo na nga.

Pagpasok ko naman, nakita kong nagpapatugtog ng gitara si Julian, may mga babaeng kumakanta at nasa likod lang ni Julian yung ibang lalaki. Isa si Tupe dun at nakita naman niya ko. Nilapitan ako eh.

“Oy. Galing niya no? Inlab ka na naman!” Sabi ni Tupe na nagloloko.

“Ewan ko sayo! Kung anu-ano pinagsasasabi mo!” Sabi ko at nilagay yung bag ko sa upuan ko. Wala pa si Mia na nakakapagtaka. Laging nauuna sa ‘kin pumasok yun eh. Or maaga lang ako?

“And I remember your eyes were so bright

When I first met you, so in love that night”

 

 

Beautiful Goodbye ng Maroon 5 yung kinakanta nila. Pagtingin ko sa kumakanta, isa sa mga kaklase kong babae na may gusto yata kay Julian. Ewan ko bas a kanila, gwapong gwapo kay Julian eh hindi naman siya ganun kagwapo.

“And now I'm kissing your tears goodnight

And I can't take it, you're even perfect when you cry”


Napatingin ako kay Julian. Ewan ko. Pero tumingin din siya at nginitian ako. Shet bakit biglang uminit. Tsk, di ko tuloy namalayan na dumating na pala si Mia.


“Bakit ngayon ka lang? Mas nauna pa ako sa ‘yo.” Sabi ko sa kanya sabay upo sa tabi niya.

“Kuya ko kasi, kainis! Kung ano ano ginawa para lang ma-late ako! Napapahatid kasi ako eh. Lalong nanadya, binagalan yung kilos! Edi namasahe na lang ako. If I know, ayaw niya lang ako ihatid.” Sabi ni Mia at nakakunot pa ung noo. Haha.

Friend Request [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon