6: "Palasyo ni Lin" (3/3)

769 31 0
                                    

Mahinahong tiningnan ni Jun Wu Xie ang kaakit-akit na lalaki na naglabas ng isang mapanganib na katangian - ang lalaking nag-aangking 'Kapatid' niya. Ang palasyong Lin ay hindi kailanman nagkaroon ng Jun Wu Yao sa rehistro ng pamilya. Ang lalaking iyon na nakaupo sa upuan ay ang mismong lalaking iniligtas niya mula sa kuweba noong araw na iyon ngunit ang kaibahan lang ay ang pares ng malalim na matang lila ay itim na ngayon bilang obsidiyan.

..."Ikaw?..bakit ka nandito?"... tanong niya na malamig ang pakikitungo habang nakatitig ito ng masama sa kanyang mga mata.

Binigyan siya ni Jun Wu Yao ng isang kaswal na sulyap sa gilid habang itinukod niya ang kanyang baba, bahagyang nakataas ang kanyang kilay at nakakulot ang kanyang mga labi paitaas sa panunukso na paraan habang nakatitig siya pabalik sa mapangahas na babaeng ito.

..."Niligtas mo ako, Nandito ako para bayaran ang Utang ko' pagbabalik ng aking pasasalamat"... Sagot ni Wuyao.

..."Hindi na kailangan"... ganti ni Wuxie

..."Sa kasamaang palad, ang pagpipilian ay hindi sa iyo."... binato niya ito ng palaisipan na ngiti.

Kumunot ang kilay ni Jun Wu Xie. Delikado ang lalaking ito! Anong panlilinlang lang ang ginamit niya? nagawa pa niyang kumbinsihin si jun xian na apo niya ito.

..."Sino ka ba talaga? anong ginawa mo sa mga tao ng palasyong Lin ?"...

Bahagyang ngumiti si Jun Wu Yao sa kanya at itinaas ang kanang kamay para ipakita ang maliliit na parang buhok na ahas na nakapulupot sa dulo ng kanyang mga daliri.
..."Wag kang mag alala, Inilagay ko lang itong maliliit na bagay sa katawan nila at ginamit ang mga ito upang baguhin ng kaunti ang kanilang mga alaala. Makatitiyak na, hindi ko sasaktan ang sinuman dito."...

Laking gulat ng maliit na pusang itim.

'Anong klaseng demonyo ang nailigtas ng amo ko sa pagkakataong ito? Gayundin ang mga nilalang na ahas na parang buhok na itim ay may likas na alisto! Hindi sila dapat gawing laruan! Maaari itong pumasok sa katawan ng isang tao at maaari din baguhin ang mga alaala ng tao?'

..."Itong kuting ba ang iyong kontraktwal na espiritu?"... Tanong niya habang natutuwang nakatingin at pinag-aralan ang iba't ibang ekspresyon ng itim na pusa.

..."Walang kinalaman sa'yo 'yan."... Pagkutya niya.

..."Bakit ang lamig mo sa akin, mahal kong kapatid?"... Siya'y tumawa nang marahan.

..."Hindi para sa iyo ang lugar na ito, oras na para umalis ka."... Saad niya. Ang kanyang sariling isipan ay na guluhan. Masyadong mapanganib ang lalaking ito. Walang magandang mangyayari kung mananatili siya dito sa palasyong Lin.

Nang ibinaba ni Jun Wu Yao ang kanyang boses at ngumiti, ang biglaang paglakas ng kanyang kapangyarihan ay naramdaman habang ang mga itim na ahas na parang buhok ay nagsimulang sumayaw na ligaw sa kanyang mga daliri. At Sinabi: "Huwag kang maging walang puso, iniligtas mo ako, basta't hayaan mo akong manatili para makabayad sa utang ko Kung hindi mo man lang matanggap itong hamak na munting kahilingan ko, kaya ko lang sirain ang maliliit na bagay na ito sa katawan ng iyong palasyong Lin... Kaya lang... Kung ang mga ito ay sapilitang winasak mula sa loob, natatakot ako na baka sila ay magdusa...iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa palasyong Lin?"

..."Tinatakot mo ba ako?"... Pinikit ni Jun Wu Xie ang kanyang mga mata.

..."Hindi, ito ay isang kahilingan."... sagot niya habang nakataas ang labi.

'Hiling?' Kung hindi siya pumapayag, papatayin niya ang lahat? Ito ba ang itinuturing na isang kahilingan?

..."Huwag kang masyadong kabahan, wala lang akong mapupuntahan, pagdating ng panahon, Ako'y lilisan din. Bago ako umalis nais ko ring suklian ang iyong kabutihan, Masisiguro ko sa iyo na wala akong sasaktan dito."... Nakangiting sabi ni Jun Wu Yao.

"Hindi mo ba papatayin ang lahat kapag umalis ka?" Tanong niya sa malamig na boses.

"Hindi ko gagawin, kapag oras na para umalis, maipapangako ko sa iyo na hindi ko sasaktan ang sinuman." Matiyaga niyang sagot.

'Parang wala naman akong mapagpipilian' malamig niyang sabi habang nagngangalit ang kanyang ngipin.

Nagkibit-balikat nalang si Jun Wuxie.

Dahil alam niyang hindi niya maalis sa ngayon ang mapanganib na lalaking ito, pumikit na lang siya para magpahinga at hindi na niya pinansin.

Ang maliit na itim na pusa ay tiniyak na walang pinsalang darating sa kanyang amo sa sandaling ito. Nakahinga ito ng maluwag habang mabilis itong tumalon sa kama at pumulupot sa gilid ng unan ni Wu Xie, ngunit pinanatili nito ang pagbabantay habang ang pares ng mapupungay nitong mga mata ay hindi kailanman umalis sa lalaking nakaupo sa upuan.

Napaka delikado ng lalaking ito. Siya ang pinaka-delikadong tao na nakatagpo nito.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon