Chapter 15- The Elude

16 0 0
                                    

Jet's POV

"Fuck!"

Ang bilis na nang pagpapatakbo ko. hindi ako makapag concentrate, kaines. I just stole her first kiss. At sana tumagal pa yun kung hindi nagpakita itong gagong hinahabol ko ngayon! Pasaway. Lagot ako mamaya nito eh.

*Broooom roooooooooooom*

Nakasunod na pala sakin si Julian. Nagmoment pa kasi, hindi niya tuloy napansin. Hayy. Nagkatinginan kami at nakabuo na agad ng plano. Nakapag-overtake ako sa hinahabol namin at kinorner na ito.

Bumaba agad si Julian sa motor na hindi ko alam kung saan niya nakuha. At kinwelyuhan ang lalaking ito. Tinanggal namin ang nakatakip sa mukha niya.

"Akala mo makakatakas ka pa ah. Sinong nagpapunta sayo sa bahay ni Eli? Sumagot ka ng maayos kung gusto mo pang masikatan ng araw" sabi ni Julian

Tinitigan ko ang lalaking hindi man lang nagsalita o natinag. Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Ang mabuti pa dalhin na lang natin siya sa lumang building, ipaubaya na natin kay Mailon at Baste yan."

Julian's POV

Nandito na kami ngayon sa lumang building. Itinali na namin itong lalaki at pinabantayan na namin kanila Baste at Mailon. Sila ang pinakapinagkakatiwalaan namin at mga kasabayan namin sa westpoint na isinama namin dito.

Ayaw talagang magsalita nung lalaki. Sino kaya siya? Kailangang malaman namin agad kung sinong nagpadala sa kanya sa bahay nina Eli.

Gelou's POV

 

"Oh fuck! Huhhhh. Heeeeh hehhh." Hinihika ako ngayon sa gulat kanina. Naninikip yung dibdib ko ng sobra.

"Ito oh." Inabot sakin ni eli yung inhaler ko. Buti na lang hindi nagigising ang iba.

Hayyy salamat. Nakakahinga na ako ng maayos.

"Nahuli ko kayo. Ikaw nga umamin sakin. Anung mayroon sa inyong dalawa?" Nagulat ako sa tanung ni Eli. Anu nga bang mayroon saming dalawa? Naguguluhan din ako. Dapat nagmomove-on pa lang ako ah. Pero bakit nakakalimutan ko ang lahat kapag kasama ko siya? Bakit hinayaan ko siyang halikan ako, at bakit hinahayaan ko siyang magkaroon ng parte sa puso ko?

Napailing na lang ako.

"Hindi ko din alam" napayakap na lang ako kay Eli

At maya maya ay bumukas na yung pinto. Andito na sila.

"Anung nangyare?" si Julian, nang makita niya yung inhaler sa sofa.

Ms. Extrovert Meets Mr. ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon