3: "Pagtulong sa sarili" (2/2)

1.4K 55 0
                                    

Bagama't hindi nakita ni Wu Xie ang hitsura ng lalaki sa kadiliman, malinaw niyang naririnig ang pamilyar na tunog ng mga metalikong kadena na Kumakalansing.

Naka-kadena ang lalaking ito? Sa ilalim ng kalaliman nitong tiwangwang na bangin?

Sa sandaling narinig nito ang boses ng lalaki, ang maliit na itim na pusa ay agad na napalitan ng usok at nagmamadaling pumasok sa katawan ni Wu Xie. 'Delikado ang lalaking ito!'

..."Naka-kadina ka?".. Usisa ng dalaga.

.."Ah? Ibig mong sabihin ang maliliit na bagay na ito?"..
Ang lalaking nasa dilim ay humihila ng mga tanikala, isang malalim na kahali-halinang boses ang umalingawngaw sa madilim na mga kuweba,
.."Siguro".. dagdag ng lalaki.

Lubos na binalewala ni Wu Xie ang tono ng boses niya, habang ang kanyang isipan ay nag- iisip ng paraan upang matutulungan siya ng lalaking ito.
'nakatali ang lalaking ito, may kandado, kung mapalaya ko siya, baka matulungan niya ako'

.."Palalayain kita, kung iligtas mo ako".. Sabi ng dalaga sa lalaki.
Nauutal si Wu Xie habang pilit niyang inilalabas ang mga salita. Nanginginig siya sa lamig at sakit. Mapanganib na bumababa ang temperatura ng kanyang katawan at ang kanyang bugbog na katawan na puno ng matinding pinsala ay hindi makakatagal kung hindi siya gagawa ng anumang bagay sa lalong madaling panahon.

..".Hahahah, ikaw? palayain ako?"..
Natawa ang lalaking nasa dilim, tila nagulat siya na sasabihin nitong halos kalahating patay na katawan ng babae ang mga ganoong salita.

.."Sige, yun ay kung kaya mo"..Papilyong sagot ng lalaki.

Nag-isip sa sarili si Wuxie, dahil wala siyang ibang alternatibo kaya nagpasya siyang sumugal sa pagkakataong ito.

Habang nangangapa siya sa dilim, sumandal siya sa lalaki at hinugot ang isang manipis na pin sa kanyang buhok.
'Mapangahas na babae' sa isip-isip ng lalaki.

Sinubukan ng maliliit na kamay ni Wu Xie na abutin ang mga kadena Siya ay isang manggagamot, hindi isang magnanakaw. Ang tangang iyon ay minsan nang gumawa ng paglansi na ito para sa kanya, hindi siya sigurado kung magagawa niya ito.

Sa pananaw ng isang manggagamot, 'naramdaman' niya na kakaiba ang pangangatawan ng lalaking ito.

.."Kalimutan mo na, may salamangka , yung kandado, ang huling taong sinubukang buksan ito, Ay walang iba kundi isang tumpok ng abo".. Saad ng lalaki.

.."Mamamatay din naman ako, paano ko malaman kung hindi ko man lang susubukan".. Paliwanag ng dalaga...

'walang nangyari, hindi siya sinalakay ng salamangka, ito ay nagiging mas kawili-wili'...Sa isip-isip ng lalaki.

click'... 'click'... 'click',
Sa lahat ng kanyang pagsusumikap, sa wakas ay nabuksan niya ang kandado! Dahil sa pagsisikap na ito ay nakahinga siya nang maluwag habang pilit niyang pinipigilan ang pagkawala ng kanyang kamalayan.

Nakawala ang lalaki sa masalamangkang kadena nang makaramdam siya ng init nang hilahin siya nito sa kanyang mga bisig habang niyayakap siya.

Marahan niya itong itinaas at binuhat habang humahakbang patungo sa liwanag.

Sa labas, patuloy na bumuhos ang ulan.

Bagama't makulimlim ang panahon, araw na iyon at ang maliit na liwanag na ito ay sapat na upang ipakita ang kanyang magandang mukha. Ang matataas na panga ng lalaki, perpektong pinatingkad ang kanyang mukha kasabay ng kanyang mahabang satin na buhok na kaswal na nakalugay. Habang umaagos ang mala-kristal na tubig-ulan sa kanyang leeg, iyon ang pinakakahanga-hangang gawain ng Diyos.

Nakatingala ang lalaki sa langit, nang maramdaman ang isang titig mula sa kanya, bahagyang yumuko ang ulo, bahagyang singkit ang mga mata na kulay lila, ang mga labi ay namumutawi sa isang ngiti.

Walang pakialam na tumingin si Wu Xie sa pares ng lila na mata na iyon, nang walang anumang bakas ng ekspresyon. Bumuhos ang ulan sa kanyang maputlang pisngi habang kalmadong pinagmamasdan siya.

Bahagya siyang nagtaas ng kilay. Ang kanyang hindi pangkaraniwang kalmado na kilos ay isang nakakapreskong reaksyon.

Ito ang unang pagkakataon na walang tumili at nagpanic nang makita ang kanyang mga mata.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong niya sa malalim niyang matipuno na boses.

"Malapit na akong mamatay" paalala ni Wu Xie sa kanya. Ang kanyang maitim na mga mata, ay tumitingin nang malalim sa pares ng mga lilang mata na iyon, nang walang anumang pahiwatig ng desperasyon o takot, ngunit sa halip ay may malinaw na titig, na para bang ang kamatayan na sinasabi niya ay hindi sa kanya.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon