Itinulak ng isang katulong si Jun Qing sa gilid ng lawa ng lotus sa likod-bahay upang tingnan ang mga bulaklak ng lotus na namumulaklak. Si Jun Qing, gayunpaman, ay wala sa kalooban na pahalagahan ito.
Nakarinig siya ng maliliit na yabag mula sa gilid, inikot ni Jun Qing ang kanyang gulong-upuan sa kinaroroonan na iyon at ngumiti nang makita niya ang bahagyang namumula na si Jun Wu Xie.
"Kinulong mo ang iyong sarili nang higit sa isang buwan, Sa wakas tapos ka na". Nagkukunwaring inis na tanong ni Jun Qing.
Mula noong pinahintulutan ni Jun Xian si Jun Wu Xie na mag-aral ng medisina, siya ay, pumupunta lamang sa kanyang botika at wala nang iba. Bihira talaga ang ganitong pagkakataon na lumabas siya.
Tumingin si Jun Wu Xie sa kanyang tiyuhin na nakangiti ng matamis sa kanya. Bahagya siyang nagulat nang ang kanyang katawan ay sumailalim sa masinsinang pagkondisyon sa pamamagitan ng espesyal na buto ng lotus at mga luha, kahit na hindi pa niya nalilinang ang anumang espirituwal na kapangyarihan, ang kanyang mga yapak ay naging napakagaan. Maliban na lamang kung siya ay nasa linya ng paningin ng tao kung hindi, sinuman sa loob ng limang hakbang mula sa kanya ay hindi makakatuklas sa kanyang presensya.
Gayunpaman sa pagkakataong ito ay malinaw na kakapasok lamang niya sa maluwang na likod-bahay at alam na ng kanyang Tiyuhin na nakaharap sa lawa ng lotus sa simula pa lang na siya iyon. Masyadong nakakamangha ang kanyang pandinig!
"Opo." Sagut ni Jun Wuxie habang hawak hawak ang kanyang itim na puso sa kanyang braso.
"Ang Lutos 'ay namumulaklak ngayon, Ipag-Utos ko sa tagaluto na ipagluto ka ng ilang mga buto ng lotus congee ngayong gabi." Dagdag pa Ni Jun Qing.
"Tito, maaari ko bang makita ang iyong mga binti?" Tanung ni Jun Wuxie sa kanyang tiyuhin na su Jun Qing.
"Oo naman, Long Qi, Tulungan mo ako na itaas ang pantalon ng binti ko." Tumango Siya at nag-utos sa kanyang alalay na si Long Qi.
Ang mga binti ni Jun Qing ay maputla at balingkinitan, kung hindi dahil sa pinsalang iyon, ang pares ng paa na ito na dating matibay at malakas ay naging isang pares ng manipis at mahinang binti. Matapos ang higit sa isang dekada ng hindi paggamit ng mga kalamnan sa binti, sila ay lumiit at ngayon ang kanyang itaas na katawan at mga binti ay Wala sa tamang hugis.
"Nasugatan ang mga binti mo tito sa larangan ng digmaan?" Si Jun Wu Xie ay naghanap nang husto sa mga bahagi ng mga alaala na may kaugnayan sa kanyang munting tiyuhin ngunit hindi gaanong impormasyon ang makukuha. Mula sa kanyang alaala, si Jun Qing ay palaging nakaupo sa isang Gulong-upuan at bihirang magsalita tungkol sa kanyang mga binti, minsan lang sa isang piging ng pamilya niya nabanggit na siya ay nasugatan sa larangan ng digmaan.
"Oo." Sagot ni Jun Qing.
"Hindi ito isang karaniwang pinsala, hindi ba?" Nagpatuloy si Jun Wu Xie dahil sigurado siyang may higit pa sa isang simpleng sugat sa labanan. Nang siya ay nasugatan, ang palasyong Lin ay nasa kasaganaan nito kung saan ang lahat ng mga nakatataas na manggagamot mula sa lahat sa paligid ay iniimbitahan para pagalingin siya.
Nang mahulog si Jun Wu Xie sa bangin, ang kanyang mga sugat ay napakalubha rin, na may mga baling buto bilang isa sa pangunahing pakasira. Sa loob ng isang buwan, nakalakad na siya kaya't ang isang simpleng sugat mula sa larangan ng digmaan ay hindi dapat magkaroon ng anumang dahilan upang mawala ang kanyang kakayahang maglakad.
"Ito ay isang lason, ako ay sinaksak sa binti ng kalaban gamit ang isang nakamamatay na lason. Isang lason na hindi kayang pagalingin ng pinuno ng ankang QingYun. Kung hindi dahil sa iyong Lolo, natatakot ako na wala kang anumang Tiyo na makakausap ngayon." Malungkot na sabi niya, habang nakataas ang laylayan sa kanyang binti upang ilantad ang isang kahindik-hindik na peklat.
Bagama't mahigit isang dekada na ang sugat, may bakas pa rin ng maitim na kulay lila na nakapalibot dito.
"Angkan ng Qing Yun?" bahagyang sumimangot si Jun Wuxie.
"Ipinagpalit ng Lolo mo ang pamana ng pamilya natin kapalit ng tulong niya." Mabilis na nagpaliwanag si Jun Qing at sinubukang linawin habang iniisip niya ang matinding awayan sa pagitan ng Bai Yun Xian ng Angkang Qing Yun at ng kanyang pamangkin.
Dati nang sabihin ni Jun Wu Xie kay Jun Xian ang kanyang intensyon na ituloy ang kanyang kinabukasan sa medisina, gusto niyang imungkahi na magpatala sa Angkan ng Qing Yun dahil iyon ang medikal na paaralan sa mundong ito.
Sa kasamaang palad, sa kagusutan nina Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian, hindi na maaari na isali si Jun Wuxie sa Angkan ng Qing Yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/339481999-288-k114250.jpg)
BINABASA MO ANG
GENIUS DOCTOR BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1
Tarihi Kurgu"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sinunog niya ang kanyang kulungan kung saan siya nakatira nang higit sa Sampung taon. Ngunit Nang maka...