Chapter 10- Saccharine Moments

24 0 0
                                    

Gelou's POV

"Ako ang una nyang bestfriend!" ako yan

"Ako!" siya yan

"Ako nga sinabi eh!"

Walang hiya ito! Magkaibigan na nga kami't lahat lahat eh. Tapos aagawin niya pa yung title ko na bestfriend ni Eli! Inggitero. Sinabi na nga ba eh, nagpapanggap lang itong mabait nung isang linggo. Hmp---

"Hey, you two. Stop it."

Napatigil kami sa nagsalita. Si Eli na yun eh. Tumigil din naman itong isa.

"takot!" binelatan ko pa siya at binulong yun.

"Kahit naman sino nauna eh. Pareho ko kayong bestfriend at lahat ng nandito sa loob ng kwartong ito, ay bestfriend ko. Got it guys? Geez"

"Kahit ako?" nagpout pa na sabi nitong pinsan ni Julian. Jet ang pangalan niya.

"Oo." Si eli yan hahaha :D Boom!

"Talaga lang ah?" Silang lahat yan. Except me.

Bago pa man maipit si Eli. Sumingit na ko.

"Teka---teka teka? Nakakatampo na ah. Am I missing something in here?" irritable kong sabi.

Eli's POV

"Kahit naman sino nauna eh. Pareho ko kayong bestfriend at lahat ng nandito sa loob ng kwartong ito, ay bestfriend ko. Got it guys? Geez" oh ayan. Nasabi ko na. napangiti silang lahat. Ngayon ko lang kasi ki-nlaim sa buong buhay ko na sila ang mga best friends ko :3 sarap pala i-spill out.

"Kahit ako?" nagpout pa na sabi nitong Jet. Upakan ko kaya ito. Pa-cute pa! Kainis.

"Oo." Hala? Nalungkot na siya. At lalabas na sana ng pinto.

"Talaga lang ah?" Silang lahat yan. Except Gelou.

Please someone save me in here. Naka-hot seat na tuloy ako.

"Teka---teka teka? Nakakatampo na ah. Am I missing something in here?" sabi ni gelou :) saved by my best!

Pero ? teka asan na yun?

"Wait lang best. (tumingin ako kay twinny.) Kayo na magpaliwanag ah. Thankyou!"

Naglakad na ko palabas para habulin ang nag-tatantrums kong-ehem. Ehem-ehem. How should I call him?

Nakaabot na ako sa garden. Teka? Asan na ba yun? Tsk.

"Waaaaaaaaaaaaah!" Bumukas yung fountains na naka-lagay sa sahig. Sh*t basang basa na ko.

"Hahahahahahaha :D" Napatingin naman ako sa kung sino ang tumatawa. Ang walang hiya!

"Your dead." Tinakbo ko siya sa gilid kasi nagtatago siya. Siya pala ang nagbukas, kaya ngayon, basang basa na ko. Kinuha ko yung Hose at binuksan. Lintik lang ang walang ganti! Bwahahaha :D

Basang basa na kaming dalawa hanggat sa napahiga na kami sa damuhan. Hayyyyyyyyyyyy. Kapagod. Napatingin ako sa kanya na katabi ko ngayon. He held my hand. And looked intently in my eyes. There is really something in the way he look at me. Is he really the missing piece?

"Princess." He smiled and closed his eyes. He put my right hand in his left chest.

"Can you feel it? Can you hear my heart beating?"

I also closed my eyes and let a tear fall.

"Yes. I do."

I just found myself hugging him. Tightly, like I never used to.

Gelou's POV

Wala pa ding nagsasalita sa kanila kasi naman. In my entire life, ngayon lang ako nairita ng ganito. Kasalanan talaga ito ng lalaking ito eh.

"Ano ba talagang meron?' inis na sabi ko.

"Kasi.." sabi ni Dhea

"Ganito kasi yun, May ikwekwento ako :3" ang sabi ng oh-so-adorable na si Kath.

Na-curious naman ako bigla.

"Since prep, mag-kakaibigan na kaming lahat. Isama mo na sina Julian at Jet. Si eli lang talaga ang hindi namin maging ka-close kasi, sobrang sungit."

Natawa naman yung iba.

"Hangga't sa nahuli naming lagi na lang sinusundan ni Jet si Eli kapag uwian kaya na-curious kami, tapos nalaman pa namin na HumingI pala ng favor itong si Jet kay julian para turuan siyang dumamoves kay Eli Haha :D"

"Ah. Puppy love!" Yun pala yun haha :D

" Hindi din :)" sabi ni julian na napatingin kaming lahat.

"Humingi siya ng tulong sakin para mas maka-close itong isa kase natotorpe!"

"Haahahaaha :D" nagtawanan kaming lahat ng nasa loob.

"Kaya lang, nabaligtad. Imbis na sila yung naging maging mag-bestfriend eh ako ang naging kaibigan kasi lagi ba naman niyang asarin itong isa eh. Naging best enemies sila. Pero napaka-protective sa isa't -isa." Pagpapatuloy niya.

"Natandaan ko pa yung sabi ni Jet nun na dapat walang ibang mang-aasar kay Eli, siya lang daw. Haha :D At ang mag-paiyak kay Eli, eh malalagot sa kanya. :D" sabi naman ni Kuya Arjay.

Kaya pala! Wooooooooooow. Keleg!

Napag-dugtong dugtong ko na. Napahiwalay lang sila, dahil dun sa nangyari sa mama nina Jet at Julian. Hmmm---

"Ok, Got It!" Ngiting-ngiting sabi ko.

"tara! Puntahan natin sila! Baka-maka first base yun kay Eli"

Tumayo na kaming lahat at nakita naming nakahiga yung dalawa sa damuhan sa garden ng basang-basa 0_______________0 Anyare? Lagnatin sana kayo! Haha :D Chosssssss.

Nakabukas kasi yung mga fountains.

"Tara!" naramdaman ko na lang na hinihila ako ni Julian sa kamay at basa na din kami. Pati sila. Nag-basaan na Hahaha :D

Binuhat ako ni Julian sa Likod niya, At pasugod na samin sina Eli na naka-pasan din kay Jet eh. Nagkatulakan na sa Swimming pool sa tabi ng garden. :D

Ang masasabi ko lang. Sobrang thank you po God, sa pagbibigay sakin ng ganitong mga kaibigan. I am so blessed to have them. :3 At salamat sa mga mga nadagdag pa. Lalo na po si Julian :)

Ms. Extrovert Meets Mr. ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon