Ten

6K 160 38
                                    


The happenings today were really overloading! Gosh.



Kaninang umaga, nalaman ko na kapitbahay ko na pala si Luke De Guzman. That was purely unexpected! Ano yun? Araw araw akong gigising knowing that Luke is just meters away from me tapos mamomroblema ako kung paano siya iiwasan? Frustrating as f-uck. I'll tell this to Daphne, she needs to know. Baka kasi isang araw pumunta nalang siya dito bigla tapos makita niya si Luke sa labas. Magtataka 'yun.




Speaking of Daf, I can't contact her, kanina pa and that's very unusual. Maybe she has changed her number or lost her phone but she will let me know naman kung sakali eh. I didn't have any single idea of what's happening to her. I'll give her a call nalang tomorrow or pupuntahan ko siya sa bahay nila. Baka ano nang nangyari sa babaeng 'yun. It's frustrating me too.




Ang tanging nakapagpasaya lang sa akin is that Kade was my neighbor too! I went to mall, and Kade was there din pala. Nakasabay ko pa siyang kumain. Tapos nagbasketball kami, natalo ako, kinantahan ko siya, hinatid niya ako pauwi at nalaman ko na kapitbahay ko din pala siya. I thought of what happened to us earlier was a date. Ayan, kinikilig nanaman tuloy ako.




Pero feeling ko talaga ang daming nangyari ngayong araw, lalo na sa mga 'kapit-bahay' ko na na hindi ko talaga iniexpect. Isn't that surprising?! Shocks. Can my gorgeous braincells relax for a minute?



Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama, aching arms wide open, closed my eyes, sighed several times.




I should sleep na. Dad, mom and Kirby will be home na tomorrow!


--



"Hey Bree, wake up!" someone's nudging me. Ugh! I'm too sleepy pa! "Ugly Bree!"




Ugly Bree?!




"What the hell, Kirby Brian!" napaupo agad ako sa kama ko. Oo, si Kirby ang gumigising sa akin, binato pa ako ng unan. Ugh! Nakaupo din siya sa kama ko.




"Tss. Fix yourself, Bree. You're disgusting." tumayo siya at binato ulit ako ng unan.




"Argh! Nakakadalawa ka na ah!" I tried to make hampas the pillow to him but my arms are so heavy. I groaned in pain.




"What happened?" Kirby's forehead knotted. And by his tone, I know he's concern. Ganyan lang talaga siya, akala mo walang pakiramdam.




"Masakit ang mga braso ko. I played basketball sa Arcades yesterday eh." tinatamad akong tumayo but I need to. I want to see dad and mom downstairs.




"Tss, weak."



"I'm not! Nabigla lang ang katawan ko!" pumasok ako sa CR at nagsimula nang maghilamos at magtoothbrush.




"Drink pain reliever, ugly Bree!" he shouted and I hear the door shut.



Napangiti naman ako. Sweet na siya sa lagay na 'yun. I told you, he has his own ways of showing his sweetness. Pero sobrang dalang niya lang talaga magpakita ng sweetness. Kakarampot lang yata ang sweetbones niya sa katawan.




Hindi katulad ko, I'm very sweet. Right? Right.



Pagbaba ko, naabutan ko si mommy at daddy na nakaupo sa sofa, cuddling as if they've been away from each other for years at ngayon lang ulit sila nagkita. Para silang teenagers kung maglandian-- I mean, maglambingan. Para bang hindi sila nagkakasawaan kahit ilang taon na silang magkasama at may mga anak na.



NWB II: Brianna The BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon