156: "NAGSISIMULA NA ANG PALABAS" (4/5)

120 9 1
                                    

Pagkatapos ng kaunting sandali, si Bai Yun Xian ay dinala sa pangunahing bulwagan. Inilahad ni Mo Xuan Fei ang mga pangyayari sa kanya at nagulat siya na nabigo na ang kanyang plano bago pa man ito magsimula.

"Hindi 'yan posible...." Si Bai Yun Xian ay nagsabi na may pagdududa.  "Ang lason na iyon ay itinuro sa akin ng aking guro. Sa buong lupain, tanging ang Matanda, ang aking guro at ang kanyang mga disipulo lamang ang tinuturuan kung paano gumawa ng lunas!.”

Nagpalitan ng tingin sina Mo Xuan Fei at ang Emperador sa pahayag ni Bai Yun Xian at nagbigay ng isang pilyong tingin sa isa't isa.

Ang gamot ng Angkang Qing Yun ay pinuri sa buong lupain dahil sa pagligtas ng hindi mabilang na buhay at pagtulong sa walang katapusang tao. Sinasamba at pinabanal nila ang Angkang Qing Yun bilang banal at dalisay na lugar ng pagpapagaling. Sa likod ng maskarang iyon, ang Angkang Qing Yun ay nagtuturo ng ganitong malupit na kaalaman tungkol sa mga lason sa kanilang mga disipulo?

Pinanatili nila sa kanilang sarili ang mga iniisip, hindi nila tinanong si Bai Yun Xian tungkol dito.

“Si Jun Wu Xie ay tiyak na kumuha ng serbisyo ng isang natatanging talento upang mapawi ang krisis. Kasama niya ngayon si Mo Qian Yuan, pinamumunuan ang Hukbong Rui Lin papasok sa Imperyal na Palasyo, upang harapin ka. Yun Xian, huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para protektahan ka!” Mo Xuan Fei mahigpit na hinawakan ang mga kamay ni Bai Yun Xian sa kanya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagsamba.

Halika kung kaya niya! Gusto kong makita kung ano ang gagawin niya sa akin! Ang Min Butterfly ay nakarating na sa Angkang Qing Yun  at nagpadala na ng mga tao ang aking guro dito. Kung maglakas-loob siyang saktan ang kahit isang hibla ng aking buhok, hindi siya palalagpasin ng aking amo.”  Si Bai Yun Xian ay tumawa nang malamig. Nilayon kong ayusin ang problema bago dumating ang mga tao mula sa Angkang Qing Yun, hindi mahalaga kung nabigo ang plano, darating pa rin ang Angkang Qing Yun."

Si Bai Yun Xian, sa kanyang galit, ay hindi napansin ang mga ngiti sa mga mukha ng Emperador at Mo Xuan Fei.

Ang pagtalaga kay Bai Yun Xian sa unahan ay ang pinakamainam na hakbang na maaari nilang gawin ngayon.

"Ang mangmang ay walang takot." Isang malamig na tinig ang umabot mula sa mga pintuan ng pangunahing bulwagan at ang tatlo sa kanila ay lumingon.

Nakita nila si Jun Wu Xie na nakatayo sa pintuan kasama si Mo Qian Yuan sa tabi niya. Ang Hukbong Rui Lin sa likuran nila ay nawasak ang buong kawal ng Hukbong Yu Lin nang walang ingay!

Ang puso ng Emperador ay huminto ng isang tibok, ang pagkabigla ay dumaloy sa kanya at hindi niya mahanap ang kanyang boses. Ang malamig at walang ekspresyon na mga mata ni Jun Wu Xie ay nagpalamig sa kanyang kaluluwa, at hindi niya maitaas ang kanyang ulo upang tingnan ang mga ito, humuhukay siya pabalik sa trono.

“Imperyal na Ama.”  Si Mo Qian Yuan ay bumati, mahinahon at magalang na malayo, habang naglalakad siya papasok sa pangunahing bulwagan kasama si Jun Wu Xie.

Bai Yun Xian kinagat ang kanyang mga ngipin nang makita si Jun Wu Xie, at kung hindi dahil kay Mo Xuan Fei na humahawak sa kanyang mga kamay, nilapitan na sana niya ang babaeng iyon at binigyan ng dalawang malakas na sampal.

“Ikaw ay N....
...narito    Ang kanyang boses ay walang karaniwang tono ng awtoridad, at may bahagyang panginginig. Narinig ng Emperador ang kanyang sariling boses at mabilis na inayos ang kanyang emosyon at sinubukang muling makuha ang kanyang kapanatagan.

“Amang Imperyal, iniulat ko na may isang traydor sa Hukbong Yu Lin na gumawa ng marahas na pagtataksil na may layuning magdulot ng pinsala sa mga karaniwang tao. Ang iyong anak, na ang puso ko ay puno ng pag-aalala para sa iyong kaligtasan, ay nagpasimula na magdala ng mga tropa sa Imperyal na Lungsod. Hindi ko maglakas-loob na humingi ng iyong kapatawaran, kundi hilingin na payagan mo akong tukuyin at hulihin ang taksil na gumamit ng lason sa pagtatangkang sirain ang Kaharian ng Qi at saktan ang mga inosente. Kapag nahuli ko na ang taksil, magpapakita ako sa iyo, Amang Imperyal, upang parusahan ayon sa iyong nais!" Si Mo Qian Yuan ay lumuhod nang may malakas na tunog, ang kanyang malinaw na tinig ay umuukit sa bawat salita sa loob ng bulwagan

Sinubukan ng Emperador na pilitin ang isang ngiti. habang bahagyang kumikilos ang mga sulok. ‘Parusahan mo kung gusto mo’, anong walang laman na mga salita!? Sa pagdadala ni Mo Qian Yuan ng napakalaking hukbo ng mga sundalo ng Hukbong Rui Lin sa Imperyal na Palasyo, paano siya, kahit na siya ang Emperador, makakapagpataw ng parusa sa kanya!?

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon