Yana Ojie's POV" Sinasabi ko sa'yo, Zorren. Para kang oranggutan kapag magpapa-brown ka ng buhok. Pramis, itanong mo pa yan sa isang professional hair stylist." -kausap ko ngayon si Zorren, nangungulit na nagpaalam na magpapakulay ng buhok. Sabi kong 'No', nagpumilit pa. Wow! Nagpaalam pa siya kung gusto naman niya talaga.
( Okay lang, mahal mo naman.)
" Weee? Sino may sabi?"
( Alam ko naman na mahal mo ko eh, sige na?? Pleasee?)
" Bahala ka nga sa buhay mo. Baboosh." -i ended the call at tumunganga naman. I wandered my gaze with my 'comrades' here in the hospital. At lahat sila, tulog! Bakit nga ba ako gising? Ay, oo. Ako lang ang walang kapartner. Si Nathan, nakaakbay kay Jessica habang nakasandal si Jess sakanya. Ang sweet!! Si Leah naman... ayun! Lumabas kasama si Hiro. Kakausapin lang daw yung nurse. Si Red, Kevin at Yano, nakatulog sa sahig na karton lang ang hinihigaan. Mga trip nila=_____=
" Aaah, so dito pala naconfine yung Oclarit na yun? Pasalamat siya at buhay pa siya nuh." -i shivered as I heard a girl talking. What the- Napayuko ako sa bed ni Mio at nagtulog-tulogan as I heard the door opened.
" Shit, may reunion ba?" -rinig kong sabi ng isang babae.
" Let's just get to business, okay? Nasan ba yung Leah na yun? Psh. Mga tanga, naubos pa talaga nila lahat ng pagkain, hindi nila alam na may pampatulog pala yun. Hahaha! Mga tanga." -pampatulog? Right. Hindi pa pala ako kumain. Sheeeez!
" Wala naman pala yung si Leah. Tara na't baka magising pa sila." -nakahinga na ako. Shimay. Ba't sila nakapasok? Unti-unti kong inangat ang ulo ko, fuck. Isang Hiks? Isa lang naman ang kilala kong Hiks eh. Si... si... Violet! Hala naman.
" Hoy, Yana? Para kang tanga diyan. Anyare sa'yo? Oh. Kainan na." -s-si Leah?
" Kanina pa kayo?"
" Kakadating lang. Oh, burger. Wag kang pauso ng diet nuh! Isumbong pa kita kay Zorren." -panunukso ni Hiro sakin.
" Red, oy. Andito na ang fries mo." -sabi ni Leah habang sinisipa si Red.
" Ay, grabi! Tulog-mantika. Psh. Ay! Softdrinks. Hiro, yun pala nakalimutan natin. Leche naman. Yana, wait lang ha? Babalik agad kami." -narinig ko pa silang nagbangayan. Hooo~ i grab a tissue at sinulat ang Hiks. Baka makalimutan ko-
*creeeeek
" Oh? Ang dali niyo-" fuck this life.
" Expecting someone else, Yana Ojie?" Help.
Leah Killian's POV
" Psh! Ang OA mo pati 50 na nga lang ang damot mo pa." -Hiro.
" Well, duh? Babae ako nuh, dapat ang lalaki ang nagbabayad." -sabi ko naman.
" Di na uso yan nuh!"
" Yeah, whatever. Tara na at baka nasamid na si Yana." -nagmadali na kami ng lakad papunta sa room ni Mio.
" Excuse me..." -napatingin naman kami sa dumaan. May dalang sako ang lalaki.
" Help!!! Help..." -narinig ko bang bumulong ang sako? Kaboses pa ni... ni Yana?
" Si Yana!!!" -sigaw namin ni Hiro atsaka nagmadali siyang humabol sa lalaki ako naman ay tumakbo papunta sa room.
OH MY GOD.
" AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!"
Jessica Villania's POV
Napanangon agad ako ng marinig ko ang boses ni Leah. Kaming lahat yata ay kakagising lang at siya lang gising.
" Anong nangyayari?" -bulong ni Nathan. Agad kong nilapitan si Leah na umiiyak na.
" Leah... Leah..." -hinahagod ko siya. May tinuro siya kaya tinignan ko naman.
'STOP YOUR WEDDING IN EXCHANGE FOR YANA'
Nakasulat ito at parang ang gamit ay dugo. Sinong may gawa nito? Nasan si Yana?
" Guys, may nagkaguluhan sa baba." -nakatingin si Yano sa baba ng bintana.
" S-si... Hiro!!!"
" Stay here, we'll be back." -sabi ni Nathan at hinalikan ako sa noo bago umalis. Pinatahan ko muna si Leah, sheeez! Ano na bang nangyayari?
" Sssh... sandali..." -pinaupo ko muna si Leah at naghanap ng tissue para pampunas ng luha niya. Wala akong panyo eh. Pumunta ako sa may paper bag ng jollibee at naghanap dun. Ang luckily, meron nga. Napatingin ako sa hawak ko, isang sulat-kamay ni Yana.
Yana Ojie's POV
Aray!!! Wala ba tong awa tong bakulaw nato??!! Ang sakit kaya sa pwesto ko habang siya ay nagtatakbo.
" ARAY!" -lumundag kasi siya at nabagsak uli ako sa balikat niya. Bwesit naman. Parang mababalian yata ako ng boto. Humugot ako ng lakas atsaka bumalikwas para makatakas. Fortunately nagawa ko, unfortulately nauntog ako sa street. Agad akong umalis sa sako at agad na tumakbo para makatakas.
" Wala kang takas sakin!!!" -belat mo pring! Takbo lang ng takbo Yana. Takbo lang ng takbo-
*BEEEEEEEEEEEEEEEEP
°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°
BINABASA MO ANG
Aberrant Love
Teen FictionHe was just one of my dreams I couldn't reach. I had him already. But, shit happens in every relationship right? Will we still have that happy ending?