Chapter 21* Valentine's Day *

131 5 0
                                    

Chapter 21 * Valentine's Day *

Jessica's POV


Nakakainis. Yun na oh, eager na eager na si Nathan na makita niya ang fiance niya tapos mauuwi sa wala? Great. Akala ko ba mahal niya? Dapat ginawa niya lahat para magkita sila no matter what!


" Oh, inis ka na niyan?" well, kasi naman eh! Kaasar talaga.

" Bakit pala niya minove na naman?" tanong ko.

" May urgent meeting ang parents ng fiance niya, and he wont see her without her parents. Yung... ano nga tawag nun? basta. Yung hihingi ng permiso yung lalaki na pakasalan niya yung girl." aaah... I nodded. Ang arte pala netong si Nathan.

" Ay ano ba to. Umuulan?" tanong ko? Nasa bench kasi kami eh. Yung usual spot namin. Napatayo kami.

" OMG. Umuulan! Jess, takbo dun oh!" sigaw ni leah at tumakbo dun sa cottage ng Backstage Crew. Tumayo na ako at nilagay yung hood sa ulo. My eyes wandered on the scattered student in the venue. And my eyes landed on a boy. Isang 5 years old. Familiar. Nilapitan ko na siya. He looks like he's lost.

" Hey, san parents mo?" tanong ko at binuhat siya papunta sa cottage. Binaba ko siya at pinaupo sa long couch dun.

" Jess, towel oh." sabi ni Leah. Kinuha ko ito at pinunasan yung bata. Nanginginig na siya. Pinaikot ko sa kanya ang towel to losen some cold habang pinupunasan ko naman yung sarili ko.

" Sino yan? Long lost son mo?" tanong ni Leah, agad ko naman siyang binatukan. Kung anu-ano ang pinag sasabi netong babae eh.

" Sapak you want? Hindi ko nga siya kilala eh." sabi ko at tinignan yung bata. He's so familiar. may kahawig pa nga yang mga mata na yan. Parang kay Nathan... Wait! That does mean...

" Oy, bata. Ano name mo?" tanong ko sakanya. He looked at me.

" Im Nikko ate Jessica." he knows me...

" You look so familiar. Do you think we have meet somewhere?" tanong ko sakanya. Yumuko siya na parang nag-iisip.

" Ummm... yeah. I was sent to give you some letters from-"

" Nikko!! You made me worried." Nathan appeared and hugged Nikko. para nga silang mag-tatay. The question is... sinong nanay?

" Kuya! You disappeared. I got lost. Thanks to ate Jessica and she found me." sabi ni Nikko at tinuro pa ako. Napalipat tuloy ang tingin ni Nathan sa kin.

" Salamat Jess. I owe you one." i smiled kahit pilit lang. nag bye bye na sila sakin. Si Patrick pala ang kumakanta kanina sa All Time Band... Well, my questions are answered. Kapatid lang pala ni Nathan si Nikko. But, since si Nikko ang nagbibigay nung letter sakin... kanino pala yun galing?

" Jess, wala ng ulan. Sabi ni Mio, punta na tayo sa Performance Stage. VIP tayo." sabi ni leah habang nasa kamay ang phone.

" Tapos na ang date nila ni Yana?" tanong ko habang naglalakad na kami  papunta dun sa stage.

" Siguro..." ang tanging sagot sakin ni Leah. May bigla akong naalala...


' Nathan, gusto kita...'

Shems, nasabi ko na pala ang nararamdaman ko kay Nathan...
Pagdating namin dun sa may stage, hinanap namin sila Mio at yana. They were already sitting. Nasa first line, middle table sila. kaharap ng stage. Pwede na ngang maabot ang kumakanta eh. We made our way through the crowd hanggang sa naabot din namin ang table.

" Ho! Ang daming tao naman, parang kanina hindi naman gaano kasiksik diyan ah." sabi ni Leah ng nakaupo na kami.

" Duh... Ang All Time band na kasi eh." ha?

Aberrant LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon