Sixteen

3.4K 129 67
                                    

Pagkatapos kong itext si Daphne, pinuntahan ko agad ang closet ko at naghanap ng masusuot. What should I wear? Dress? Gown?


Gown?! You're crazy, Bree. Dinner lang 'yon at hindi magarbong celebration. Ugh! What to wear? What to wear? Should I be casual nalang? Since nandito lang naman sa bahay. There's no need to wear formal clothes. Geez.



Nakahanap ako ng puting short at maroon na oversized tee. Nag-isip pa ako sandali kung 'yun ba ang susuotin ko. Sa huli ay naligo ako at sinuot 'yun pagkatapos. I'm beautiful, anyway! Kaya kong dalhin kahit simpleng damit.


Ilang minuto pa akong nasa kwarto at nagsshare ng feels kay Daphne bago magpasyang bumaba na. Pagkalabas ko palang ng kwarto ay bumilis na agad ang tibok ng puso ko. Asan kaya si Kade? Nasa sala parin kaya? Okay lang ba ang itsura ko? Eh ang suot ko? Teka, nakapagpabango ba ako? Ayos lang kaya 'tong buhok ko? Ah! I'm so done with this. This is not so me!



Pagkarating ko sa sala ay nandoon padin sila. Kahit likod lang ni Kade ang nakikita ko, bumibilis padin talaga ang tibok ng puso ko. Nakakatakot na, parang lalabas na siya sa dibdib ko.


"Hey, Bree. Wanna play?" sabi ni Kade ng mapansin ako. Itinaas niya ang controller. Umiling agad ako habang palapit sa kanila.


"Hindi naman marunong 'yan." sabat ni Kirby sabay ngisi sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Nako, ha! Wag mong subukang ipahiya ako sa harap ni Kade! Makikita mo ang hinahanap mo.



"Shut up, I can play better than you. Tinatambakan nga kita palagi diyan." Umupo ako sa tabi niya. Si Kade ay nakaupo sa one-seater habang kami ni Kirby sa mahabang sofa.


Alam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko ata siya kayang lingunin. Parang anytime mapapayakap nalang ako sa kanya bigla sa sobrang tuwa. Umupo lang ako ng diretso at diretso lang din ang tingin. Nilagay ko sa hita ko 'yung throwpillow at pinagtuunan ko nalang ng pansin ang cellphone ko. Hindi ko talaga alam kung anong ikikilos ko lalo na't nasa gilid lang siya at katabi ko pa ang kapatid ko.



"Isang beses lang 'yun, tapos hindi mo na ulit ako natalo. Weak!" pagyayabang nanaman ng kapatid ko. Minsan naiisip ko na ipinanganak siya para lang bwisitin ako. If it wasn't for Kade, I would have kick him in his ass!



"Isang beses ka lang kamo nanalo sa akin!" ganting asar ko.


"Stop telling lies. You're weak, Bree."


"No, you are."


"No, you are." he mimicked my voice.


"Are you fighting again, Brianna, Kirby?" narinig kong sigaw ni mommy galing sa kusina. Sinamaan ko ulit ng tingin si Kirby at ganoon din siya sa akin. "Mahiya nga kayo kay Kade. Nag-aaway pa kayo sa harap niya. Mahiya kayo sa bisita."


Bigla kong naalala na nandito pala si Kade! Nawala sa isip ko dahil sa pambubuwisit ni Kirby. Oh my, he might think I'm so childish. Ugh! This is all Kirby's fault!


But when I look at Kade, amusement is all over his face. I apologized for fighting with Kirby in front of him, he said it's okay. Ganoon din daw sila minsan ng kapatid niya na babae. At ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siya! Mas matanda kaya sa kanya? O mas matanda siya? Hindi ko na natanong kasi tinawag ako ni mommy.



"Bree, can you fan this for a while? Kukuhanin ko lang sa Tita Amanda mo yung marinated na barbecue sa loob." utos ni mommy sabay abot sa akin ng pamaypay. Bakit hindi nalang sila gumamit ng electric fan? Mas makokontrol ba ang pagiihaw kapag pinapaypayan lang?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NWB II: Brianna The BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon