SIMULA

2K 33 5
                                    


Simula

Tatiana Faith Malco


Ang magkaroon ng partner sa panahon ngayon ay isa na sa mga impossibleng mangyari sa isang tao, lalo na siguro ang magkaroon ng isang ideal boyfriend. Maswerte pa rin pala ako na kahit hindi buo ang pamilya namin, mayroon naman akong boyfriend na pinapangarap ng lahat.

Halos mag-a-anim na taon na kami ni Khail, boyfriend ko. Noong college kami nagkakilala, hanggang ngayon na nakapagtapos kami at nagkaroon ng trabaho ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng problema sa kan'ya. Totoo nga na nakakaiyak magkaroon ng matured at almost perfect na boyfriend.

He's matured enough to handle our relationship kahit na baliw akong tao. Ewan ko ba kung paano niya nagagawang tumagal sa ugali kong hindi ko rin maintindihan minsan. I'm just thankful that I met him first before someone else does.

Hindi ko talaga alam gagawin ko kung naunahan ako nang iba tapos isa na lang din ako sa mga nangangarap sa kan'ya. Hindi ako papayag!

"Kap, birthday pala ni Aleah next week." Tumabi ako sa boyfriend kong nasa sofa nakaupo. He's watching on his phone, and I'm not sure kung ano iyong pinapanood niya.

Kaagad na nag-angat ng tingin sa akin si Khail. "What's your plan? Bibili ba tayo ng gift?" he asked and put away his phone to focus on me.

Sumunod ang tingin ko sa cellphone niyang nakapatong na ngayon sa mesa. Napangiti ako nang makitang mukbang ang pinapanuod niya. Mukhang gutom ang nais ng jowa ko, ah.

Umiling ako. "Ako nang bahala sa regalo. Magpapaalam lang sana ako." Ngumiti ako ng malaki.

Ngumiti pabalik si Khail at nilagay ang kamay niya sa bandang batok ko. Naramdaman ko ang paglalaro niya sa buhok ko habang diretsong nakatingin sa'kin. "I know that smile, Kap. Kailan nga ulit ang birthday ni Aleah?"

Mas malapad ang ngiti kong sinagot ang tanong niya. "Next week po. Saturday?"

"Saturday?" pag-uulit niya sa sinabi ko. "Hindi ba nangako tayo kay Mama na pupunta tayo sa bahay-"

"Fuck! Oo nga pala!" Nanlaki ang mga mata ko sabay mahinang hinampas ang aking noo.

"Kap, bibig mo po."

Mabilis kong tinikom ang bibig ko at kinagat ang aking mga labi sa loob. Nginitian ko si Khail na may halong guilt sa sinabi ko at dahil na rin nakalimutan ko ang pangako namin kay Tita Juliet.

Naramdaman kong lumipat ang kamay ni Khail sa ibabaw ng ulo ko at saka ito marahang hinaplos. Tiningnan ko siya sa mga mata at napansin din na nakangiti siya.

"Sige, sasabihin ko na lang kay Mama na sa ibang araw na lang tayo pupunta. Parang ayoko rin munang umuwi ngayon sa bahay. For sure, apo na naman ang bukang bibig nila doon." He chuckled.

Napawi ang nag-aabang na ngiti sa aking mga labi sa huling mga sinabi niya. Sa anim na taon namin ni Khail, kahit na kailan hindi sumagi sa isip niyang galawin ako. We kissed, sometimes. Pero ang tanungin ako kung payag na ba akong gawin namin ang bagay na matagal na dapat naming ginawa? Never. Ever.

Minsan nga nagtataka na rin ako kung bakit. What if hindi pala ako ang gusto niyang makasama habang buhay? Na baka natatakot siyang mabuntis ako at mapilitan siyang magpakasal sa akin? Natatakot ako. Sobra. Sa tuwing sumasagi sa isip ko 'yon parang dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit.

Mahal na mahal ko si Khail at ayaw ko siyang mawala sa akin.

"Kap? Ayos ka lang?"

"Po?" Tila wala sa sarili akong napatingin kay Khail. Nagkasalubong ang mga mata namin, at napansin ang pag-aalala niya sa akin.

Condemn HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon