CHAPTER 7

293 16 1
                                    

Panibagong araw na naman.Kahit paano'y bumuti na ang panahon,medyo umaambon nga lang pero hindi naman na umuulan ng malakas.

Kasama ni Jane si Janella ngayon.Naglalakad lakad lang kung saan saan.

Nakatulog naman siya ng maayos kagabi.Hindi malikot sa kama si Janella,hindi rin himihilik,
mas lalong hindi nang aakap,pero kahit na ganon,nakaramdam parin siya ng kaba,
syempre dahil unang beses nilang matulog nang magkasama.

“I love this place,siguro kahit matapos na ang stay namin dito,babalikan ko 'tong lugar na 'to.”

Muli na naman siyang nakaramdam na parang may tumusok sa puso niya nang bitawan ni Janella ang mga salitang iyon.

Ngumiti parin siya dito,umaasang hindi mahahalata ang tunay niyang nadarama.

“Dito mo ba balak magstay for good,Janeh?”

“Sa totoo lang,aalis din ako dito pagkabalik ni tito,hindi ko pa alam kung anong naghihintay sa'kin sa labas ng islang to,pero uunahin ko muna siguro ang pag aalaga kay mama.”

“Pwede ko bang malaman ang nangyari sa mama mo?”

“May sakit siya sa puso,pabalik balik siya hospital,at kapag sapat na ang perang naipon namin,papaoperahan na namin siya.”

“May kapatid ka?”

“Meron,si kuya Franklin,nasa kaniya si mama pansamantala.”

“Janeh,gawa tayo ng sand castle.”

“Tara!”

Pumunta ang dalawa sa may baybayin.

“Balik trabaho na kayo bukas diba?” Tanong ni Jane.

“Yes,pati si Paolo,pagkarating non,sabak agad.”

“Sabi ni Markus sa'kin,Trevor yong pangalan ng anak niyo,ilang taon na siya?”

“Three.” Maiksing sagot ni Janella.

Hindi niya inaasahan na pag uusapan nila ang mga bagay tungkol kay Trev.

“Paano ang set up niyo sa kaniya?”

“Salitan,magpapaalam si Markus pag hihiramin niya si Trev since sa akin yon nakatira.Pag busy naman ako,iniiwan ko kay mom,pero ganon parin ang set up.”

“Hindi kayo lumalabas together?”

Napatingin si Janella sa kaniya.

“Ibig kong sabihin,family dinner,or family day mga ganon.” Pagklaro ni Jane.

“Minsan.”

“Minsan?Ayos parang di naghiwalay.Pero baka naman para sa anak lang nila yon,Jane!” Bulong nito sa kaniyang sarili.

“Pag may special occasion na di ako pwedeng tumanggi.” Dagdag ni Janella.

Tumango siya dito.

Matapos nilang mabuo ang kastilyong buhangin ay tumayo ang dalawa at pinagmasdan kung paano ito gumuho kasabay ng malakas na hampas ng alon.

“Ang ganda non,Jea!” Tuwang tuwa na sabi ni Jane.

“Gusto mo yong ganon?Winawasak ka.De joke lang.”

“Hugot ka diyan!Hindi bagay sayo,Jea.”

“Siguro ikaw ang bagay sa'kin.”

“Sabing wag akong lalandiin e!”

Tinawanan lamang siya nito,habang siyay naiinis na.
Sino ba namang hindi?Eh kung mas lalo siyang mahulog.

“Fine!Titigil na nga.” Pagkukunwari ni Janella bago pa ito mahampas ni Jane.

Message In A BottleWhere stories live. Discover now