Five

8.1K 218 6
                                    



I was searching for that guy sa AM's Softies shop on internet the whole night. I even searched for their store pero walang lumabas. Siguro bagong bukas lang 'yung shop kaya wala pang blog or whatsoever. Kagabi ko lang din kasi nakita 'yon sa dinadaanan namin eh.





Morning came and I did my usual things. Another regular day. Habang nag-aayos ako ay biglang pumasok sa isip ko si Daf. Ano kayang nangyari sa kanila ni Luke kahapon? Daphne owe me a story. Naeexcite tuloy akong malaman kung anong improvement sa kanilang dalawa. Baka nga nasa Get-To-Know-Each-Other stage na 'yung mga 'yon eh. BUT! I need to know more about Luke, I don't even know his surname kaya. And I need to make sure he's good for my best friend for life.




Nilapit ko ang mukha ko sa salamin para makasigurado sa nakikita ko. WTF! Ang laki ng eyebags ko! This is surely because of surfing the internet last night! Awwwe. My eyes. Nagpuyat puyat pa ako pero wala naman akong napala. Hindi ko naman kasi alam 'yung pangalan ng lalaking 'yon kaya malamang di ko talaga siya masesearch. Stupid me.





"Manang! Gotta go. Bye!" paalam ko bago lumabas ng bahay. Wala padin sila mommy, I think Sunday pa ang dating nila. It's Tuesday palang kaya. Nakakamiss na sila, pati nadin ang lil brother ko. Nakakamiss yung kasungitan niya.





Naglalakad ako papunta sa kotse ng mahagip ng mata ko 'yung katabi ng bahay namin. "May nakatira na pala dyan?" out of nowhere kong naitanong. Nagulat ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si Mang Paeng.




"Yes po, ma'am. Kahapon lang po sila dumating dyan." sabi ni Mang Paeng habang nakatingin sa babaeng medyo may edad na na nagdidilig ng halaman ng katabi naming bahay. Nakasuot ito ng uniform na pang maid. Tumingin ito sa direksyon namin at ngumiti tapos nilagay yung nakalugay niyang buhok sa kanan niyang tenga. Napangiwi ako at tumingin kay Mang Paeng na titig na titig doon sa maid tapos ngumiti ng nakakaloko. Juice colored! Mukhang magkaka-inlove-an pa ang mga oldies na 'to.




"Hay nako Mang Paeng. Mamaya na ang pakikipagtitigan diyan, ihatid niyo na ako." sabi ko sabay pasok sa loob ng kotse. Nakita ko pang nag-wave si Mang Paeng tapos nagflying kiss saka pumasok sa driver's seat.






Sakto lang ang dating ko sa school. Wala pa namang prof pagpasok ko sa room, pero mukha ng nakasimangot na si Daf ang sumalubong sakin. Well, hindi na swaggy yung porma niya pero parang naka-'bitch mode: on' siya ngayon. Anong problema?




"Hi baby! How was yesterday? Kwento mo naman." cheerful kong sabi habang nilalagay ang bag ko sa upuan ko. Nangalum-baba ako sa desk niya at tumingin sa kanya ng nakangiti. Kumunot ang noo ko ng wala man lang siyang expression. Nakatingin lang siya sa board tapos magkasalubong ang kilay.




Uh-oh. Seems like she had a bad morning. Bitchy Daphne should not be disturbed by anyone-- even me-- when she's not in the mood. That's a lesson for life. I told you, you'll not like it when she's angry. Well, we're just the same.




"Maybe next time nalang." Umayos nalang ako ng upo at kinuha ang cellphone ko. I'll open nalang my facebook, iwas boredom. I have many friend requests, many messages and much more notifications.




I opened first the noti, puro nonsense, like at comments sa pictures, statuses and tagged photos. Duh, ang pangit ko kaya sa mga tagged photos. Tapos may mga game request pa! Nakakainis. Sinunod ko naman ang messages, puro pa-accept. I don't know you so I will not accept you. Lastly, the friend requests. I scanned the list kung may kilala ako para maconfirm na but one name caught my attention.




Luke De Guzman added you
Accept | Ignore




Luke De Guzman? Si Luke ba na swagger at ang Luke na 'to ay the same person lang? For me to make sure, I view his timeline. At oo! Siya nga 'to! Naka-sideview siya at nakasandal sa wall tapos naka-backward cap at black shirt siya sa display picture niya. Geez, ang cool niya talaga.




NWB II: Brianna The BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon