Kakatapos lamang makipag usap ni Josh kay Julia nang makita nito si Jane na masayang umiinom ng buko juice habang nakikipagkwentuhan sa mga kasamahan nila.Kaagad niya itong nilapitan.
“Janeh!Sarap naman niyan,meron pa ba?” Tanong niya.
“Doon kay manong Hector,gusto mo?Samahan kita mabait ako ngayon.”
Laking tuwa ni Josh nang marinig iyon.
“Maiwan ko muna kayo ha,samahan ko muna tong kaibigan ko bago pa magbago ang isip ko.” Sabi nito sa kasama niya.
Naglakad ang dalawa papunta kay mang Hector na doon nga'y naabutan pa nila ang mga buko na kakalagay pa lamang sa maliit na istante.
“Mang Hector,pabili ako isang buko.Dito ko na lang ilagagay ang bayad ko,keep the change mayaman po ako ngayon.” Natatawang sabi ni Josh.
“Sige kumuha ka lang diyan,ikaw talagang bata ka kahit kailan palabiro ka talaga.” Rinig nilang sabi ni mang Hector.
“Alis na po kami,salamat mang Hector.”
Umupo ang dalawa sa isang puno ng niyog na sumayad sa buhangin dahil sa kurba nito na madalas paglaruan ng mga bata at ang iba'y ginagawa pang swing.
Tahimik lang si Josh na hindi madalas nangyayari lalo na kapag magkasama sila.Tiningnan ito ng maigi ni Jane.
Nakakapanibago ika nga kapag ang maingay ay bigla na lamang nanahimik.Siniko niya ito dahilan para tumingin ito sa kaniya.
“Bakit?” Takang tanong ni Josh.
“Anong nangyayari sayo?Ba't ganyan ang mukha mo?”
Huminga ng malalim si Josh at doon nakumpirma ni Jane na may pinagdadaanan nga ang kaibigan niya.
“Alam mo na ba?”
“Ang alin?”
“Nagkaron ng pagbabago sa kwento ng ginagawa nilang eksena kaya kailangan nilang lumipat ng lokasyon,tatlong linggo na lang sila dito.” Malungkot na sabi ni Josh.
Nagkunwari naman si Jane na hindi ito nakaramdam ng kirot sa narinig niya kahit ang totoo'y ang unang pumasok sa isipan niya ay ang taong tinatangi niya.
“Kinausap ako ni Julia kanina.Nagkaaminan kami.”
“Talaga?”
Tumango si Josh ngunit hindi ito masaya.
“Nagkasundo kaming kalimutan na lang ang nararamdaman namin sa isa't isa.”
Nag uumpisa nang mamuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.
“Alam ko naman sa simula pa lang,hindi pwede.Pinatay ko na ang natitirang pag asang baka pwedeng maging kami pero bakit ang sakit parin,Janeh?”
Kasabay nang pagtulo ng kaniyang mga luha ay ang pagyakap naman ni Jane sa kaniya.
Ramdam niya ang sakit na nadarama ni Josh dahil maging siya ay nakakaranas din nito at hindi niya rin alam kung paano ito haharapin.
“Bakit may mga bagay na hindi pwede?Ang daya naman non.”
“Ilabas mo lang yan,andito lang ako.”
“Hindi ko alam kung bakit nasasaktan parin ako,hinanda ko naman ang sarili ko sa sandaling mangyari to.Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para umiwas,para hindi mahulog,para di masaktan,pero bakit ganito?”
Ang sakit para kay Jane na makita sa ganitong sitwasyon ang kaibigan niya.Ngayon pa lamang ito nangyari.
“Ayokong maranasan mo rin ang ganitong sakit na nararamdaman ko ngayon,Janeh.”
YOU ARE READING
Message In A Bottle
RandomA short story inspired by Taylor Swift's song. ----- "Alright,this song is for you,Janeh." I know that you like me And it's kinda frightenin' Standing here waitin', waitin' And I became hypnotized By freckles and bright eyes Tongue tied Nagsimula na...