Jessica's POVPagkatapos namin sa wedding plan, dumeretso kami sa Mall. Mag-dedate na daw kami. Eeeeh!! This is it na, official first date namin. Pero, kami na nga ba? Hehehe. Fiance ko naman siya eh.
" Jess, gusto mo archade tayo?" -tanong ni Nathan kaya ngumiti lang ako at tumango. He smiled back, ang gwapo niya talaga. Siomai!!!
" Ano? Basketball tayo? Kapag ako manalo, mmmh..." -mukhang nag-iisip pa siya at ngumiti ng aso. Luh! Ano kaya ang pinag-iisip nito?
" Hala! Hoy, Nathan. Ano ba naman ang pinag-iisip mo diyan ha? Naku! Pag yan di maganda, patay ka kay kuya." -tumawa naman siya.
" Maganda naman kasi ang nasa isip ko eh. Hahaha! Tutal fiance naman kita, ituturo ko na sa'yo ang basic steps sa alam mo na." -tapos nag-wink pa siya sakin, kumalabog pa talaga ang puso ko nun. Anong basic steps? Sadyang greenminded lang ba talaga ako, o yun talaga ang pinapahiwatig niya? Eeeeeeh!!
" P-pano kung matalo kita?"
" Eh di ituro mo sakin ang alam mo na." -OMG. Yun ba talaga ang pinag-uusapan namin? As in?
" Sige, start na ako." -sabi niya at ngumiti pa sakin. Pesteng puso to, ang bilis!! My God. 49 shoots lahat. Boom! Pano ko pa kaya siya matatalo nun?
" Beat me, fiance." -nakangiti pa ang loko. Fudge, help me. Hinulog ko na ang tokken at nag-simula ng mag-shoot. Okay, relax. Relax! Sablay. Pudge!! Inhale, exhale- sablay. Naku naman eh. Hoooo~ nag-concentrate na ako pero nahagip ko si Nathan na nakatingin lang sakin at hindi sa game. Na-seself conscious ako.
" Game over." -sabi ni Nathan at lumapit sakin at umakbay. Sheez! Ang bango naman niya.
" 16 and 49, obviously I won. Hahaha!" -tumawa pa siya.
" E-eeh! Kasalanan ko bang mahirap yan. P-pwede wala nalang yung parusa? Sige na Nathan. Please??" -i pleaded. Pero ngumiti lang siya.
" Nope, as my soon to be wife, kailangan alam ko ang mga techniques nun. So, tara na?" -as his wife daw eh. Nag-lakad na kami palabas ng archade at dumeretso sa parking lot. Uuwi na daw kami eh, ituturo na daw niya yung yun. Papasok na ako ng kotse niya nang tawagin niyo ako.
" Jess..."
" Mmmh?" -he moved closer and hugged me. I feel so secured.
" Whatever happens, wag na wag mo akong iiwan ha? Mahal na mahal kita, hinintay ko ang pagkataong mayakap ka. Damn! Basta, wag tayong susuko sa kahit ano mang problema natin ha?" -he released me and cupped my face with his both hands. I looked at his eyes and answered.
" I promise."
Leah's POV
" Awww ang sweet naman." -bulong ko habang nakatitig kina Jessica at Nathan. Alam niyo na, yung plano namin hehehe! Kasama ko ngayon si Hiro. Magka-sub unit kami. Night shift daw sina Zorren at Yano.
" Mas sweet tayo sakanila, Leah. Wag ka nga'ng mag-selos diyan." -nakatutok naman si Hiro sa laptop niya. Naka-hack in kasi siya sa CCTV dito. Kaya kung may kakaibang pangyayari malalaman namin.
" Ayun, umuwi na." -sabi ko at umayos na ng upo, si Hiro naman, sinara na ang laptop.
" Oh? Anong gagawin natin ngayon? Susundan pa sila?" -tanong ko.
" Mag-dedate tayo."
" Wow, lakas mong mag-sabing ako ang nagseselos kina Jess, ikaw pala ang mas nainggit sakanila!"
" Tsss..." -namula pa ang mokong! Hahaha.
" So san tayo?" -tanong ko habang papalabas na kami ng parking lot.
BINABASA MO ANG
Aberrant Love
Teen FictionHe was just one of my dreams I couldn't reach. I had him already. But, shit happens in every relationship right? Will we still have that happy ending?