My Hero

11 0 0
                                    

Mikhail Zeno's POV



"Zeno, wake up"



"Hmmm, don't wanna", I groaned. Mas siniksik ko pa ang ulo ko sa ilalim ng unan.



*pak* *pak*



"Aray, Mia!", mangiyak-iyak kong sabi nang paluin ako ni Mia sa pwet. Hindi pa kaya ako napapalo sa pwet. ╯︿╰



Bumangon ako at napaupo. Kinusot-kusot ko yung mga mata gamit ang kanang kamay ko at hinimas-himas ko ang pwetan ko gamit ang kaliwang kamay dahil medyo masakit pa. Huhu



"Gising na kase! May pupuntahan tayo", sabi ni Mia.


"Ba't mo 'ko pinalo sa pwet?", tanong ko.


"Wala lang. I like your butt eh", she bluntly answered.


I grinned. "Weh? Pwet lang? Hahahahaha ang manyak mo talaga- ARAY!", napasigaw ako nang kurutin nya yung tenga ko.



"Maligo ka na dun. Bilisan mo dahil lalabas tayo sa gubat na 'to"


"Bakit?", tanong ko.



"Nararamdaman kong may mga taong papasok sa gubat na 'to. Marami sila. Ewan ko bakit, mas mabuti na ang mag-ingat", sabi nya. I nodded and stood up.



▶▶



"Hurry up! Ang bagal mo!", Mia yelled. I rolled my eyes.



"What do you think of me? A superhuman like you?"



She is wearing a white jacket with hood in it paired with black skinny jeans and white sneakers. Naka-shades din sya to hide her unique eyes.



Hingal na hingal ako. Ang lawak din naman kasi ng gubat na 'to at kani-kanina lang kami tumatakbo at naglalakad. Mia is few meters away from me. Iba talaga pag superhuman ka no?



Napasandal ako sa isang puno. Hinihingal pa din ako at pawis na pawis. Mayamaya'y nakita kong palapit si Mia sa akin. Dala-dala nya ang travelling bag nya at mula doon ay inilabas nya ang isang bottled water. Ibinigay nya 'to sa akin. Tinanggap ko ito at ininom.



"Zeno, malapit na sila. Pa'no kung maabutan nila tayo? Naghiwa-hiwalay sila, ramdam ko yun. Pa'no kung yun yung mga taong nagtapon sa'yo rito sa gubat na duguan? Pa'no kung ako ang pakay nila? Kaya ko silang harapin pero pa'no ka?", she said full of concern. I closed my eyes and nodded.

My One of A Kind LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon