Coincidence or not?

9 0 0
                                    

"Ah, Zeno. Ba't nga wala si Oswald kanina?", tanong ko kay Zeno. Nasa loob kame ng kotse nya at papauwi na rin kami.



"SC President kasi yun eh. Busy", sagot nya saken habang ngumunguya ng french fries. Ang takaw takaw talaga ng mokong na'to.



Hindi na ako nagsalita pa. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung sino ang lalaki na yun. Ang mga mata nya.. katulad ng sa akin. Pero bakit nag shift ito sa black? Galit ba sya? Sa pagkakatanda ko, hindi naman. Eh bakit nga nagshift?! 


Nakakunot na naman ang noo ko habang nakatitig sa bintana ng kotse. Siguro ay namalikmata lang ako. Siguro nga. Siguro nga hindi pa ako sanay sa contact lens ko kaya ganun. Chill, Mia. Chill. Huminga ako ng malalim at pumikit na.


  "And that I'll fight my corner,
Maybe tonight I'll call ya,
After my blood turns into alcohol,
No, I just wanna hold ya.

Give a little time to me or burn this out,
We'll play hide and seek to turn this around,
All I want is the taste that your lips allow,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, oh give me love"


Narinig kong kumakanta si Zeno. Teka, si Zeno ba yun? Agad kung binuksan ang mata ko. Nilingon ko si Zeno na nasa kanan ko. May hawak hawak syang ukulele na kanyang pinapatugtog habang kumakanta. Ito yung ukulele na binigay ko sakanya last week na parati na niyang dinadala sa school. Ewan ko ba, na hook ata.


  "Give me love like never before,
'Cause lately I've been craving more,
And it's been a while but I still feel the same,
Maybe I should let you go,

You know I'll fight my corner,
And that tonight I'll call ya,
After my blood is drowning in alcohol,
No, I just wanna hold ya.

Give a little time to me or burn this out,
We'll play hide and seek to turn this around,
All I want is the taste that your lips allow,
My, my, my, my, oh give me love"


Tinitigan ko sya ng matagal. Wow, his voice was captivating. Ang ganda. Powerful pero ang gentle pakinggan. I gulped in fascination. Replay, please!


"Oh, natulala ka dyan?", tanong ni Zeno. I glared at him and he laughed like a retarded seal.


"Ba't ka tumatawa dyan?", sumbat ko sa kanya habang tumatawa ng malakas. Letsugas, ba't ang sexy nya tumawa?! I rolled my eyes in disgust. Nandidiri ako sa sarili ko. Kung bakit ba naman kasi ako na-fall sa bestfriend ko.


Maya-maya'y nag ring ang phone ni Zeno. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag. Nagtaka ako nang ngumisi siya maya-maya.


"Mimi?! Talaga? Uuwi ka nang Pilipinas bukas?", masayang-masaya niyang tanong sa isang taong nagngangalang Mimi.


Sino ba 'yang Mimi na yan? At bakit Mimi ang pangalan niya? Alam ko naman na hindi lang ako ang nag-iisang Mimi sa mundong ito. 


"Sige ba! E text mo lang saken kelan ang flight mo ha? Ingat, Mimi ko!"


Kumulo ang dugo ko. Dafuq? Mimi ko?  Tama ba ang narinig ko? Naramdaman kong nag-shift ang kulay ng mga mata ko. Panigurado akong kulay black na naman ito sa ilalim ng contact lenses ko.


Napatitig na lang ako sa bintana ng kotse habang nakagat ang labi. Hindi ko namalayang nakayukom ang aking kamao.


"Mare, baka hindi ako makapasok ng school bukas. Mag-ingat ka na lang dun ha?", sabi ni Zeno sa akin.


"Bahala ka sa buhay mo", malamig kong sabi sa kanya. Gustong-gusto kong tanungi kung sino ba yung Mimi na yun. Syempre, kapangalan ko eh. Sino ba naman ang hindi magtataka?


Gusto ko mang tanungin sya ay hindi ko na ginawa. Baka magmukha akong pakialamera masyado.


Pagkarating namin sa bahay ay bumaba na agad ako. Hindi naman masyado halata na iritang-irita na ako no?


Nakita ko si Tito Khalil na naghihintay sa sala. I walked towards him at nagmano. He's like a father to me now.


"Hello po, Tito. Kararating lang po namen.", sabi ko sakanya.


Dumating din si Zeno sa sala. "Grabe, may lakad ka Mia? Nagmamadali?", sabi niya sa akin. I glared at him. Annoying.


"Maupo muna kayong dalawa at mayroon akong ipapakilala.", anunsyo ni Tito Khalil sa amin.


Umupo naman kami ni Zeno pero hindi ako tumabi sa kanya. Malaki yung sofa kaya dapat i-enjoy ko rin muna.


"Sky, halika at magpakilala ka na sa kanila", sabi ni Tito Khalil.


Pagkasabi nya nun ay mayroong isang pamilyar na lalaking pumunta sa harapan namin. Kung hindi ako nagkakamali ay sya yung lalaking nabangga ko patungo sa CR kanina. 


Yumukod sya sa akin at hinalikan ang aking kanang kamay. 


"It's nice to see you again, milady", dahan-dahan niyang itinaas muli ang kanyang ulo at ngumiti sa akin.


"Mia, this is Sky. Your personal body guard.", pakilala ni Tito Khalil sakanya. Napatitig na naman ako sa kanyang mga mata. At tulad ng aking inaasahan, tama ako. Naging kulay violet ang kanyang mga mata at bumalik sa pagiging itim. Tila pinaglalaruan yata ako ng kanyang mga titig.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My One of A Kind LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon