26: "Lason" (4/4)

441 27 0
                                    

Sa isang buong araw at gabi, Si Jun Qing ay nakahiga sa kama na nakasabit sa bingit ng kamatayan, lahat ng mga doktor na dumating at humawak ng kanyang pulso lahat sila ay may parehong pag-aalala na ekspresyon, lahat ay may isang hatol na - si Jun Qing ay isang hakbang ang layo mula sa pintuan ng kamatayan.

Tila sampung taong gulang ang na dagdag ni Jun Xian sa magdamag habang siya ay nakaupo sa tabi ng kanyang anak habang winawagayway niya ang kanyang kamay at hinihiling sa lahat ng maharlikang mangagamot na bumalik na sa palasyo. Malungkot siyang umupo doon habang nakasubsob ang mukha sa mga kamay niya.

...SA MAHARLIKANG PALASYO.....

"Totoo ba yan?" Ang Emperador na nakaupo sa silid-aralan ay nakikinig sa manggagamot na nag-uulat ng sitwasyon ni Jun Qing sa kanya, walang ekspresyon ang mukha niya habang taimtim na nakikinig.

"Ang hamak na ito ay hindi nangangahas na magsinungaling. Ang lason ni Jun Qing ay talagang kumilos at ang lason ay umatake sa puso." Nag-ulat ng totoo ang manggagamot.

"Iyon ay nakakaawa, mag-utos na magpadala ng bundok niyebe na Ginseng at ang Pulang Lingzhi sa Palasyo Lin." Ang Emperador ay nagkunwaring mapagbigay, Parehong ang Bundok Niyebe na ginseng at ang Pulang Lingzhi ay bihirang mga halamang gamot na ginamit upang pahabain ang buhay at ito ay maliwanag sa lahat na si Jun Qing ay hindi na mabubuhay pa.

"Opo, kamahalan." Sagot ng manggagamot.

"Makaka-alis kana." Kinaway ng Emperor ang kanyang kamay.

Nang makaalis ang manggagamot, napasandal ang Emperador sa kanyang upuan habang binabasa niya ang lahat ng iba't ibang balumbon sa mesa, isang maliit na ngiti ang makikita.

... PALASYONG LIN...

Ang Palasyong Lin ay natabunan ng dilim habang si Jun Qing ay nakahiga sa kanyang kama na hindi gumagalaw, ang kanyang paghinga ay napakahina.

Umupo si Jun Xian sa kanyang tabi na may pulang mata.

"Bakit biglang nangyari ito? Ayos ka lang sa Lahat ng taon na ito, Bakit biglang sumiklab ang lason?" Hindi maunawaan ni Jun Xian, sa lumipas na mga taon na ito ay naging matatag ang kanyang kalagayan, ano kaya ang naging dahilan nito?

Ang lalaking nakatayo sa gilid ay walang kibo na ekspresyon habang mariin niyang ikinuyom ang kamao.

"May mga kahina-hinalang tauhan ba na nakapasok sa Palasyo kamakailan?" Tanong ni Jun Xian na may malalim na pagsimangot.

Umiling ang lalaki habang nakatingin kay Jun Qing na nakahiga sa kama, ang kanyang puso ay nagpupumiglas sa loob. Bago nawalan ng malay si Jun Qing, tiniyak ni Jun Qing na sabihin sa kanya na huwag sabihin kahit kanino na nandoon si Jun Wu Xie bago nangyari yon. Kahit ano pa ang mangyari, naniwala siya mula sa kaibuturan ng kanyang puso na hindi siya sasaktan ni Jun Wu Xie. Kinuha lang niya iyon dahil malapit nang magwakas ang buhay niya, iyon lang. Hindi niya gustong idawit ang kanyang pamangkin sa engrandeng pakana ng sinuman na itapon ang Palasyong Lin sa higit pang kaguluhan.

Ngunit ngayon ang lahat ng mga manggagamot na-nagsusuri sa kanya ay nagsasabi na siya ay wala ng maraming oras pang natitira. Kailangan ba niyang itago ito ng tuluyan? Ang lalaki ay naguguluhan, kung ito ay ibang tao, diretso sana niyang itatanong ang mga ito ngunit ang may kasalanan ay si Jun Wu Xie!

Kung si Jun Qing ay talagang mamatay, Wala nang kinabukasan ang Palasyong Lin.

"Ito...anong nangyari dito?" Isang naguguluhan na boses ang biglang tumunog.

Ang lalaki at si Jun Xian ay sabay na napalingon nang makita nila si Jun Wu Xie na may dalang itim na pusa sa kanyang mga bisig, na may pagtatanong na ekspresyon sa pintuan.

"Wu Xie......" Ang paos na tinig ni Jun Xian ay puno ng kalungkutan.

Naikuyom ng lalaki ang nanginginig niyang kamao at sinakal pabalik ang mga salitang gusto niyang sabihin.

"Ang Tiyuhin mo ay nalason." Dahan-dahan itong sinabi ni Jun Xian sa kanya habang nakapikit siya sa kawalan ng pag-asa.

Nalason? Bahagyang nagulat si Jun Wu Xie nang marinig niya ito. Agad siyang pumunta sa kama nang hindi pinansin ang gulat na si Jun Xian at ang lalaki habang kinukuha niya ang pulso ni Jun Qing.

Napakahina ng kanyang pulso, halos hindi mapapansin. Ang mukha ni Jun Qing ay maputla at natakpan ng pawis na may halong maitim na bagay. Ang lahat ng ito ay umaangkop sa paglalarawan ng pagiging nalason.

Kung ito ay iba, iisipin nila ito bilang matinding pagkalason gayunpaman, sino ba si Jun Wu Xie? Nakahanap agad siya ng kakaiba.

Bagama't mahina ang pulso ni Jun Qing, napakatatag din nito.

Agad na hinubad ni Jun Wu Xie ang kubrekama at inalis ang unan.

"Wu Xie, ano bang ginagawa mo?!"

"Ayos lang po si tito." Nakatuon ang isip ni Jun Wu Xie sa paggamot at hindi alam kung paano nakaapekto ang mga biglaang kilos at salita niya sa iba na nakatayo roon na nakanganga ang bibig.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon