Chapter 8- His Esoteric Property

28 0 0
                                    

Gelou’s POV

Masakit pa din pala.

Yun lang yung nasa isipan ko kahit na hinihila pa din ako ng antipatikong lalaking ito. Hindi ko alam kung saan kami papunta, at wala na akong pake. Sumisikip pa din yung dibdib ko sa mga nakita ko kanina. Masakit pa din pala. Akala ko wala na. akala ko isang araw lang magiging ok na ko. Yun pala yun, kaya pala ako naging boring kasi hindi ko maibigay sa kanya yung ganung satisfaction. Grabe lang.

“hey!”

“aray”

Tumigil na pala siya. Nabangga tuloy ako sa likod niya. Hmp—

Teka? Asan kami?

“Ang—ang ganda” grabe. Ang ganda dito. Malayo na ba kami sa school?

Umupo na siya sa damuhan na malapit sa isang maliit na lake. Waaaaaaaaah! Oo, lake nga. Para akong nasa Barbie and the Swan lake. Ang ganda dito. Nakakawala ng stress. Pero masikip pa din yung dibdib ko eh. Hayyy.

“malayo na ba tayo sa school?”

 Nag-smile lang siya.

“Asa likod tayo ng Office of the president.”

Talaga? Ba’t ngayon ko lang ito nakita? Hala? May magic door ba dun 0____0 ?

“Alam ko nasa isip mo.” Sabi niya.

“Anu nga?”

“Ako.”

“Aray” ayan tuloy. Nabatukan ko na siya. Nahawa na ata ako ng pagiging sadista ni Eli eh. Ang feeling kasi ng lalaking ito. Oo- alam ko naman na gwapo siya, maganda ang mata, maganda ang pangangatawan at talaga namang --- teka nga!? Pinagnanasahan ko ba siya! Waaaaaaaaaaaaaah. Sorry po Lord!

“Ang feeling mo ah!”

“Ito naman. Pinapa-smile lang kita” hinawakan niya yung pisngi ko na ikinagulat ko tapos ifinorm niya yung lips ko na nakangiti. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha eh. Napangiti na tuloy ako.

“Your blushing”

“Hindi—ah! Blush blush ka dyan. Teka? Asan na ba tayo?”

“Gusto mo ba malaman kung anu ang dahilan kung bakit nagpatayo si papa ng university dito sa lugar na ito?”

Ah? Oo nga nuh? Bakit kaya? Tsaka, puro firms and business lang naman talaga ang pinapasok ng papa niya eh at ito lang ang natatanging school na pag-aari nila. Na-curious naman tuloy ako.

“Ba—Bakit?”

“Nabasa mo naman na diba ang history ng school na ito?”

Ms. Extrovert Meets Mr. ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon