Chapter 11

47 1 0
                                    

CHAPTER 11

LORRAINE’S POV

Dalawang linggo na ang nakalipas. Mag-a-August na. Dalawang linggo na ring sweet si Julian. Wala siyang sinabing manliligaw siya pero nag-iiba siya. Madalas niya kong ilibre (minsan tinatanggihan ko na nga kasi nahihiya ako), lagi pa kami sabay pumasok. Pupunta siya sa bahay para sunduin ako at ihahatid naman niya ko pauwi. Naglalakad lang kami kasi malapit nga lang yung school. Minsan nga nagtatampo na si Mia kasi di na kami nakakapag-sabay umuwi.

Hindi na nga nakakasabay si Julian sa mga kaibigan niya pag break. Pag nasa classroom lang kami at free time. Sinasabi ko naman sa kanya na okay lang ako. Andyan naman si Mia. Minsan nga si Mia sumasabay na sa iba naming kaklase kasi sabi niya ayaw na manggulo. Parang ewan naman yun. Okay lang naman kay Julian na sumabay si Mia. Kung hindi pumayag sa Julian edi sinapak ko yun.

Nakwento ko na pala kay Mia yung about dun sa pag-amin ni Julian after akong kausapin ni Julian. Kilig na kilig nga ang bruha. May pa-‘I knew it, I knew it’ pa siyang nalalaman.

Crush ko naman si Julian pero hindi katulad nung feelings niya para sa ‘kin. Ang bilis kasi masyado. Siguro crush ko siya kasi may sense of humor siya. Tapos seatmate ko pa kaya lagi ko nakakausap. Tsaka sa fb pa lang diba medyo may crush na ako dun? O sige medyo cute siya. Pero hindi yung katulad nung sinasabi ni Mia na gwapo daw. Konti lang naman.

At ngayon, naghihintay si Julian sa baba. Sabay daw kami ulit pumasok. Pumayag naman ako.

“Tara na?” Sabi niya pagkababa na pagkababa ko. Tumango lang ako sa kanya.

Naniniwala naman ako na gusto ako ni Julian (parang masyadong mayabang pagkakasabi ko haha), pero di ko lang maintindihan talaga ay kung bakit sobrang bilis! Posible ba na magkagusto ka sa isang tao sa loob ng isang buwan? Hay nako.

“Raine..” Tawag sa ‘kin ni Julian nung naglalakad kami papuntang school.

“Hmm?” Sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin.

“Birthday kasi ng tita ko sa linggo. Iimbitahin sana kita. Wag ka mag-alala mag-iinvite din ako ng classmates natin para hind ka ma-out of place. Okay lang naman kay tita eh. Okay lang?” Tanong niya.

“SIge kapag kasama si Mia.” Sabi ko. Ayaw ko sumama pag hindi siya kasama.

“Sige. Sabihin ko sa kanya at sa iba pa nating mga kaklase.” Sabi niya at nagtuloy tuloy lang kaming maglakad.

Pagdating naman sa school, naupo lang ako sa upuan ko. Ewan, parang tinatamad akong gumalaw ngayon.

“HOY!” Boses pa lang. Mia-ng Mia na.

“Ano?”

“Okay ka lang? Parang ang tamlay mo.” Sabi niya. Napansin niya? Tinatamad lang talaga ako kumilos.

“Oo naman. Katamad lang gumalaw ngayon. Sarap mahiga.” Sabi ko. Tumabi siya sa ‘kin. Dun siya umupo sa upuan ni Julian since wala naman si Julian at kasama nung mga lalaki.

“Miss ko na ang bestfriend ko.” Sabi ni Mia. Napatingin naman ako sa kanya. Ako rin naman miss ko na siya. Di ko na kasi siya nakakasama.

“Miss na din naman kita.” Sabi ko sa kanya.

“Ay! Hindi ikaw tinutukoy ko.” Sabi ni Mia at halatang nang-aasar siya. Hmp!

“Edi hindi ako.” Sabi ko. Kunwari nagtatampo.

“Eto naman joke lang bestfriend! Miss na miss na miss na MISS NA KITA!” Sabi niya sa ‘kin sabay yakap. Awwww. Niyakap ko din siya pabalik.

Friend Request [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon