4: "Palasyo ni Lin" (1/3)

1K 38 0
                                    

Nagtaas ng kilay ang misteryosong lalaki habang sinisikap niyang pakalmahin ang sariling damdamin habang ang itim na mga mata ay malamig na nakatingin sa kanya, halos maninigas siya sa lamig ng titig ng dalaga. Gusto niya pukawin ang kalmadong kilos ng dalaga at guluhin siya sa kanyang katahimikan! Ang babaeng ito ay hindi makapaniwala,paano siya nagiging kalmado sa ganitong sitwasyon?

"Huwag kang mag-alala, hindi kita hahayaang mamatay" malumanay niyang sabi.

"Iuwi mo na ako." Pakli niya.

Kung isasaalang-alang kung gaano siya nasaktan, ang pinakamagandang paraan at tanging gamit para sa kanya ay ang pauwiin siya sa sarili niyang 'tahanan'.

Nagbigay siya ng malademonyong ngiti, yumuko at hinalikan si Wu Xie sa pagitan mismo ng kanyang mga kilay.

..."Ayon sa gusto mo".. Ngumisi siya.

Ang maliit na itim na pusa na nakatago sa kaibuturan ni Wu Xie ay natulala, ang aking Binibini ay sinamantala lang!

Naramdaman ni Jun Wu Xie na unti-unting nawawala ang kanyang paligid at nag dilim.
.....

Tirahan ng Lin duke:

Nang sa wakas ay gumalaw siya, bumukas ang mahahabang pilik-mata at natagpuan niya ang sarili niyang nakahiga sa isang maganda at mainit na kama sa isang silid na pinalamutian nang marangyang.

Isang puti ang buhok na matandang lalaki ang nakaupo sa tabi ng kanyang kama at nang makita niyang nagising na siya, lumiwanag ang buong mukha nito at napabulalas:
"Pasaway, sa wakas nagising ka na! Huwag mong takutin ang Lolo mo!"

"Hangal na bata, Kontraktwal na espiritu lang. Ano ngayon kung wala ka? Sino sa tingin mo ako? Ako ang makapangyarihang Lin Wang! Susuportahan kita kahit anong mangyari. Walang dapat ikatakot!" Tumango si Jun Xian.

'Lolo?'

Kumunot ang noo ni Wu Xie habang Sumagi sa kanyang isipan ang mga alaala ng katawan. Ang matandang nakaupo sa tabi ng kanyang kama ay walang iba kundi si Lin Wang ng Kahariang Qi na siya ring Lolo ng una - si Jun Xian.

Ang binanggit ni Jun Xian - ay ang "Kontraktwal na espiritu" na kakaiba sa mundong ito.

Kapag ang isang sanggol ay ipinanganak sa mundong ito, mabubuo ang mga kontraktwal na espiritu isang bigkis sa kaluluwa ng tao at nagigising lamang sa edad na labing-apat. May lalabas na singsing sa kanang kamay palasingsingan, bawat espiritu ay parang ebolusyon ng kaluluwa kung saan ang anyo ng kontraktwal na espiritu ng bawat tao ay iba. Ang ilan ay maaaring gawing makapangyarihang sandata habang ang ilan ay maaaring maging makapangyarihang mga hayop.

Ilang araw bago Ika-labing-apat na kaarawan ni Jun Wu Xie at dapat nagkaroon na siya ng espirituwal na nagigising, pero buong araw walang nangyari...

Siya ay binansagan bilang isang walang Silbi.

Sa mundong ito kung saan ang kinabukasan ng isang tao ay natutukoy sa pamamagitan ng lakas ng kanilang mga kontraktwal na espiritu, ang mga wala ay itinuring na mga basura.

Tumanggi si Jun Wu Xie na maniwala dito at hindi pa siya tumatanggap ng ganito kabigat na pag-urong sa buhay.

Talagang nawala siya ng dalawang buong araw! Nagulat si Jun Xian, iniisip niya na ang ipinagmamalaking apo niyang ito ay hindi makayanan ang mabigat na pag-urong at talagang tinangkang magpakamatay.

Nanatiling tahimik si Jun Wu Xie.

"Nagpakamatay? parang hindi naman."

Matapos manahin ang lahat ng alaala ng katawan na ito, mas malinaw kay Wu Xie na tiyak na hindi ito pagpapakamatay. Ang dahilan kung bakit siya umalis sa palasyong Lin ay dahil lamang tatlong araw na ang nakakaraan ng nag anyaya ang Ikalawang Prinsipe na makipagkita sa kanya.

Ang nakaraang Jun Wu Xie ay nanlumo dahil wala siyang anumang kontraktwal na espiritu, nang ang kanyang pinakamamahal na Ikalawang Prinsipe hiniling na makipagkita sa kanya pumayag siya kaagad. Siya ay nagnanais na Aluin ng kanyang mahal na prinsipe.

Gayunman, nang makarating siya sa itinakdang lugar, kapalit ng kanyang gwapong prinsipe , sa halip ay may nakatayong isang misteryosong naka itim na lalaki na nakamaskara.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon