Test of Courage

36 1 0
                                    

I'm on my earphones when we have arrived at our destination. Wow, this place is good.

Pinababa na kami para mag check-in sa hotel dito. Sabay sabay na kami nag check-in nila Oswald, Gilbert, Vince, at Crystal. Agad kaming na-accomodate dahil ang hotel na ito ay pag-aari ng mga magulang ni Gilbert. Magkakatabi ang rooms naming apat. Yung mga ibang kasamahan namin ay ina-arrange muna ng mga teachers. Nagpaalam na muna kaming lima sa teachers para makapagpahinga. Buti na lang at pinayagan kami.


Habang papunta na kami sa aming mga rooms ay kinulit ako ni Crystal.

"Khail. Yung sinabi ko kahapon ha?"

"Aysh. Crystal naman e. Tsk", reklamo ko.

"Lagot ka talaga sa'kin pag di mo sinubukan. Sige na, Khail. May Test of Courage tayo bukas sa isang gubat dito kung saan daw gumagala yung diwata. Chance mo na yun, di ba? Sige na, try mo lang. Promise di na kita kukulitin tapos ipapa-bake kita ng pastries kay Mama for 1 month supply. Oh, ano?", alok nya.

"Talaga? 1 month supply? Libre?", tanong ko. Nagmamay-ari kasi ng restaurants at bake shops sina Crystal na well-know for its high-quality service and product. At, gustong gusto ko rin yung mga recipe ng mama nya.

"Yeah, dude. You have my word", nakangiti at taas-babang kilay na sabi sa akin ni Crystal.

"Sige, sige. Susubukan ko lang hanapin, okay?"

"Yehey! Hahaha! Finally!", parang nanalong sabi ni Crystal.

Napakahilig kase ni Crystal sa mga mythical creatures. Meron ngang isang malaking book shelf sa library ng bahay nila na ang mga laman lang ay books about mythical and supernatural creatures. Napaka weird talaga ng babaeng to.

▶▶

Hay. Nakakapagod naman tong field trip. Gabi ngayon at nagsisimula na ang Test of Courage. Time check: 6:45pm. Nakapag dinner na kami kanina para may energy daw sa activity na ito.

Mga BS in Accountancy juniors and seniors lang muna ang naririto. Tig-apat ang papasok sa area ng activity. Dalawang juniors at dalawang seniors. Mayroong dalawang entrance, sa kaliwa at sa kanan. Random ang pagpipili kung sino ang isasalang. Bubunot lang ng pangalan ang mga teachers.

Maya-maya'y nakarinig kami ng sigaw. Natatawa na lang mga teachers dahil dito. Sya nga pala, si Vince yung sumigaw. Kasama nyang pumasok doon si Crystal.

Speaking of, nakabalik na sila. Flashlight at alarm button lang ang ipinapadala sa nga sasalang. According to the teachers, meron dawng finish line dun sa area, pag nakarating ka na dun, pwede ka nang bumalik. Meron din daw mga signs na magtuturo ng directions kaya hindi raw kami mawawala.

Humahagalpak ako sa katatawa sa itsura ni Vince dahil napaka putla nito. Natigilan lang ako nang isa sa natawag na ipasasalang ang pangalan ko.

"From 3rd yr: Mr. Anderson and Ms. Guevarra. From 4th yr: Mr. Mendoza, and Ms. Quezon. You may proceed", deklara ni Prof

"Good luck, bro", nang-iinis na sabi sa akin ng three idiots at Crystal.

I just smirked and left them. Kumanan na ako kasama si Ms. Guevarra o Gabriella ata. Isa syang nerd pero hindi naman pangit. Simple lang sya kaya at conservative kaya wala akong problemang kasama sya.

▶▶

Lakad lang kami ng lakad. Merong mga nanakot na sumasalubong pero poker-face lang ang abot nila sa akin. (~_~メ)

Maliban na lang kay Gabriella na sigaw ng sigaw at kulang na lang ay himatayin. Hahahahaha. Sorry na lang sa kanya, hinahanap ko kase yung tinutukoy ni Crystal. Baka sakaling mahanap ko, eh di meron na akong 1 month supply ng pagkain! Bwahahaha. San na nga ba yung diwata na yun? AYSH. Kalokohan nga siguro yung pinagsasabi ni Crystal.

Hindi ko namalayan na medyo naiwanan ko si Gabriella.

"AHH! K-KHA---", narinig kong sigaw ni Gabriella.

Napalingon ako at nagtaka nang wala na sya sa likod ko. Dun na ako kinilabutan. Eh kanina sumigaw sya, di ba?

"Gabriella?"

Lumingon lingon muna ako, nagbabakasakaling mahanap ko sya.

"San na ba ang babaeng yun?"

Sinubukan ko na syang hanapin pero wala pa rin. 30 mins have passed. Sh*t, dapat nakaalis na kami rito eh!

Hinanap ko ang alarm button na nakakabit sa akin. Sinubukan kong pindutin ito.

Pero, ang masaklap, hindi ito gumana. Tinesting namen kanina at gumana naman. Damn. Pinagpapawisan na ako sa kaba. Eh kase, ba't sa lahat ng panahon, ngayon pa?! Nagmistulang horror movie ang buhay ko.

Aalis na sana ako para bumalik at sabihin sa mga teachers na nawawala si Gabriella.

Nang biglang may pumukpok sa ulo ko at tuluyan na akong nawalan ng malay...

"Bingo", narinig kong sabi ng isang lalaki.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Author's note:

Okay guys. Hindi si Gabriella o Ms. Guevarra ang leading lady. Pero malapit nyo na syang makilala! ▔□▔)/▔□▔)/▔□▔)/

And also! Change of character po tayo kay Mikhail Zeno. I decided to put DO KYUNGSOO as Mikhail Zeno Anderson of this story. What do ya think? ;)
- yours truly

My One of A Kind LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon