Jessica's POVBumalik naman kami ni Yana sa room ni Mio, natatakot na akong pumunta kahit saan na mag-isa. Baka... baka... may umatake na naman.
" Wag niyong hayaang lumabas si Jessica mag-isa. Nasan na ba siya?" -is that kuya? Punasok na naman agad kami ni Yana.
" Jess..." -biglang lumapit sakin si Nathan at hinila ako papunta sa side nila Leah na kumakain.
" Kumain ka muna." -sabi niya. Dapat nasa lugar ang kilig vibes diba?? Pero... di ko talaga mapigilan lalo na't si Nathan na to eh. Di ko na mapigilang ngumiti!!!
" Hey, listen y'all! I have something to say." -lahat kami napatingin kay kuya
" May tumawag daw, and we assumed na ito yung gumawa kay Mina."
" Mio, kuya."
" Okay, kay Mio. Sabi niya, iurong daw ang kasalan at ipawalang bisa ang engagement party niyo."
" WHAT?! Hindi pwede yun! Ilang taon ko ding hinintay to nuh. Siniswerte yata siya." -sabi naman ni Nathan. Hah? Ilang taon daw?? Ayieeee~
" Alam ko, at sabi pa niya, kapag hindi niyo daw gagawin, marami pa daw na mapapahamak. Hindi lang si Mio." -napatingin ako kay Mio. Am I willing to sacrifice the safety of my friends for my happiness? Chos. Haha! English yun, ah? Pero seryoso, willing ba ako?
" Jessica? Hoy." -niyugyog ako ni Leah.
" Nakikinig ka pa ba?"
" Aah, oo." -tumango ako sakanila.
" Look, Jess..." -napatingin ako kay Nathan habang hinawakan niya ang magkabila kong kamay at inilapit sa lips niya at hinalikan yun. Sheeez, man! Stop making me blush.
" Don't you dare choose the option of stopping our engagement. I have waited for this day, na maging tayo na. Yung hindi ka na pwedeng lumabas kasama ang ibang lalaki."
" Chos! Kahit si kuya lang man?"
" Excempted na siya dun. Pero, seryoso, hindi ko kakayanin kung mawawala ka na agad sa tabi ko. Hindi ko na alam papano pa ako mabubuhay."
" Ay, grabi! Ang cheesy bro!!" -Yano.
" Eeeeh!! Di bagay." -Patrick.
" Hahaha! Grabi, nakakainlove ka pala bro." -Kevin.
" Crush na kita dude! Hahaha." -Red. Lahat kami napatigil sa kakatawa at tinignan si Red. Crush pala ha? Hahaha!
" Yuck, Red! You serious?" -natatawang tanong ni Leah.
" Hahahaha!!!" -lahat na kami tumawa.
" H-ha? Ano b-ba? Hoy! Pure MALE to. Nakakaasar naman. Di ba pwedeng nag-jojoke lang ako? Diyos kooo~ may takot naman ako sa parents ko nuh! Itakwil pa ako ng daddy ko." -wow. Nakakatawa ang itsura ni Red ngayon. Hahaha!! Napatingin ako kay Nathan. Nakatingin din pala siya sa'kin. Ngumiti siya at ngumiti din ako. Nabigla nalang ako ng lumapit siya sakin at mabilis na hinalikan ang labi ko. Waaaaaaah!!! First kiss ko yun! My God. Oh My God!! Sheeeez. Ilang minuto na yata akong tulala dito. Eh sa hindi pa ako nakapag-get over eh. Gosh!! OMG.
" Sorry, nakakatempt ang ngiti mo kanina eh." -sabi ni Nathan habang nakangiti. Eeeeeh! Hindi naman ako nagrereklamo eh, shock lang. Hahaha!!!
" By the way, under surveillance ang bahay ngayon, Jess. Pati ang boarding house niyo ni Leah." -wow. Grabi naman ang safety namin ah.
" Di na muna ako uuwi, babantayan ko pa si Mio." -sabi ko.
" But-"
" Okay, kami rin." -napatingin ako kina Patrick.
" Come on, guys. Okay lang naman ako, eh. Baka mapuyat pa kayo."
" Psh. Ganyan ang barkada di'ba? Stick together till the end? Diba mga brad?" -tanong ni Patrick kina Red. Agad namang nagsi-agree ang iba.
" Haha! Well, then... dapat kayong mag-pledge ng pagkain dito. Nakakagutom mamayang gabi." -sabi ni Yana.
" Weeeeh? Ano kami financer?" -Red.
" Duh? Sige na, kayo naman lalaki dito eh. Delikado pa naman sa labas. Sige na??" --Yana pleaded.
" Psh. Sige na nga, pasalamat ka at gwapo kami." -Kevin.
" Hala, anong akala mo? Kasali ka? Kami lang nuh! Was assuming, dude!" -panunukso ni Red.
" Aba! Isa ka pa. Anong akala mo rin? Kasali ka? Excuse me nuh, sa banda natin ako lang ang pinaka-hot at pinaka-gwapo." -sabi naman ni Patrick. Hayssst... sana naman hindi na mawala ang ngiti samin.
Violet Hik's POV
So, hi. I really envy Jessica, she has everything. She has this good image, the wealth, her friends. And, Nathan. Sana naman masaya na sila ngayon.
Kasi, hindi na rin yun magtatagal. Makukuha ko rin naman si Nathan. HAHAHAHA!!! Yeah, I'm a hater. Mahal ko si Nathan. Mahal na mahal. Pero... of course, i need to move on. Joke lang naman na kukunin ko si Nathan nuh! I maybe an antagonist, but mahal ko siya eh. So, why would I take his happiness away from him, diba?
" Hah. Yeah? Oh. Well then, isunod niyo na yung Yana na yun. Isa pa yung bwesit eh. Nakuha pa niya si Zorren? Please, she's not worth dating." -i heard her voice. What the?
" What do you mean by that?" -nakita kong nabigla siya sa pagdating ko.
" I'll talk to you later." -binaba niya ang phone niya at tumingin sakin.
" I told you to stop whatever I just planned!"
" I hate seeing you like this. And that Jessica don't belong to be Nathan's, its you! Dont go soft-hearted towards them, Vio. You know our family's past. And they're the reason why I'm so angry."
" No, please. Can we just forgive them?"
" 4 years of agony, 4 years of being down. Ilang years tayong nagdusa sa pagkawala ng kapatid mo, and your telling me to stop? And forgive them?"
" Please."
" Sapat na ang isang nawala mong kapatid, ayaw kong pati ikaw mamatay sa kalungkutan. Na makukuha na naman ng isang Villania ang lalaking minamahal mo. Just wait, and I'll give your happiness, little sis." This is bad.
°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
BINABASA MO ANG
Aberrant Love
Teen FictionHe was just one of my dreams I couldn't reach. I had him already. But, shit happens in every relationship right? Will we still have that happy ending?