Great, Just Great

35 1 0
                                    

Agad kong pinindot ang VIP elevator na nakalaan lang para sa'kin at sa mga staffs lang dito sa school. Yung mga regular students naman, escalator. Pero, meron din namang mga stairs, for emergency use nga lang.

Whoa. Buti na lang at nakatakas ako sa fan club na yun. Tsk, daig ko pa artista sa ka gwapuhan ko.

Yung sinabi kong problema ko ang pagiging gwapo, totoo yun. Mahirap talaga. Katulad nung kanina. Hay. Napatingin ako sa reflection ko. Inayos ko ang sarili ko bago muling bumukas ang elevator. Nasa 3rd floor ang klase ko ngayon.

Air-conditioned ang rooms namin dito para sa convenience ng mga estudyante. Eh, ang init-init naman kase. Napatingin ako sa relo ko. Patay! Late ako.

Kahit na ako ang may-ari sa school na ito, rumerespeto pa rin ako sa rules ng mga teachers dito. Hindi ko ugali na sadyaing ma-late dahil lang sa mayaman ako at ako ang may-ari ng school na ito. Hindi ako katulad ng ibang rich brats dyan ano.

Pumasok na ako sa room. Napatingin ang prof ko sa'kin. 3rd yr BS in Accountancy ako ngayon kung hindi pa ninyo alam at consistent dean's lister. Hah, na turn-on kayo no?

"Good afternoon sir. I'm sorry that I was late. I've got some urgent business to do that's why I was not able to make it in your class on time", paliwanag ko.

"Parang galing ka ata sa gyera ah. HAHAHAHA. Okay, I understand Mr. Anderson. You may take your seat dahil meron lang akong announcement. After this, the class will be dismissed", nakangiting sabi ni prof.

Alam naman kasi nila na busy ako at minsan ay napapasubo sa mga fans ko. Umupo ako sa tabi ng mga ka-'tropang kulitzxs' ko. Sina Vince, Oswald, Gilbert, at si Crystal na pinsan ko (dad's side).

"Haggard mo, pre", natatawang sabi ni Vince sa'kin.

"Pero mas gwapo pa rin ako sayo", I smirked.

Naputol ang kalokohan naming ng magsimula ng mag-anunsyo ang Prof.

"Class, bukas na pala yung field trip na'tin gaya ng napag-usapan na'tin last month. At, juniors and seniors lang ang andun. Are you ready?"

Hala. Oo nga pala. Field trip na bukas. Ano kaya ang mga dadalhin ko? Nakalimutan kong mag-prepare last week.

Naputol ang pagpaplano at pakikinig ko nang biglang nagsalita ngunit mahina si Crystal.

"Ayon sa research ko sa lugar na pupuntahan na'tin, mayroon dawng diwatang gumagala roon, ang sabi naman ng iba ay white lady, o di kaya'y halimaw na nagbabalat-kayong isang babae, tapos sabi naman ng iba ay isang mermaid na naging tao. Iba-iba ang description nila, but all of them stated na napakaganda daw nya at kaakit-akit. Dahil sa kahali-halina ang nasabing nilalang, they suspected na hindi ito isang ordinaryong nilalang lamang. Minsan na rin daw itong nagpamalas ng kapangyarihan", paglalarawan ni Crystal.

Napanganga ang tatlong mokong sa sinabi ni Crystal. Ako naman ay napaisip lang. Sabagay, medyo mabukid ang lugar na iyon at siguro ay paminsan-minsan lang nakakakita ng maganda. Napahagikhik na lang ako nang maisip ko na pupunta nga pala ako dun bukas at baka pagkamalan nila akong isang anghel. Napailing na lang ako sa naisip.

"Ba't ka tumatawa-tawa dyan?", nakasimangot na tanong ni Crystal.

"Wala kasing kakwenta-kwenta yang research mo. Nagsayang ka lang ng effort! As if naman totoo yan no. HAHAHAHAHAH. Niloloko ka lang nila, ang easy mo naman kasi eh", sabi ko sakanya.

Pinipigilan ko lang tumawa ng malakas since nasa klase pa kami. Natigilan ako ng makita kong maiyak-iyak na ang pinsan kong si Crystal. Damn, umandar na naman ang pagka-pikunin nya.

"O-oy, Crystal. Wag ka ngang umiyak dyan. Napakaliit na bagay lang yun n-no. Ha-ha-ha", pag-aalo ko sakanya. Pikunin na talaga 'to si Crystal pero mahal ko 'tong pinsan ko.

Pinagtitinginan na kami ng whole class ngayon. Pati si prof ay napailing na lang.

"Class dismissed", prof declared. Hindi ko na napakinggan si prof dahil nga nag-usap usap kami rito.

"Go away. Hindi kita kilala", pagtataboy sa'kin ni Crystal habang inaayos ang gamit nya. Nagsilabasan na ang ibang mga estudyante.

Okay, fine. Alam kong harsh yung pananalita ko kanina at natawag ko pa syang 'easy' which is medyo offensive.

Napakamot na lang ako sa ulo. Ugh.

"Pre, ayusin mo yan. Masama pa naman yan mapikon, ay este, magalit", sabi ni Oswald.

I glared at him and gave him a i-know-right-i'm-not-that-stupid look.

"Fine. I'm sorry. Pa'no ba ako makakabawi sa pinakapaborito kong pinsan sa buong mundo?", tanong ko sakanya na may kasamang pambobola. Kilala ko si Crystal. Di nya palalampasin ang kamalian mo hanggat hindi ka gumawa ng paraan para bumawi.

"Hmmm", umakto sya na parang malalim ang iniisip.

Alam kong hindi madali to. Please, please, please Lord, don't let Crystal think of some stupid idea to punish me.

"Find the mystery girl that I was talking about earlier without any help. You're on your own, Khail. I know naman that you are smart enough to find her during field trip natin. Okay? No buts, Khail", Crystal said.

"No way!", angal ko.

"Gagawin mo o sasabihin ko kay Tito Khalil at Daddy na nasira mo ang ilang sasakyan nila dahil sa pagpa practice driving mo last week? At lahat ng kalokohan mo!", banta nya.

Natatawa na lang ang three idiots.

"I guess you have to do it, dude", Gilbert stated.

My jaw dropped. I looked above and uttered 'Great. Just great.'

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Author's note:

Sofia Andres as Crystal Anderson :)

Here we go. 1-2 chapters to go before maipakilala ko na sa inyo ang leading lady.

Stay tuned, folks!

- Yours Truly

My One of A Kind LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon