7: "Mga Hindi Inanyayahang Panauhin" (1/4)"

854 30 0
                                    

Nakita ni Jun Wu Yao na nakahiga na siya sa kama at alam niyang pumayag siya sa 'kahilingan' niyang ito.

Sa pamamagitan ng ilang paghagud ng suwerte ay nabawi niya ang kanyang kalayaan. Sapagkat pinagpala siya ng langit, siguradong bawiin niya ang lahat ng nawala. Bago niya gawin ang kanyang paghihiganti, kailangan niyang buuin muli ang kanyang lakas pabalik sa sukdulan nito. Ang pagtatagpo sa nakakawili na batang babae na ito sa daan ay baka mapawi ang kanyang pagkabagot. Siya ay hindi katulad ng ibang mga nakaka-inip na tao. Ang pananatili dito ay magiging nakakaaliw.

Sa sumunod na mga araw, lahat ng uri ng mga bihirang gamot at mga gayuma ay ipinadala sa kanyang silid. Habang ang lahat na magaling na manggagamot sa Lungsod ay pinatawag para sa paggamot kay Jun Wuxie.

Kung siya'y may mapagpipilian, Siya nalang ang naggamot sa kanyang Sarili.

Tinitingnan ang mga manggagamot na puting buhok na nangangasiwa sa kanyang kalagayan, Ang kaluuban ni Wu Xie ay nanginginig sa galit. 'Mga walang silbi sila! Hindi tunay.'

Kung siya pa iyon, ang mga naturang pinsala ay madaling magamot sa loob ng sampong araw, ngunit mula sa bibig ng mga 'manggagamot' na ito, lahat sila ay nag-ulat ng panahon na ang kanyang paggaling ay hindi bababa sa isang buwan.

Dahil masyadong malubha ang mga pinsala niya para pangalagaan niya ang kanyang sarili, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang matiyagang tiisin ang buwan.

Sa panahong ito, ang kanyang lolo ay dumaan at bumisita sa kanya araw-araw para tingnan ang kanyang kalagayan. Bihirang bumisita si Jun Wu Yao.

Makalipas ang isang buwan:

Sa wakas ay nagkaroon na siya ng sapat na lakas para makalakad ng mag-isa, lumitaw si Jun Wu Yao sa pintuan.

..."Wu Xie, mabuti na ba ang pakiramdam mo, May maitutulong ba ako para sa iyo?"...
Natutuwa Siya habang nakasandal sa pinto at kumislap ang mata na may malademonyong ngiti.

..."Kailangan kong magbihis"...
Walang ekspresyong sumulyap si Jun Wu Xie sa kanya na may iisang kahulugan. 'Layas'.

.Sa kasamaang palad...tila may hindi naka intindi ng pahiwatig.

Sa halip na umalis, lumakad talaga siya papunta sa gilid ni Jun Wu Xie at itinaas ang kanyang mga kamay at marahan siyang binuhat.

Tumindig ang balahibo ng maliit na itim na pusa.
'Bitawan mo ang aking Binibini, mapangahas.' Sigaw nito sa kanyang isipan.

..."Hindi ka pa rin lubusang gumaling, mas maganda kung tutulungan kitang gawin ang mga bagay na ito"...

Nang matapos siya, ganap na hindi pinansin ni Jun Wu Yao ang itim na pares ng nag-aalab na mga mata habang binuhat niya ang kanyang mahal na 'kapatid na babae' sa kama at nagsimulang pumili ng isang pares ng malinis na damit para sa kanya at nagsimulang palitan si Jun Wu Xie.

"................................................"

Nagulo ang utak ni Jun Wuxie habang nakaupo siya doon na tulala habang tinatanggal niya ang kanyang panlabas na damit.

Kahit na ito ay nakaraan o kasalukuyan maliban sa mga medikal na sitwasyon, Si Wu Xie ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang matalik na pakikitungo sa kasalungat na kasarian.

..."Ayan, ang ganda mo , Oras na para makita ang ating bisita"... Saad ni Jun Wuyao.

Binigyan siya ni Jun Wu Xie ng nakakamatay na titig habang mariin na nakatikom ang labi niya.

Ang nag-iisang kumilos nang tama sa sitwasyong ito ay ang mabalahibong maliit na itim. Ang Kanyang panginoon ay sinasamantala ng napakalaking kalamangan! At gayon pa man ay wala siyang tugon?

...'Ngayon ay hindi ang oras upang matulala! , Master, sinasamantala ka niya! SAMPALIN SYA!!!!'... Galit na tugon ng itim na pusa sa isip niya.

..........

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon