Jane's POV
Sariwa parin sa akin ang nangyari kanina.
Umaapaw sa tuwa ang puso ko kahit mag iisang oras na mula nong kinantahan ako ni Jea.Paulit ulit bumabalik sa isipan ko ang mga matatamis na tingin niya sa'kin at yong ngiti niya pagtapos ng kanta.Pakiramdam ko'y lumulutang ako sa tuwa kaya naman hindi maiwasang tuksuhin ako nina Josh at Julia kanina.Kitang kita raw kasi ang kinang sa mga mata ko.Hindi ko na itinanggi dahil alam kong hindi naman sila maniniwala.
Kakabalik ko lang galing sa room ko para kumuha ng dalawang cardigans,lumalalim na kasi ang gabi at ang lamig na ng hangin.
“Ito Jea,suot mo.”
Inabot ko sa kaniya ang isang cardigan na dala ko na kaniya namang isuot kaagad.
“Thanks,Janeh.”
Tumambay muna kami dito sa may duyan,
pagkatapos kasi ng kantahan kanina ay nagsimula na ang inuman kaya yong stage ay puno na ng mga lasing o di kaya'y nahihilo na sa kakainom.Si Josh nong huli kong makita ay namumula na ang mukha,si Julia naman ay puro tawa na lang kahit walang nakakatawa,sabi ni Jea,ganon daw yon pag nalalasing.
“Panigurado ang rest day niyo bukas ah.” Natatawa kong sabi.
Panigurado rin na ako ang magluluto para sa kanila bukas dahil maging mga chefs namin ay may tama na.Iniisip ko pa lang ang dami ng lulutuin ko,para na akong lalagnatin.Sana kahit dalawa lang sa kanila,may tutulong sa'kin.
“You're right,ibig sabihin we have the entire day for ourselves.” Masaya niyang sabi sabay wink sa'kin.
“Ayos,sakto may nakatokang turista sa'kin bukas.”
Biro ko na siyang ikanalungkot ng maganda niyang mukha.
“Joke lang.”
Muling bumalik ang mga ngiti sa labi niya.Ang hirap namang hindi mahulog sa babaeng to!
“Anong pinag usapan niyo ni Pao kanina?”
Natigilan ako sa tanong niya.Ayokong magsinungaling pero hindi ko rin pwedeng sabihin sa kaniya.Hindi muna sa ngayon.
“Ah wala yon.Nagtanong lang siya tungkol sa pwedeng pasyalan dito sa isla.” Pagsisinungaling ko.
“Speaking of isla,kailan mo ko dadalhin don?”
Oo nga pala.Naalala ko na sinabi ko nga pala sa kaniya na dadalhin ko siya sa la confecio,isang maliit na isla na nakakamangha ang ganda.Ang sabi ng mga nakakatanda,kung ang dalawang taong nagmamahalan ay magtatapat ng kanilang damdamin sa islang iyon,ay tiyak na magkakatuluyan.Ngunit may kaakibat naman itong tila isang sumpa na kung hindi masusuklian ang pag ibig ng umaamin,masisira daw nito ang inyong samahan,tuluyan daw kayong magkakalayo,magkakalimutan at mawawala sa landas ng isa't isa gaya ng paglubog ng isla tuwing gabi.
Hindi kasali doon ang magkarelasyon na o di kaya'y mag asawa.Kaya kung ako ang papipiliin,mas gugustuhin ko na lang mag unwind at maligo doon kaysa subukin ang kapalaran ko.
“Try natin bukas kung may bangkero.”
Tumango tango siya.Hindi ako sigurado sa napapansin ko pero parang hindi siya mapakali.Tatanuning ko na sana siya kung anong problem nang bigla siyang nagsalita.
“Janeh?”
“Uhm?” Agad kong sagot.
“Nagustuhan mo ba yong kinanta ko sa'yo kanina?”
“Siyempre naman!” Masaya kong sabi.
“Tagala?”
“Sobra,Jea.Nahiya lang ako kasi hindi ako sanay sa mga ganon.”
YOU ARE READING
Message In A Bottle
RandomA short story inspired by Taylor Swift's song. ----- "Alright,this song is for you,Janeh." I know that you like me And it's kinda frightenin' Standing here waitin', waitin' And I became hypnotized By freckles and bright eyes Tongue tied Nagsimula na...