5: "Palasyo ni Lin" (2/3)

1.1K 42 0
                                    

Ang mismong lalaking iyon ang nakasugat sa kanya at itinulak siya pababa sa bangin. Kung hindi dahil sa mga punong tumutubo sa tabi ng bangin na humadlang sa kanyang pagkahulog, hindi siya magkakaroon ng pangalawang pagkakataon sa buhay.

Hindi pagpapakamatay, ngunit pagpatay.

Mabilis na nagmuni-muni ang isip ni Jun Wu Xie sa kalagayan.
Kung ang nakamaskara na lalaking nakaitim ay ang Pangalawang Prinsipe mismo. Kung hindi siguradong may kaugnayan ito sa kanya sa isang paraan na kaya niya o iba.

Malaki ang naiambag ni Jun Xian sa pagpapalawak ng mga hangganan ng Kaharian kasama ang kanyang mga piling hukbo - ang hukbong Rui Lin . Walang ibang gustong magkagusot sa kanila maliban na lang kung nililigawan nila si kamatayan! Maging ang kasalukuyang Emperador ay magalang kay Jun Xian.

Tinatrato pa rin ng Kanyang Kamahalan ang Palasyong Lin nang may labis na pangangalaga ngunit kitang-kita ang paghina ng pamilya Jun. Si Jun Xian ay may dalawang anak, ngunit ang isa at namatay at ang isa ay may kapansanan naiwan lamang ang isang walang Silbi si Jun Wu Xie. Na tanging nakakaalam paano mapanatili ang kanyang ilong sa ulap. Ang kinabukasan ng pamilyang Jun ay madilim.

Masasabing ang Palasyong Lin ngayon ay isang papel na tigre, ang pangunahing maimpluwensyang si Jun Xian ay mahigit pitumpung taong gulang na.

Kung tutuusin ay napakarami na niyang pinagdaanan lalo na't pagkatapos ng malaking digmaang iyon na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang panganay na anak at baldado ang kanyang nakababatang anak, lahat ng paghihirap ay nagdulot ng paglala ng kalusugan ni Jun Xian kasama ng paminsan-minsang mga sakit at edad nito, natakot siya na wala nang maraming oras na natitira. Nitong huli, ang maharlikang pamilya ay mas tahasang kumikilos patungo sa palasyo Lin.

Ang engkwentro ni Jun Wu Xie ay maaaring ang mga pasimula ng Maharlikang pamilya patungo sa palasyong Lin.

..'Malinaw na ang pangalawang prinsipe ay hindi na naging tapat patungkol sa palasyong Lin at nangahas na kumilos nang walang pakundangan.'
Bulong ng itim na pusa.

Noong una ay iniisip ng itim na pusa na ang kanyang Master ay muling isisilang sa isang mabuting tahanan, ngunit hindi niya inaasahan na masangkot sa ganoong sitwasyon kung saan kailangan pa niyang lumaban para sa kanyang sariling kaligtasan.

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie ng kaunti.

Ang maliit na pusang itim ay agad na bumaluktot na parang bola, at ibinaon ang ulo sa pagitan ng pares na mabalahibong mga paa nito.

Nang makitang tahimik ang kanyang apo, Tumingin siya nang buong pagmamahal kay Wu Xie at sinabi:
"Ayos lang, basta't nakabalik ka ,wala nang dapat ipag-alala ngayon dahil gising kana, magpahinga ka ng mabuti, kung may kailangan ka, tawagin mo ang kapatid mo, Hahayaan ko ang kuya mo na mag-alaga sayo!."

'Kuya'?
Walang alaala ang katawang ito tungkol sa pagkakaroon ng kuya.

Hinanap ni Jun Wu Xie ang mga alaala ngunit wala siyang nakitang "kapatid". Si Jun Xian ay may dalawang anak lamang, ang panganay na anak ay ang kanyang ama, habang ang kanyang ina ay namatay pagkatapos niyang ipanganak si Jun Wu Xie. Sa nakamamatay na digmaang iyon, nawalan siya ng ama sa madugong larangan ng digmaan at ang kanyang tiyuhin ay malubhang nasugatan at naging baldado.
'Kung gayon sino kaya yon?'

.."Wu Yao, pumasok ka at alagaan mo ang iyong kapatid na babae, Aalis muna ako saglit." Tawag ni Jun Xian.

Itinulak ang pinto at nakita ang isang matangkad na lalaki.

Napatingin siya sa kanyang "kapatid" na may pagtataka.

Katangi-tanging guwapong mukha tulad ng pinakaperpektong gawa ng Diyos, ang magnetikong pares ng mga mata na kasing dilim ng gabi.

"Opo Lolo, 'Kaptid, oras na para inumin ang iyong gamot. " Ngumiti ang lalaki.

Tumango si Jun Xian na may kasiyahan, paulit-ulit niyang pina - alala kay Wu Xie na magpahinga bago niya iniwan ang magkapatid na ito.

Sa isang dulo ng silid ay nakatayo si Jun Wu Xie at sa kabilang dulo ay nakatayo ang isang nakakasilaw na kapansin-pansing si Wu Yao.

Sa sumunod na sandali, isang itim na anino ang sumilay sa katawan ni Wu Xie at sa harap ni Wu Xie ay nakatayo ang isang maliit na itim na pusa ang mabangis na nagbabantay sa kanya habang nakatayo ito sa tabi ng kama at ang maliit nitong bibig ay bahagyang nakakunot na nagpapakita ng matatalas na ngipin habang ito ay sumisitsit.

Si Jun Wu Yao ay kaswal na nakatingin sa maliit na sumisitsit na pigura habang dahan-dahang naglalakad at marahang hinila ang upuan habang siya ay umupo sa upuan at pinagkrus ang kanyang mga paa, tuluyang dumapo ang kanyang tingin kay Jun Wu Xie., at sinabi:
..."Inumin muna ito habang mainit pa"...

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon