Chapter 3- Meet the Libertine

38 2 0
                                    

Gelou’s POV

 

“LRT. LRT. SM Marikina!” yung barker. Aish, puno na kaya -_-

Paano ako makakasakay niyan? Eh---

“Miss? Sige na pasok na. Wag ng maarte”

“Ok.Tsk.”

Pumasok na ko sa jeep at nagpanggap na nakaupo kahit ang totoo niyan eh sa hangin na lang naman ako nakaupo. Argh. Kung di lang talaga ako malalate sa lecheng seminar na yan eh. Argh. Pagbaba ko ng jeep, tumakbo na agad ako sa overpass at—

“Miss Oh!”

“Thanks.”

Tinanggap ko na lang. At ibinulsa, parang candy lang naman eh. Aish. Pila dito, pila diyan. Hayyyy salamat at nakasakay na din sa train. Ayy. Nakakahiya naman dito sa kuyang asa likod ko. Waaaaaaaah! Sobrang magkadikit na kami. Nakapatay pa ang aircon. Kung minamalas ka nga naman. Arghhh---

*Baby, baby blue eyes~

“Miss, yung phone mo. Nagba-vibrate. Hindi naman kasalanan sa Diyos ang pag-sagot”

Wah. Antipatiko pala itong lalaking ito eh. Tse. Inirapan ko muna siya. Kinuha ko na yung phone ko at sinagot.

[Mag-sisimula na yung seminar]

Ay si eli. Waaaaaah. Magsisimula na daw. Lagot ako kay ma’am. Ako pa naman ang magcocover nun para sa school paper namin. Dadating kasi yung anak ng may-ari ng school na ni picture eh, hindi man lang naglalabas kaya talaga namang kailangan kong macover yung buong seminar.

“Asa Anonas pa lang ako. Andyan na ba yung guest?”

[Wala pa. Malalate din ata]

“Buti naman. Osya, text na lang kita. Byie :)”

“Miss”

Tinatawag na naman ako nung lalaki. Infairness ang bango ng hininga niya ah. Parang mayaman. Pero? Bakit kaya siya andito sa Train kung mayaman siya? Hmm-

At dahil man-hater ako ngayon at kakagaling ko lang sa heartbreak eh. Ii-snob-in ko muna yung ---

 

“Baka naman may candy ka dyan o gum? Try mo. Medyo mabaho kasi ang hininga mo eh.”

And my jaw dropped. What the? Sinabi ko bang gwapo siya kanina? Diba hindi pa? Pwes. Hindi ko nasasabihin pa yun. Argh.

Naalala ko may candy nga pala na binigay kanina sa may overpass. Dinukot ko.

“Ang tigas mo naman Mr. Whoever-You-Are. No—Scratch that. Mr. Whatever-You-Are? Malapit ang bibig sa ilong. O ito candy namnamin mo muna.”

“What the? Pft. Are you planning to have sex with me?” sinabi niya yun ng natatawa tawa pa.

“Wha—t? the”

Nanlumo ako na napatingin sa hawak kong Akala ko ay candy. Saan nanggaling ito? Condoms? Trust? Omy.

“Hehe” Lamunin na sana ako ng lupa sa kahihiyan. At sa harap pa talaga ako ng antipatikong ito napahiya. Madami na ang mga nagtitinginan  samin. At mas nagulat ako sa sinabi niya na sumunod. Kinuha niya yung Trust condoms.

“Babe, I really know the fact that you can’t resist my charms. But let’s just do it later baby.”

Paalalahanan niyo ko na wag patayin ang taong ito.

Ms. Extrovert Meets Mr. ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon