Chapter 14.1

70 1 1
                                    

CHAPTER 14.1

LORRAINE’S POV

Second date na namin ni Julian. Yung una eh nung birthday ko. Pangalawa ngayon. Simula nung umamin si Julian, 3 weeks na yata ang nakakalipas. Medyo matagal na rin pala. Eto ako ngayon, nag-aayos kasi in any minute now, dadating na si Julian. Hiniram niya ulit yung kotse ng tita niya para hindi na daw kami mamasahe.

*Ding Dong!*

Ayan na ata. Kinuha ko yung purse ko at dali dali akong bumaba para buksan yung pinto.

“Hey! Let’s go?”

“Tara.” At sumakay na kami sa sasakyan. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta. Ayaw sabihin eh.

“San ba kasi tayo pupunta? Para may idea naman ako.” Sabi ko sa kanya.

“Basta. Pero baka isipin mo common na yung pupuntahan natin. Pero promise, di ko hahayaang hindi ka mag-enjoy.” Sabi niya. Nanahimik na lang ako.

After ng 1 hour na byahe ay hindi ko na alam kung nasaan kami. Hindi din naman ako nakakatulog sa mga byahe, bihira lang.

“Nasa na tayo? Wait, parang alam ko na kung saan tayo pupunta.” Sabi ko kay Julian. May nakita kasi ako.

“Tsk! Panira ka naman ng surprise. Wala pa tayo dun alam mo na kung saan.” Sabi niya. Hehe!

“Eh kitang kita naman! Pero okay lang kahit masira yung surprise mo. Maganda naman pala pupuntahan natin.” Sabi ko sa kanya.

After ng mga ilang minutes pa, nakarating na kami. Agad agad akong bumaba kasi excited na ako.

“Tara na bilis!! Libre mo ba ticket??” Medyo hyper eh. At kapal ng mukha ko mukhang libre.

“Oo syempre. Tara na.” Sabay hatak niya sa ‘kin papasok ng entrance.

“Ride-all-you-can ha??” Sabi ko at tumango siya. O alam niyo na kung nasan kami? Sa Enchanted Kingdom!! Natutuwa ako kasi bihira ako mapunta dito kasi malayo nga.

“Ano ba una mong gustong sakyan?” Tanong ko sa kanya. Gusto ko sana unang sakyan yung Space Shuttle. Kaso syempre sa huli nay un para masaya.

“Rio Grande tayo.” Pagyaya niya.

“Yun agad? Pano pag nabasa tayo? Sana kasi sinabi mo agad na dito tayo pupunta para nagbaon ako ng extra na damit.” Sabi ko sa kanya.

“Rio Grande na tapos Flying Fiesta tayo. Diba? Tuyo agad yun.” Sabi niya at hinatak na ako.

Konti pa lang ang pila sa Rio Grande nung dumating kami. Dati kasi pag nagpupunta kami dito sa EK at pumipila sa Rio Grande eh sobrang haaaaaabbaaaaaaa ng pila. Kaya buti na lang at hindi gaano ngayon.

May kasama kami ni Julian dun sa upuan. 7-seater kasi yun. Eh limang magkakabarkada na lalaki yung nakasama namin. Medyo awkward lang. Nag-start na umandar.

“Hi miss.” Sabi nung nasa kanan ko. Nasa kaliwa ko kasi si Julian. Tinignan ko yung lalake at nakangiti siya. Nginitian ko na lang sya ng tipid.

Napansin ata ni Julian yun kasi hinawakan niya bigla yung kamay ko. Eh ano ba yan. Di na lang ako gumalaw. Hindi na rin namansin yung lalaki. Natapos ang ride at hindi man lang nabasa si Julian. Habang ako ay basing-basa.

“Ang daya naman! Bakit hindi ka man lang nabasa??” Tanong ko sa kanya nung pagkalabas namin ng Rio Grande.

“OA ka! Nabasa naman ako ah.” Sabi niya.

“Ang konti kaya! Matutuyo agad yan kahit di ka sumakay ng Flying Fiesta.” Sabi ko sa kanya. Eh kasi ako pants ko basa, shirt ko basa, buhok ko basa at sapatos ko basa!!

“Sasakay pa rin tayong Flying Fiesta. Bili lang tayo ng tsinelas at basa yang sapatos mo.” Sabi niya at pumasok kami sa isang souvenir shop. Ang cute lang nung nabili naming slippers, may picture nung wizard. Lol di ko kilala eh. Nilagay naman ni Julian yung sapatos ko sa backpack niya.

Pagkatapos naming bumili ng tsinelas ay pumila na kami sa Flying Fiesta. Ilang sandal lang ang hinintay namin at nakasakay na kami. Naalala ko tuloy nung unang beses ko sumakay dito. Grabe ang sarap sa feeling.

Pagkasakay namin eh tuwang tuwa ako. Nawala yung pagka-badtrip ko sa Rio Grande. Ilang saglit lang ay nagsimula ng umandar. Mahina muna at palakas ng palakas. Weeeee! Ang sarap sa feeling!

Pagkatapos namin sa Flying Fiesta, gusto ko pa sana pero nagulat ako ng biglang humaba yung pila. Kaya ayun di na kami nag second ride. Medyo natuyo naman yung damit ko. Medyo lang.

Kumain na rin kami pagkatapos at nagpahinga sa isang bench. May napansin ako sa katabing bench namin. Grupo ng babae na mukhang kinikilig at sumusulyap kay Julian. Medyo narinig ko pa nga yung convo nila eh.

Girl 1: Tara papicture tayo!

Girl 2: Ay mahiya ka naman girl.

Girl 3: Oo nga. Nakakahiya kaya.

Girl 1: Picture lang naman! Di naman tayo kilala niyan. Di naman tayo huhuntingin nung lalake after. Tara na!

Nagsitayuan sila at lumapit sa ‘min.

“Excuse me kuya, pwedeng magpa-picture?” Tanong ni Girl 1.

“Ah sige, akin na yung cam.” Sabi ni Julian. Napangiti naman ako dun.

“Ah hindi, kasama ka kuya. Ay ate, ikaw kumuha ng picture okay lang?” Ako tinutukoy ni Girl 1 amp. Pumayag na lang ako.

Pumwesto sila sa harap ko. Nasa gitna si Julian. At dahil malakas ang topak ko, zinoom ko yung camera at yung mukha lang ni Julian ang pinicturan ko. Sinauli ko na din yung camera pagkatapos.

“Ano ba yan ate. Di naman kami kasama sa picture eh.” Girl 1.

“Ganun ba? Ay sorry.” Ako. Sana maramdaman nila ang sarcasm sa boses ko.

“Ate isa pa.” Girl 2. Arg! Mabait din naman ako kaya pumayag na ako. This time inayos ko na talaga. Sinauli ko yung camera na naka-kunot ang noo.

“Thanks. By the way kuya, anung name mo??” Girl 1. Aba’t hindi pa nakuntento? Si Julian naman ngingiti ngiti lang.

“Pati ba naman yun ate hihingin mo pa? Nakapagpa-picture ka na nga e.” Sabi ko sa kanya. Eh sa nakakairita na eh!

Sumabog na ata sa inis yung babae.

“Eh pakielam mo ba ate? Sino ka ba? Ni hindi ka nga ata kilala nitong gwapong lalaking ‘to eh.” Girl 1.

“Excuse me?! Ako lang naman ang ka-date niya ngayon. Ano?” Sabi ko. Na-nga nga naman yung tatlo pero yung Girl 1, tinignan ako mula ulo hanggang paa. Aba’t!

“Akala mo naman kung sinong maganda. Nag-iilusyon lang ata eto eh.” Pabulong niyang sinabi pero narinig ko pa rin.

“Sorry mga ate ha, inis na inis na yung girlfriend ko sa inyo. Mauna na lang muna kami.” Si Julian nagsalita din! Pero wait? Girlfriend?!

“Anung girlfriend pinagsasasabi mo diyan? Di pa tayo oy!” Sabi ko sa kanya nung nakalayo na kami dun sa mga babae.

“Kunwari ka pa, gusto mo din naman.” Ang lapad ng ngiti niya. Grabe.

“Anung gusto? Hoy hindi ah!”

“Eh bakit iritang irita ka dun sa mga babae?” Bakit nga ba?

“G-ginawa kasi akong photographer! Hmp!”

Tumawa lang si Julian at nagpatuloy kami sa paglalakad.

-x-

Short pero may part 2! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend Request [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon