ANG mga bundok ay nabalot ng dilim, kumikislap ang dilaw na apoy at sumayaw habang nilalamon ang Bundok Nayon sinabayan ng di mabilang na hiyawan habang umaalingawngaw sila sa tahimik na lambak.Isang Labing-apat na taong gulang na babae, Ang nakatitig sa kawalan ang syang nakikita, na may sulo ng apoy sa isang kamay.
Nilamon ng nagniningas na apoy ang lahat naiwan na lamang ang kaluskos ng sunog na kahoy.
Sunog, nasunog lahat.
Ang masamang kulungan na ito ay maglalaho.
Sa wakas, ang kulungan na ito sa nakalipas na Sampung taon ngayon ay naging isang dagat ng apoy.
'[Binabati kita sa iyong kalayaan, Binibini, Pwede na ba tayong umalis?
Saan tayo pupunta?]'
Malumanay na tanong ng isang malambing na boses habang ang maliit na itim na pusa ay nakaupo sa balikat ng dalaga tumingin sa kanya ng masinsinan na may pares ng malinaw na mata habang dinilaan nito ang kanyang mga paa."Oo, Kahit saan pwede, basta't hindi dito."
Huling tingin ang ibinigay ng dalaga sa kanyang obra maestra, tumalikod at lumakad patungo sa kabundukan, gaya ng tunog ng mga naputol na tanikala na kumakalampag at humaharang sa kanyang balingkinitang mga bukong-bukong habang siya ay walang emosyong naglalakad patungo sa masungit na landas ng gubat.Nang siya ay lumiko, isang katawan na nababalot ng apoy nagmamadaling lumabas mula sa loob ng kaguluhan, na may mga mata na puno ng isang pahiwatig na kabaliwan titig na titig sa likod na unti-unting naglalaho sa kadiliman, Nang may isang sigaw na tumatagos sa tenga na umalingawngaw sa hangin.
"Wu Xie! Bumalik ka! Hindi ka makakaalis dito! Ikaw ay kabilang sa akin!" Sigaw ng matanda.
Mahigit sampung taon ang pagsusumikap na nilamon sa kawalan.
Kalmadong tumigil ang dalaga sa kanyang landas nang lumingon siya upang makita ang lalaki na nilamon ng apoy, malamig niyang sinabi: "Mamamatay ka, habang nabubuhay naman ako."
Napasigaw ang matanda sa sobrang sakit. Habang siya ay nagbigay ng huling tingin sa kanyang pinakamalaking bangungot, malamig niyang sinabi: "Paalam, Lolo."
'Ganitong uri ng buhay...
sa wakas ay tapos na.'Ang maliit na itim na pusa na nakaupo sa balikat ng dalaga ay nagbigay ng mapanlait na panunuya at umirap. lolo?
Para sa isang taong nahuhumaling sa pag-aaral ng medisina, isang baliw na nagkulong sa sarili niyang apo hanggang sa kalaliman ng bundok ginagamit siya bilang eksperimento, anong karapatan niya na maging lolo ng aking binibini?
'{Binibini, anong plano mo?]
Hindi niya pinansin ang boses ng matandang iyon na unti-unting nilalamon ng apoy, tinanong ng maliit na itim na pusa ang dalaga.
Tiningnan niya ang kanyang mga payat na kamay at marahang sumagot,
"Upang subukan para sa isang beterinaryong lisensya ."[Ha ha ha! Ang matandang iyon, kung alam niya na ikaw, isang walang katulad na henyo sa larangan ng medisina, ay talagang gustong maging isang beterinaryo, tiyak na hindi siya mapakali sa kapayapaan!] Bulalas ng pusa habang tumatawa ito ng histeryoso sa balikat ng dalaga.
"Hindi siya mapapahinga ng mapayapa?" Napakunot ang noo ng dalaga habang ang mga labi nito ay bahagyang nagbalik ng isang pahiwatig ng ngiti.
Makalipas ang isang taon, nanirahan siya sa Lungsod A at nakakuha ng lisensya sa beterinaryo, at nagpunta sa landas ng paggamot sa mga hayop.
......
Napakalupit ng tadhana. Ilang saglit lang kanina, nasa silid ng Operasyon pa siya at nagsasagawa ng operasyon, subalit nagkaroon ng biglaang pagsabog, at nahulog siya sa kadiliman.
"Aghh..Nasaan ako?
....hindi ba ako naabutan sa pagsabog na iyon'."Bumuhos ang malakas na ulan habang siya ay gumalaw. Natagpuan niya ang kanyang sarili na nakahiga sa ilang mga bato habang nagbibigay siya ng mahinahong pagpapasiya sa kasalukuyang sitwasyon. At biglang napadaing ng sumakit ang ulo niya.
Mga alaala ng dating Jun Wuxie:
...'galaw! wag kayong humarang sa daraanan ko,.. Sigaw ni jun Wuxie habang nakakabayo.
...'Ibinibigay ko ang kahilingan ni jun Xi at idineklara ko ang ikatlong anak na babae ng pamilyang Jun, si Jun Wuxie at ang pangalawang prinsipeng si Xuan fei na na kasunduang mag pakasal'....utos ng Emperador.
...'hindi ba't sinabihan ako ni Xuanfei na magkita kami dito? nasaan na siya',. Pabulong na saad ni Jun Wuxie sa sarili.
....aaaaahhhhh.....at tinulak sya sa ng di kilalang tao...
..'ang mga alaalang ito..teka tumawid ba ako..
At ang katawan na ito ay mayroon ding pangalang Wuxie.. pag tataka niya'..
...Ang pagtawid ay mas mabuti, kaysa masabugan, tutulungan kitang makaganti sa mga nanakit sa iyo...mabubuhay ako sa lugar mo..' pan
gako ni Wuxie kay Jun Wuxie.Siya ay nasa isang kakaibang bagong mundo, pinapalitan ang isang namamatay na kaluluwa at habang hinahanap niya ang mga bahagi ng mga dayuhang alaala na bumabaha sa kanyang isipan, napagtanto niya na ang bagong 'siya' ay kilala rin bilang ang Wu Xie, ngunit may apelyidong, Jun. Jun Wu Xie.
'pagkatapos mahulog mula sa napakataas na kaitaasan nito ay isang himala na ang katawan na ito ay hindi lamang isang tumpok na lang ng goo ngayon' Sabi ng itim na Pusa.
BINABASA MO ANG
GENIUS DOCTOR BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)
Historical Fiction"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sinunog niya ang kanyang kulungan kung saan siya nakatira nang higit sa Sampung taon. Ngunit Nang maka...